Chapter 16
Nighali's POV
Maligayang nairaos ng pamilya namin ang Pasko, bago mag-Bagong Taon ay ipinatawag ako at ang iba pang atleta ng Director nang Philippine Sport Commission.
Sa ngayon, nasa byahe na ako at ang iba pa sa team ni Coach Stanley.
"Coach, saan ba punta natin? Pa-suspense pa naman kayo eh", pang-uusisa ni Apollo; kahit sa dulo ito nakapwesto ay talagang lumapit pa ito sa upuan ni Coach Stan.
"Just wait, relax now then enjoy after", makahulugang sagot ni Coach na nakaupo malapit sa driver ng mini bus na sinasakyan namin.
"Hoy feeling close ka masyado kay Coach Stan, umayos ka nga! Return to your seat. Tsk!", sigaw ni Heraldry.
"Sir, yes sir! If I know, nami-miss mo lang ako eh", may halong pang-iinis na tugon ni Apollo kasabay ng pag-saludo.
"Siraulo! Ano?! Sir pala ha! Do I look like a man? Wait lang!", pikon na buwelta ni Hera bago pabirong sinuntok ang braso ng kaibigan nang nakabalik na ito sa tabi nya.
Napatigil lang ang dalawa sa pag-aasaran nang hindi ko mapigilang tumawa.
"Mukhang ginagawa tayong clown ng isa dito ah, ano Apollo? Massacre na natin?", sabi ni Hera na pinaparinggan ako.
Sumilay ang ngisi sa labi ng mga ito saka biglang pumihit patungo sa akin.
Dahil wala naman akong matatakbuhan ay na-corner ako ng dalawa saka ako dinaluhong ng pisil sa pisngi.
Athlete's Village; New Clark City
4:30PM Capas, TarlacHindi pa man tuluyang nakakababa ng bus si Hera ay panay na ang hikab nito at sunod-sunod na ang buntong-hininga.
Sinulyapan ko ito at halos matawa ako dahil daig pa nito ang batang musmos.
"Hera? Kaya mo pa bang maglakad?", nag-aalalang tanong ko dito. Tila lasing na din kasi ito dahil pasuray-suray nang humakbang.
Ngumiti lang ito sa akin sa namumungay nang mga mata, kung natutukudan lang ang mata ay baka nilagayan nya na ito.
"Ako na'ng bahala sa kanya 'pre. Narcoleptic kasi 'yan. Iyong sobrang tulugin at antukin kahit araw", paliwanag ni Apollo.
Inakay nito si Hera saka lumapit kay Coach para magtanong kung saan kami pwedeng tumuloy.
"The facilitators allowed us to used the entire space of this place. Eveyone please go direct ahead to the posted banner on the front desk to search for your designated rooms. Guys will be at the North Wing of the compound while ladies will be at the South Wing." anunsyo nito.
Hindi lang team na sinu-supervise ni Coach Stanley ang inanyayahan ng PSC para pumunta sa NCC.
Kaya naman madaming nagkalat na iba pang kapwa namin atleta sa paligid.
"So paano pare? Sasamahan pa ba kita para hanapin ang kwarto ni Hera?", tanong ko kay Apollo ng tila kailangan nito ng saklolo.
"Ganoon na nga.", sagot nito saka tumawa ng mahina.
Bukod sa mahirap mag-akay ng taong antukin ay medyo madami din ang dalang gamit ni Hera.
Talo pa nito ang mag-a-out of the country.
Kinuha ko ang bitbit na gamit ni Apollo saka ako nagpatiunang lumakad."Una ka na sa hallway ng South Wing, ako na titingin ng room number ni Hera.", tumango-tango lang ito bago tuluyang umalis.
Sa kabila ng madalas na pag-aasaran nina Apollo't Hera, hindi maitatanggi ang pag-aalala ng lalaki sa huli.
Balita ko nga ay higit isang dekada nang magkaibigan ang dalawa subalit ni minsan ay hindi lumampas pa doon ang trato at turingan nila.
Gayunpaman, hindi man nila aminin ay nag-uumapaw ang pagpapahalaga nila sa isa't isa.
"Nighali! Hey!", mabilis ang naging paglingon ko sa direksyon kung saan may tumawag sa pangalan ko, teka?
Anong ginagawa nya dito?
BINABASA MO ANG
You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)
RomanceThe eldest among Yu Quadruplets, Acoyssa Yu lives her life to the fullest. She's a partygoer and known university theater actress. One night after clubbing, she met Nighali as he rushed inside the elevator where she's in. Mula noon ay napukaw na...