Prologue

139 6 0
                                    

PROLOGUE

Masayang masaya ang lahat matapos ianunsyo ng mag asawang namumuno sa Hacienda Del Yu ang isang napakagandang balita.

Ayon kay Rover Yu ay buntis na ang kaniyang misis na si Naria.

Ilang taon ng ipina-panalangin ng magkabiyak na biyayaan sila ng anak subalit hindi ang mga ito pinapalad. Sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo ay hindi nawalan ng pag-asa ang dalawa kung kaya't laking tuwa ng lahat ng saksi sa matagal nilang paghihintay at matibay nilang pananalig matapos marinig ang inihayag ng mga ito.

Sa wakas ay nagdadalantao na si Mrs. Naria Yu at hindi lang isa ang anghel na nasa kaniyang sinapupunan, apat ang naging bunga ng pagmamahalan at di matutumbasang pananampalataya ng mag-asawa.

Eight years later..

Abalang abala sa paghahanda ng tanghalian ang ilaw ng tahanan sa Hacienda Del Yu nang humahangos na lumapit dito ang apat na bata. Agad sumilay ang ngiti sa labi ni Naria ng makita ang mga anak na sina Acoyssa, Ayllauv, Eimeesh at Eineed.

Ang quadruplets na may palayaw na Acy, Luv, Eden at Meesh ang mga munting anghel nila ng kaniyang asawang si Rover.

Bawat isa sa mga ito ay nakangiting yumakap sa kanya bago isa-isang nagsalita. Identical quadruplets man ang apat ay napakadali na para sa nakakakilala sa mga ito na alamin kung sino ang alin batay sa kilos ng mga ito.

"Nay, you know what? I got the main role that I've been dreaming!" maarte at masayang wika ng batang nakasuot ng kulay rosas na bestida. May headband ito na kulay puti at may disenyo rin ng bulaklak.

  Ito si Acy, ang panganay sa apat niyang anak at ang pinaka-aktibo sa pakikilahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa sining lalo na sa pag-arte.

"Wow, congratulations Acy! Oh diba? I told you, you're the best actress I ever knew." sinserong komento ni Naria sa anak tsaka masuyong hinaplos ang buhok nito.

Agad namula ang pisngi ng bata na maya-maya ah dahan-dahan ng lumayo para sa kapatid nitong nasa likuran. Acy is not a selfish kid, she knows when to give way for her sisters.

"Nanay? We discussed about Batangas during our History Class, that's a town of heroes po pala. Gusto kong pumunta roon 'nay. Can we?" puno ng lambing at nangungusap ang tingin na ipinukol ng batang nakasuot ng pulang bestida sa ginang. Hugis puso na may iba't ibang kulay ang disenyo sa damit nito habang nakatali naman ng mataas ang buhok nito na medyo nagulo na dahil siguro sa paglalaro.

Ito ang pangalawa sa magkakapatid, si Luv ang adventurous at pinakamahilig na gumala sa iba't ibang lugar.

"Me and your tatay will talk about it. Okay?" sagot ni Naria sa anak na ikinatuwa naman ng huli. Patalon-talon pang umikot ang bata sa malawak na espasyo sa kusina. Luv is a lovable child, she knows how to properly show her feelings, she's even vocal about it.

"Nanay! Ako rin! Tell tatay na gusto kong pumunta sa Mars! I wanted to meet extraterrestrial being!" sigaw ni Meesh ang umagaw sa pansin ni Naria, halata ang excitement sa boses nito.

Ito ang bunso sa apat niyang anghel. Tila ba kumukutitap pa ang mga mata nito habang naglalayag ang isip sa mga bagay bagay na hindi pa napapatunayan ng Siyensya. Meesh is wearing a dress but the print on it was spaceships, planets and stars. She's so into alien species and such. At a young age, Meesh was also not fond of interacting with other people except for her own siblings.
Cold-hearted ito at mahirap makuha ang atensyon maliban na lang kapag ang kinakahibangan na nito ang paksa ng usapan.

"Alright, alright. Calm down Meesh, sige sasabihin ko rin sa tatay mo iyan." tugon nya sa anak na tuluyan ng naghugis bituin ang mga mata. Sa palagay nya ay kung anu-ano na naman ang nasa imahinasyon nito.

Bumaling na si Naria sa anak niyang nananatili pa ring nakahawak sa laylayan ng kaniyang blusa. Tahimik at, nakamasid lang ito habang nakikinig sa naging pag-uusap sa pagitan nya at ng tatlo nitong kapatid.

"How about you, Eden? Wala ka man lang bang iku-kwento sa nanay?" Matamang tinitigan ni Naria ang bata tsaka ito nginitian ng matamis.

"Uhm, wala po 'Nay, I just read Proverbs during break time, tsaka po sinabi nga pala ni Sir Gray kanina na sumali raw po ako sa School Choir pero... ayaw ko po 'nay." nahihiya at mabining sagot naman nito.

The way Eden speaks was so soft to the point that birds chirping outside would be ashamed to interrupt her. Naria's bashful daughter is wearing an all white dress with yellow ruffles on the waist and sleeves. It perfectly suits her as she somehow seems like an angel with invisible wings and Halo.

Sa lahat ng anak nina Naria at Rover, si Eden ang itinuturing ng mag-asawa gayundin ng kaniyang mga kapatid na pinakamaselan, konserbatibo at sensitibo.

Madalas nitong mas pinipiling magbasa na lang ng libro o di kaya'y magtanim ng halaman sa malawak nilang hardin kaysa maglaro. Eden also loves to sing but never wanted to let unfamiliar person to hear her solemn voice except if her family told her so. Sya nga ang literal na "anghel" ng kanilang pamilya.

Despite all the differences of the quadruplets, Naria and Rover treated them equally and fairly.

Busog din sa pangaral ng kanilang mga magulang ang magkakapatid na dapat silang magmahalan sa halip na mag-inggitan. Iyon ang naging ugat ng hindi mapapantayang samahan ng apat.

Makalipas ang labing limang taon..

*****

Appreciation and acknowledgement for iamLavrenti 

Thanks for creating such a
beautiful book cover of this novel. Thank you so much!  I hope for your success and may your career reach the sky with flying colors.

God bless you!

You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon