Chapter Nine

11 3 0
                                    

Chapter 9

Halos dalawang linggo na din ang lumipas ng nabuhay ang pag-asa ni Nighali na baka ang isang tulad nya ay pwede din namang mapansin ng isang katulad ni 'Acoyssa Yu'.

Kung kaya't talo pa ng binata ang masugid na customer na matiyagang naghihintay sa tapat ng unit ng dalaga upang makabili lang ng paborito niyang pagkain.

He's been waiting for her for more than three hours.

Naparam ang munting pagka-inip ni Nighali nang dumating ang isang magarang sasakyan at agad napabaling ang kaniyang atensyon dito.

Nabalot ng tuwa ang puso niya nang lumabas mula doon si Acy bagaman siya'y nagtataka.

It's not her car.

Akmang lalapitan niya ito subalit bahagya siyang napahinto sa balak ng umibis mula sa kotseng sinakyan ng dalaga ang isang matikas na lalaki.

Sa tindig pa lang nito ay mahahalata na ang pagiging anak mayaman.

The man is wearing a plain white sweatshirt paired with denim pants but it doesn't successfully hide his masculine built.

Maputi at pino din ang kutis ng lalaki at kulay abo ang mga mata. Clean cut naman ang gupit ng buhok nitong kulay itim.

In short, he is the type of guy every woman would fantasize and the lady he's fantasizing may not be an exception to them.

Sandaling natulala si Nighali dahil sa nasaksihan bago unti-unting napayuko.

Tumambad sa kaniya ang suot niyang kupas na asul na T-shirt at khaki tokong shorts. Ano nga ba ang panama niya sa ganoong klase ng lalaki?

Si Nighali Tenorio lang naman sya. He's just a commoner who pushes himself in to her world full of royalty.

O di kaya ay isa siyang kuneho sa kural ng mga leon at tigre.

There is nothing he can do.

Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Nighali ng madinig nya ang malamyos na tinig ng babaeng inaasam niyang makita kanina lang.

"Thanks Levinson. I hope I didn't disturb you." anito sa kasama.

Agad namang ngumiti ang huli at lumapit sa dalaga.

"Drop the first name for formality sweetie, I told you to just call me 'Levi'. And you're always welcome. I'll always be a phone call away. Anyway, please next time wait for me to open the car's door for you. So, do I have to leave now?", magiliw na tugon ng lalaking Levinson pala ang pangalan.

"Uhm, alright. I understand. By the way, I can make you a coffee if you want", she replied in a friendly way.

"That's great. Akala ko di mo mahahalata na gusto ko pang mag-stay eh. So, shall we?", at bahagyang itinaas ng lalaki ang kanyang kaliwang braso upang kumapit doon ang dalaga.

Acy laugh before she cling to his arm.

The scene just make Nighali's heart left with so much pain. Matapos kunin ni Levinson ang ilang shopping bag, ay naglakad na papasok ang dalawa sa lobby ng building.

Hindi pa man tuluyang nakakalayo ay narinig pa ni Nighali ang mahinang pagtatawanan ng mga ito.

At tila nanenermon pang sumambulat sa alaala niya ang sinabi noon ng isang kaibigan;

'Langit 'yan. Tayong mahihirap, wala tayong pakpak para lumipad palapit sa ganiyan kataas.'

Acoyssa's POV

Dahil sa hectic na schedule, marami akong naging pagkukulang sa mga academic activities ko lalo na in terms of group work.

Bilang pagbawi, I volunteered to create a printed advertisement for the assigned theater play to the group where I belong.

Maging ang online promoting ay kusa ko na ding ini-appoint sa sarili ko.

On my way of buying the materials needed for the props that we'll make, bigla na lang nagloko ang kotse ko.

Out of panic and pressure because I'm on a rush, I dial the most probable contact that can possibly help me.

And the unlucky receiver was Levinson.

Anyway, he helped me with open hand that makes me feel grateful. He even wait patiently for me to finish what I have to do then drive me home.

We never talk seriously regarding our status but who cares? As long as we're not hurting anyone and we're happy, I'm fine.

You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon