"BLAST it!" bulalas ni Borj.
He went for a walk to relax but instead, he found himself being forced to play the role of rescuer to a damsel in distress. Ayaw pa naman niya ng ganoong papel.
Kanina, habang hinihintay niyang dambahin siya ng aso ay pinaglayo niya ang mga paa niya para mapatatag ang kanyang balanse. When the dog jumped on him, he took the full blunt of its weight. Ipinaikot niya ang braso niya sa leeg nito para pigilan ito pero pinilit pa rin nitong abutin ang mukha niya... at dinilaan.
"Yuck!" reklamo niya habang itinutulak palayo ang aso. "Jumbo, stop," saway niya rito.
Marami-rami na rin ang napeke ng itim na asong iyon. Kung titingnan kasi iyon, para iyong sugo ng impiyerno. Malaki iyon, dambuhala nga, at itim pa. Pero kilala na niya ang ugali ng aso dahil matagal na rin iyong alaga ng nakatira din sa subdibisyon nila.
Jumbo was a gentle giant. Nanghahabol at nananahol ito hindi dahil mabagsik ito kundi dahil nagyayaya itong maglaro. Pero dayo marahil ang babaeng hinahabol nito kanina kaya hindi nito alam iyon. That was why she seemed scared out of her wits as she ran away from the dog.
Nilingon niya ang babae para tingnan kung ano ang nangyari dito. Hustong paglingon niya ay nakita niyang napahandusay ito sa kalsada.
Agad na pinakawalan niya ang aso. "Uwi!" utos niya rito. "Go home. Shoo!" Pinadyakan niya ito at tila naunawaan niyon ang nais niya. Nagtatakbo na iyon sa direksiyon ng bahay ng may-ari dito.
Agad na nilapitan niya ang hinimatay na babae. Nasa tabi nito ang guwardiya ng subdibisyon.
"Miss... Miss..." tinapik-tapik ng guwardiya ang pisngi ng babae. Nang makita siya nito ay tumabi ito.
Saglit na nag-atubili siya bago niya pinangko ang babae. Nasa di-kalayuan ang covered court. Doon niya ito dinala saka ito ibinaba sa bleacher. Habang pangko niya ito kanina, hindi niya maiwasang malanghap ang pabango nito. She really smelled of jasmine and he seemed to like it so much. Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi yata tamang ang amoy pa nito ang pag-ukulan niya ng pansin sa ganoong sitwasyon. What was he going to do with the woman anyway? Dapat na ba niya itong isugod sa ospital?
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang dumilat ito. "A-ano'ng nangyari?" tanong nito kapagkuwan.
"You fainted," saad niya. "How do you feel?"
"M-mukhang okay naman. Hinimatay ako?" parang nagulat na tanong nito.
"Yes, you did."
Umupo ito pero halatang nalilito pa rin. Napasinghap ito pagkatapos. "Iyong aso?" bulalas nito. Kasunod niyon ay ininspeksiyon siya nito. "Hindi ka ba niya nalapa? Baka kailangan mong magpaturok ng antirabies. Naku, mahal iyon at---"
"I'm fine," sabad niya. "And if you're fine, too, I'd leave you with Epoy." Kailangan na niyang bumalik sa trabaho niya. Naglakad lang naman siya para mapreskuhan ang isip niya but look what it got him. "Okay ka na ba talaga?"
Tumango ito.
"Sige, maiwan na kita," sabi niya. Bumaling siya sa guwardiya. "Ikaw na bahala sa kanya, Epoy," habilin niya saka siya nagsimulang maglakad palayo.
"Maraming salamat, mamang ano... Ano nga ba ang name mo?" narinig niyang tanong ng babae.
Hindi siya sumagot, sa halip ay ikinumpas na lang niya ang kamay niya bilang pag-acknowledge sa pasasalamat nito.
SINUNDAN ng tingin ni Roni ang lalaki. Her knight in shining armor, iyon yata ang maitatawag niya rito. Hindi naman sa naghahanap siya ng knight, pero naaliw siya sa ideyang nakatisod siya niyon nang hindi sinasadya.
BINABASA MO ANG
Color My World
RomanceAng weird ng trabahong iniaalok kay Roni ni Lola Seling: Kaibiganin daw niya ang apo nitong si Borj. Mula raw kasi nang ma-involve ito sa isang aksidente ay tila may sarili na itong mundo. Palibhasa ay desperado na siyang magkatrabaho kaya tinangga...