Chapter 10
Nighali's POV
Kausap ko lang kanina ang isang athlete coach and trainer na nagpakilala bilang si 'Coach Stanley'.
Magmula kasi ng aksidenteng makita niya ako sa plaza na nage-exhibition sa skateboard ay inalok na ako nitong mag-training sa pamumuno niya.
Pinabisita pa nito sa akin ang isang recreational facility kung saan daw nagpa-practice ang ilan pang trainee niya.
Complete package ang rampa nila doon.
"Ano pare? Tara na! Sali ka na sa grupo. Magiging asset ka ng team.", ani ng isa sa mga aspiring member ng national team ng mga skateboarders.
"Hindi naman ako magaling sa ganyan pare, pampalipas oras ko lang naman 'to.", nahihiyang tugon ko sa kaniya.
"Past time became an everyday routine then next time you'll know, you can't live without it.", sabi ulit nito habang tinatapik ang balikat ko bago tuluyang umalis.
Nakasalubong pa nito si Coach Stanley dahil papunta ang huli sa direksyon ko.
"Do you made up your mind now, young man? Our country needs your talent but we're not forcing you to join just because of that. Sali ka na ba?" Seryoso ang mukha na tanong nito sa akin ngunit bahagya itong natawa nang medyo slang ang naging pagbigkas nya ng mga huling salita.
Bagama't purong dugong Briton ay nagsisikap itong pag-aralan ang pambansang wika ng Pilipinas, ang Filipino.
Sa ngayon, mabilis nang umunawa ng naturang wika si Coach Stanley ngunit nahihirapan pa ding magsalita gamit ito.
"Buo na po ang pasya ko, Sir. Sasali na po ako sa training, sana lang po ay maabot ko ang expectations ninyo.", sagot ko sa tanong nya.
"The stunts that I watched from you already met my expectations so there is no need for you to feel pressure.", malaki ang ngiting sabi nito. Punong puno pa nga nang paghanga ang tinging ipinukol nito sa akin.
"Well then, it's settled. I'll be expecting you from now on. Thank you so much, Nighali. I assure you that you will not waste your time and effort here.", paninigurado pa nito bago ako bigyan ng pagkakataong mapag-isa.
'Oo nga naman. Kaysa sayangin ang ang oras ko sa ibang bagay na wala namang patutunguhan, gagamitin ko na lang 'to para sa tagumpay ng Pilipinas'.
Muli pa ay bumalik sa gunita ko ang hitsura ng babaeng inakala ko ay pwedeng mapasa-akin.
Her name gave me hope. Hahaha, akala ko darating ang araw na madidinig ko mula sa kanya ang salitang katunog ng pangalan nya.
"Ako'y sa'yo." Mapait pa akong natawa nang bigkasin ko ang mga katagang 'yon.
Nasisiraan na yata ako ng bait!
Kinuha ko na lang ang sarili kong skateboard na binili ko pa gamit ang sarili kong ipon at pumunta na sa training ramp.
'Kalimutan mo na sya Nighali, masaya na 'yon kahit wala ka.'
Paulit-ulit na paalala ko sa aking sarili na sinundan ng sunod-sunod na buntong-hininga.Habang nagpapahinga ako makalipas ang apat na oras nang diretsong practice, tinawag ako ng isa sa mga kasamahan ko.
Si Apollo.
"Pare, ito nga pala si Hera. Isa sya sa pinakamagaling na trainee ni Coach. Nag-champion na sya noon sa Tokyo Olympics: Single Skateboarding, Women's Division. At saka--"
"Ano ba Apollo! Talo mo pa ang announcer kung makapag-introduce ka ah!", angal ng dalagang kasama ni Apollo.
Mahina pa nitong hinampas ang huli bago bumaling ng tingin sa akin.
"Pasensya ka na dito sa kumag na 'to ha? I'm Heraldryn Adams or you can simply call me Hera. Unlike what this jerk said, gusto ko lang makipag-kaibigan sa 'yo." Litanya muli nito bago ngumiti sa akin.
Inilahad din nito ang kanang kamay tanda ng pakikipag-kaibigan.
Medyo boyish si Hera ngunit hindi maitatago ang taglay nitong ganda kahit simple lang ang ayos.
Extra large ang suot nitong itim na T-shirt kung kaya't ang haba noo'y umabot na sa kalahati ng kanyang hita. Tinernuhan nya ito ng dilaw na Jersey shorts. Sa taas kong 5'8 ay halos hanggang dibdib ko lang ang dalaga.
Bilugan ang mata nitong kulay brown at matangos ang maliit nitong ilong.
Natural din ang mapupula nitong labi at may dimple ito sa kaliwang pisngi. Hugis puso ang mukha nito at naka-headband ang maikling itim na buhok.
"Hoy! Okay ka lang ba Nighali?", masuyong tanong ni Hera habang kumakaway sa harap ko ang kaniyang kaliwang kamay.
Bakas ang pag-aalala sa tinig at reaksyon nito.
Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad kanina pa at ngumiti ako dito ng bahagya.
"Okay lang ako. Nice to meet you Hera. Pero mas magugustuhan ko kung tatawagin mo akong 'Hal'," tugon ko naman agad dito.
Bahagyang namula ang maputi at makinis na pisngi ni Hera subalit tumango-tango din ng malumay indikasyon na naiintindihan nya ang sinabi ko.
'Mukhang hindi na nga talaga masasayang ang oras ko sa pagkakataong ito ah'.
BINABASA MO ANG
You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)
RomanceThe eldest among Yu Quadruplets, Acoyssa Yu lives her life to the fullest. She's a partygoer and known university theater actress. One night after clubbing, she met Nighali as he rushed inside the elevator where she's in. Mula noon ay napukaw na...