Chapter 12
Nighali's POV
Ilang buwan na ang lumipas ng magdesisyon akong sumali sa team ni Coach Stanley at wala naman akong naging problema ng sabihin ko 'yon sa pamilya ko.
Maliban pala sa medyo hindi agad naunawaan ni Mama ang balak ko, kalaunan naman ay naintindihan nya din.
Sariwa pa nga sa isip ko ang naging sagutan namin sa tagpong 'yon;
*flashback*
Naabutan kong nakahanda na ang komedor, nakahain na ang hapunan.
Ginataang tulingan ang ulam at may kapares na din itong patis na may hiniwang kamatis. Mukhang malaki ang kinitang pera ni Papa sa pamamasada nya ng tricycle.
Kung hindi sana'y de-lata na naman o kaya ay instant noodles ang ulam namin.
Matapos tawagin ni Mama ang dalawa ko pang nakababatang mga kapatid ay dumulog na kaming lahat sa hapag-kainan.
Paborito ng bawat isa sa amin ang ulam kaya ganado kami sa bawat pag-subo ng kanin.
Si Papa nga ay hindi nakatiis at nag-kamay na lang para daw mas 'feel' nya ang pagkain.
"Ma? 'Pa? Magpa-paalam po sana ako."
Mabilis ang naging paglingon sa akin ng mga kapatid at magulang ko, si Nicey ang unang nakabawi sa sinabi ko.
Sya ang bunso at nag-iisang babae sa aming magkakapatid, kinse anyos na sya at consistent honor student.
Kasalukuyan syang Grade 9 at scholar sa Pasay City Science High School."Saan ka pupunta, kuya? Hwag mong sabihing may plano kang mag-abroad?", anito na mataman pa akong tinitigan.
"Ano? Abroad? Naku Nighali! Aba'y nagpa-padalos dalos ka naman yata?", sabi ni Mama na bakas ang pag-aalala.
"Sus! OA mo Mama ha? Wala pa ngang sinasabi si kuya eh. Ano ba 'yon bro?", tanong naman ni Nicias.
Ang padalawa at tanging kapatid kong lalaki. Sya ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo at nag-aaral ng kursong Electrical Engineering sa U.P. Diliman.
"Iyon nga po, hindi naman ako aalis ng bansa para mag-OFW 'Ma. Dito lang po ako pero baka po hindi muna ako makapag-part time bilang deliveryman. Pasensya na po.", sinserong ani ko habang nakatingin kina Mama't Papa.
"Bakit Nighali? Ano namang balak mo?", tanong ni Papa.
Halatang naghihintay ito ng maayos na paliwanag.
"Kasi po ay plano ko sanang mag-training para makasali ako sa team ni Coach Stanley, kapag pinalad po ay baka mapa-sabak ako agad bilang representative ng bansa natin.", alangan ang naging pag-ngiti ko matapos magpaliwanag.
"Ibig mong sabihin, hindi ka muna makakatulong sa amin ng Papa mo? Dahil lang ulit sa ano?", sabi ni Mama paglaon.
"Dahil baka po ma-pokus ang atensyon ko sa skateboar---"
"Nighali! Naririnig mo ba 'yang sarili mo? Uunahin mo pang maglaro kaysa tumulong sa gastusin natin? Anak naman!", mahihimigan ang disgusto at pagtutol ni Mama sa plano ko.
"Uriella, hayaan mo na ang panganay natin.", saway ni Papa kay Mama bago ito tumingin sa akin;
"Nighali, alam kong may talento ka na sa pag-e-skateboard noon pa man kaya susuportahan ka namin kung 'yon ang gusto mo. Pero pagdating sa pinansyal na suporta, anak kung sakali pasen---"
"Drama mo 'Pa, oho naiintindihan ko po. Hwag po kayo mag-alala, kaya ko na po ang sarili ko", pag-putol ko sa sana ay madamdaming paumanhin pa ni Papa.
Gusto pa kasi yata nyang magka-iyakan kaming lahat.
"And they live happily ever after! Tuloy ang lafang, nagutom ako lalo sa announcement ni Kuya Hal eh.", masiglang wika ni Nicey kung kaya't naging masaya na ulit ang mood naming lahat.
*flashback ends*
Napatawa na lang ako matapos kong magbabalik-tanaw sa eksenang 'yon.
Na-miss ko tuloy bigla ang mga luto ni Mama, naputol lang ang paglalayag ng isip ko sa kung saan ng tumunog ang cellphone ko;
'Hey, I watched you on T.V., Good Luck!'
Napangiti ako ng mabasa ang text mula kay Acy, mahilig pala syang manood ng sports? Wala sa hitsura nya, hindi halata.
Pero napawi din agad sa alaala ko ang mukha niya ng biglang lumitaw sa isip ko ang mukha ng isang lalaki. Iyong asungot na katawanan nya noon, 'yong Levinson.
Sa sobrang dami ng gusto kong sabihin ay nanatiling nakatitig lang ako sa message ni Acy.
'Salamat sa pag-good luck, Acy. Gagalingan ko talaga para sayo'.
Mali! Masyadong pa-humble. Medyo bolero din ang dating. Ano kaya?'Mahilig ka pala sa sports? Hindi halata, Hahaha.'
Delete, delete. Judgmental naman masyado. Para ding hindi seryoso, baka isipin nya ang presko ko.'Para sa Pilipinas, syempre pagbu-butihin ko.'
Maka-bayan naman ng sobra. At ang exaggerated ko naman kung ito ang ise-send ko.'Buti naalala mo pa pala ako? Salamat Acy.'
Mukha naman akong pa-espesyal at madrama kapag ito ang ini-send ko. Argh!Praning ako masyado.
Composed yourself, Nighali. Babae lang 'yan. Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)
RomanceThe eldest among Yu Quadruplets, Acoyssa Yu lives her life to the fullest. She's a partygoer and known university theater actress. One night after clubbing, she met Nighali as he rushed inside the elevator where she's in. Mula noon ay napukaw na...