Chapter 14
Nighali's POV
Masayang masaya sina Mama't Papa dahil natapos ang International Competition na sinalihan ko sa Seoul, South Korea nang mas maaga kaysa sa inaasahan kung kaya nakauwi ako bago mag-pasko.
Bagama't 'Bronze medal' lang ang nakamit ko, kung ipagmalaki at ipagyabang ako ng mga magulang ko ay abot hanggang kabilang kanto.
Nakaupo lang ako sa bamboo set namin sa salas ng;
"Kuya so ano? Kamusta ang pagpunta mo sa Korea? Kwento ka naman! May nakita ka bang k-pop idol? Eh poging artista?", pang-uusisa ni Nicey.
Nagliliwanag ang mga mata nito at nakangiti nang napakalaki. Nagawa pa nitong tumabi sa akin. Adik talaga 'to sa Koreano!
"Baliw ka talaga, Nicey. Naka-fix ang schedule namin doon mula pagdating hanggang matapos ang competition kaya wala akong panahon para mag-liwaliw. Hindi naman kami pumunta doon para mag-bakasyon." paliwanag ko dito.
"Ang KJ naman! Grabe! Mabuti't nakabili ka pa ng pasalubong.", puno ng dismayang pahayag nito.
"Hoy Nicey Feral Tenorio! Pumunta ka nga dito at tumulong ka sa pagluluto!", sigaw ni Nicias mula sa kusina.
"Ikaw ang babae tapos daldal ka lang ng daldal dyan samantalang ako ang napapagod dito.", dagdag pa nito kapagkuwan.
Napipilitan man ay sumunod pa rin si Nicey kay Nicias.
Mga baliw talaga, nang magka-salubong kasi ang mga ito ay nag-asaran pa.
"KJ ka din talagang epal ka! Hmpf! Gusto mo lang ma-solo ang chika ni Kuya Nighali eh!", pagmamaktol ni Nicey.
"Ang ingay mo, nakalunok ka talaga siguro ng speaker! Doon ka na nga kay Mama. Shoo~", pagtataboy naman ni Nicias sa bunso naming kapatid.
Ilang hakbang pa ay nakarating na ito sa pwesto ko at umupo sa kaharap kong upuan.
"'Bro! What's up? Hindi ka man lang ba nanibago sa klima doon? Winter sa Korea ngayon, hindi ba?", sunod-sunod na tanong naman nito sa akin.
"Yup, winter nga at sobrang lamig. Mas grabe ka pa pala kay Nicey kung mag-usisa.", tumatawang sagot ko dito.
Maya-maya pa ay nanahimik ito at seryoso akong tiningnan;
"Alam mo bro, may iku-kwento ako sayo. Pero doon tayo sa kwarto, baka madinig tayo ng chismosa nating kapatid eh", sabi nito bago mahinang tumawa.
Nagtataka man ay sumunod ako dito nang tumayo na ito at lumakad patungo sa kwarto namin.
Tatlo lang kasi ang kwarto sa bahay, isa para kay Nicey, isa para sa amin ni Nicias at ang huli ay para kina Mama't Papa.
Kailanman ay hindi ko pa nasaksihan na ganito ang mood ni Nicias maliban noong unang taon nya sa kolehiyo.
Teka, usaping puso na naman ba 'to? Mukhang nahulog na naman ang loob ng utol ko.
"Ganito 'yon Kuya, once upon a time--"
"Uupakan na ba kita ha Nicias Nickael Tenorio?", pananakot ko dito.
"Kalma 'tol, kinakabahan kasi ako. Inhale, exhale. Okay game!", puno ng kumpyansang sagot nito.
Matapos ang ilan pang buntong-hininga ay nagsimula na itong mag-salaysay ng 'not so ordinary' nyang kwento, lalo na nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng nagugustuhan niya.
Isang Fine Arts first year student sa kolehiyo na pinapasukan din nya..
Si Acoyssa Yu!
BINABASA MO ANG
You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)
RomanceThe eldest among Yu Quadruplets, Acoyssa Yu lives her life to the fullest. She's a partygoer and known university theater actress. One night after clubbing, she met Nighali as he rushed inside the elevator where she's in. Mula noon ay napukaw na...