SAAN BA NAPULOT ng lola niya ang babaeng iyon? Was it even safe to have someone like her living with them. Ang mga tanong na iyon ang nasa isip ni Borj habang nakatingin siya nang matalim kay Roni.
Kunsabagay, kilala niya ang lola niya. His grandmother was very thorough. Maituturing na nga siguro itong obsessive-compulsive sa sobrang pagiging metikulosa. His lola even wrote down her thoughts, for goodness sake!
Noong bata pa siya ay tinatanong niya ito kung bakit ginagawa nito iyon.
"Writing it down makes it more real," ang paliwanag nito. Nagiging mas konkreto daw ang iniisip nito kapag isinusulat nito ang nasa isip.
She didn't leave anything to chance. Nakaayos ang lahat ng mga papeles at dokumentong may kinalaman sa mga propyedad nito. Ang last will and testament nito ay noon pa nito naipagawa at ina-update lang kung may gusto itong ipabago.
Obsessed ito sa status niya, sa pagiging single niya. It was something she didn't think was ideal. Gayunman, wala itong magawa dahil ang ultimong desisyon kung mananatili siyang single o hindi ay wala sa mga kamay nito kundi nasa kanya mismo.
Kung ganoong kinuha nito ang serbisyo ng babaeng iyon, nangangahulugan lang na nabusisi na nito ang background nito at nakakatiyak siya na puwede siyang matulog nang mahimbing nang hindi nagigilitan ng leeg. Sadyang nuknukan ng daldal at kulit lang yata ang babae, at hindi naman nakakamatay ang mga iyon kaya titiisin na lang niya ito. Maybe the woman was what his grandmother needed. Baka kaya ito ang napiling companion ng lola niya ay dahil mismo sa kadaldalan nito. Hindi maiinip ang Lola Seling niya kung ganoong parang hindi mauubusan ng sasabihin ang kausap nito.
If only the woman would leave him alone.
Napapailing na itinuon uli niya ang pansin sa pagtitig sa kawalan. Hindi dahil nakatulala siya nang ganoon ay nangangahulugan nang wala siyang ginagawa. Kadalasan kapag ganoon siya, abala siya sa pag-i-imagine ng mga gagawin niya sa computer. Pero inabala ni Roni ang train of thoughts niya kaya ngayon ay kailangan niyang magsimula uling mag-concentrate. Sana lang ay nakuha na nito ang mensaheng kulang na lang ay ipagdiinan niya rito kanina. Iyon ay ang salitang naghuhumiyaw na "leave me alone."
MARAMING puwedeng gawin si Roni para makuha ang pansin ni Borj. Pero sa totoo lang, mas mahirap pa yatang kunin ang pansin nito kaysa sa isang batang autistic. Para kasing may sariling mundo ito na kay hirap pasukin. Gayunman, handa siyang subukan ang lahat ng maisip niyang paraan. Baka sakali lang na bago siya maubusan ng ideya ay may umubra na sa mga naiisip niya.
Pasilip-silip siya sa gawi ng gazebo. Base sa kanyang obserbasyon, maraming oras ang inilalagi roon ni Borj, lalo na kapag ganoong umaga at malamig ang hangin. Nang matanaw niyang nandoon nga ito at abala sa pagtipa sa computer nito, nagmamadaling nagpunta siya sa kusina. Nagtimpla siya ng kape. Madalas umiinom ito ng kape, naobserbahan din niya. Kalimitan ay iyon ang hinihingi nito sa katulong.
Pagkatimpla niya ay inilagay niya ang tasa sa platito saka siya lumabas. Muli ay nagpaskil siya ng pinakamatamis na ngiti sa kanyang mga labi at pagkatapos niyang humugot ng malalim na hininga ay saka siya nagsalita.
"Kape po tayo." Pinasigla uli niya ang kanyang tinig.
Wa epek.
Hindi man lang siya nito nilingon. Kung bingi ito o gusto na nitong panindigan ang pandededma sa kanya, hindi niya alam. Basta hindi ito tuminag gaputok man sa kinauupuan nito.
Habang nakatitig ito sa screen ng computer ay patuloy ito sa pagtipa sa keyboard o kaya sa pagtutok ng cursor sa kung anu-ano.
Naudlot ang akmang pagtapik niya sa balikat nito nang makita niya ang nasa screen ng computer. Parang nagpipinta ito pero sa halip na totoong brush at pintura ang gamit ay mga tools sa computer ang gamit nito. He would point at the drawing he was making and then clicked an icon. Instantly, the image would change color or texture or size. Para sa isang katulad niya na ang alam lang sa computer ay kung paano mag-email, nakakaaliw panoorin ang ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
Color My World
रोमांसAng weird ng trabahong iniaalok kay Roni ni Lola Seling: Kaibiganin daw niya ang apo nitong si Borj. Mula raw kasi nang ma-involve ito sa isang aksidente ay tila may sarili na itong mundo. Palibhasa ay desperado na siyang magkatrabaho kaya tinangga...