ISANG GABI, walang mapaglibangan si Roni. May dinaluhang party si Lola Seling. Niyaya siya nitong sumama pero nakahiyaan niyang sumama. Si Borj naman ay hindi pa umuuwi mula nang umalis ito nang umagang iyon.
Nanood siya sandali ng DVD sa flat screen TV set. Nang magsawa siya ay isang reality show naman ang kanyang inatupag. Pero hindi nagtagal ay nainip din siya.
Nagpunta siya sa den na nagsisilbing recreation room ng bahay. Nahagip ng paningin niya ang Magic Sing. Yaman din lang na mag-isa siya roon, naisip niyang kumanta na lang.
Ikinabit niya iyon sa TV. Nang makapili na siya ng kakantahin ay sinimulan na niyang bumirit.
Hindi maihahalintulad ang boses niya sa ganda ng boses ni Lea Salonga pero hindi rin naman siya babatuhin ng bote ng kapitbahay kung sakaling marinig ang boses niya. Kung mayroon man siyang kayang gawin, iyon ay ang kumanta ng "with feelings." Sa katunayan, minsan na rin siyang nag-ambisyong maging demo girl ng mikroponong ginagamit niya.
"Ikaw ang bigay ng Maykapal. Sagot sa aking dasal..." feel na feel niya ang lyrics ng kanta.
Habang bumibirit siya, mukha ni Borj ang nakikita niya sa diwa niya. Aminado siyang unti-unti na siyang may nadaramang fascination dito. Ngayon ay hindi na trabaho ang turing niya sa pagtatangka niyang kaibiganin ito. It became a mission, a crusade. Ang bawat ngiting anihin niya mula rito ay katumbas ng isang tipak ng gintong namimina sa pusod ng kabundukan.
Nakapikit siya habang kumakanta kaya laking gulat niya nang may marinig siyang naki-duet sa kanya. Naudlot ang kanyang pag-a-a la concert queen nang si Borj ang tumambad sa paningin niya pagdilat niya.
"Bakit ka tumigil? Sabayan mo ako," udyok nito sa kanya.
Kahit nagugulumihan siya sa pangyayari ay sinunod niya ito.
Maganda ang boses nito. Lalo siyang naengganyong maki-duet dito.
YOU'RE singing?
That was a bit weird for Borj. Bihirang-bihira siyang kumanta. Kadalasang ginagawa niya iyon kapag nalalasing lang siya. Sapilitan pa iyon. Pero kanina, pagpasok niya sa bahay ay sinalubong agad siya ng tunog na nanggagaling mula sa den.
Ang akala niya ay may dance lessons na naman ang lola niya. Pero nang marinig niyang mabuti ang tunog, napagtanto niyang may gumagamit ng Magic Sing na iniregalo sa lola niya ng isa sa mga amiga nito.
Sumilip siya sa loob at nakita niya si Roni. Kahit mag-isa lang ito, enjoy na enjoy naman ito sa pagkanta. Her seeming enjoyment was contagious, so much so that he felt the urge to join her. At nang magsimula siyang kumanta ay naaliw na siya nang tuluyan.
How long had he been a wet blanket, he had no idea. But he was starting to realize that by being too serious he had missed out on life's simple pleasures. It took this woman to make him saw that. Siguro ay dahil ito ay nag-uumapaw sa enthusiasm sa buhay kaya napaunawa nito sa kanya kung gaano ka-corny at ka-boring ang buhay niya.
It was said a person gravitated towards someone who made them feel good. Iyon siguro ang dahilan kaya na-attract ang lola niya sa babaeng ito, at siya naman ay tila ganoon din ang nangyayari.
He was singing with her, for goodness' sake! Kung may nagsabi sa kanya noon na gagawin niya iyon, malamang ay tinawanan niya iyon nang katakut-takot.
NADISKUBRE ni Roni na mahirap palang kumanta habang kinakapos ng hininga. Lalo pa kung kasabay niyon ay rumaragasa ang hindi maipaliwanag na tensiyon. Gayunman, kakanta pa rin siya kahit mapatid na ang vocal cords niya. Ayaw kasi niyang matapos ang tagpong iyon.
BINABASA MO ANG
Color My World
RomanceAng weird ng trabahong iniaalok kay Roni ni Lola Seling: Kaibiganin daw niya ang apo nitong si Borj. Mula raw kasi nang ma-involve ito sa isang aksidente ay tila may sarili na itong mundo. Palibhasa ay desperado na siyang magkatrabaho kaya tinangga...