Chapter 20
Nighali's POV
First day namin sa Athletes Village; maganda ang pasilidad at higit sa lahat ay halatang ginastusan nang ilang daang libo ng pamahalaan.
"Pare ano? Mahimbing ba ang naging tulog mo?", tanong ni Apollo.
Sa kabutihang palad ay isa ito sa tatlo ko pang kasama sa kwarto. Bale, apat kaming magkakasama at naghahati-hati sa iisang silid.
Wala naman kaming nagiging problema mula kagabi nang dumating kami dito sa New Clark City.
"Hoy Draek! Balita ko nandito'yong ex mong swimmer ah. Grabe bro, ba't kasi pinakawalan mo pa 'yon eh", iiling-iling na sabi ng isa sa mag-pinsang atleta na kasama namin.
Kung tama ang pagkaka-alala ko ay sya si Ken.
"Ligawan mo kung gusto mo, mas nagsisisi ka pa kaysa sa akin eh. Go on bro, hindi ako tututol", pangbubuyo ni Draek sa pinsan.
"Nighali? pare ano? Wala ka bang balak na kumain sa cafeteria sa baba?", sabay tapik ni Apollo sa balikat ko.
Nauna nang lumabas iyong dalawa dahil nag-walk out na iyong lalaking nagngangalang 'Draek'.
"Masyado kang magmasid d'on sa magpinsan ah, nababading ka? Ay fafa!", tili pa nito na animo'y bakla.
Natawa na lang ako sa ikinilos nito.
"Ungas! Pero bagay sa'yo. Isa pa nga", pang-aasar ko dito.
"Eh ayaw ko, nahihiya ako.", maarteng wika nito saka nag-kagat labi.
"Tara na fafa, I'm hungry na kasi", dagdag pa nito sa dialogue bago umangkla sa braso ko."Bwisit ka pre! Lubayan mo na nga 'yan. Mapagkamalan pa tayo ditong bi.", awat ko kay Apollo.
Humagalpak ito ng tawa saka ako sinuntok nang pabiro sa braso.
Pagdating sa cafeteria ay madami ng tao, karamihan ay ka-edaran lang namin.
Iyong iba ay bakas na may foreign blood; mga mixed nationalities, sa kabilang banda ay mayroon ding mga hitsurang banyaga talaga bagama't wikang Filipino ang gamit sa pagsasalita.
Foreigners na local language ang gamit. Matinde!
"Nighali! Good morning! How's your sleep?", masiglang bati ni Axle sa akin nang makasulobong namin ito.
Sya din iyong tumawag sa akin noong kadarating lang ng team namin dito.
"Ayos naman, ikaw?", maikling sagot ko dito.
Kaklase ko si Axle Francien Reymundo mula Junior High School hanggang Senior High pero pagkatapos ng graduation ay lumipat na ito ng tirahan.
"Mine was good too. I don't have any company so can I join both of you?", masuyong wika nito.
Siniko ko si Apollo para kumonsulta kung ayos lang na agad naman nitong naintindihan;
"Miss, ako nga pala si Apollo. Okay lang. You can join us", pagpapaunlak nito sa dalaga na nagpangiti sa huli.
"Thanks Apollo, I'm Axle. Tara kain na tayo?", anyaya nito sa amin.
"Ah, muntik ko ng makalimutan pre, pupuntahan ko pa nga pala si Hera. Kayo na lang muna. Excuse me Axle ha? Enjoy", makahulugang wika ni Apollo bago ito agad na umalis.
Sumenyas pa ito ng 'thumbs up' sa akin.
Siraulo talaga. Tsk."Nighali? Breakfast na tayo? We're getting late for the next schedule kung tutunganga lang tayo dito.", biglang sabi naman ni Axle na nasa tabi ko na pala.
Naglalakad na kami para kumuha ng pagkain ng;
"Axle, long time no see.", biglang sumulpot sa harapan namin ang isang lalaki.
Teka?
"Oh, Ken. It's nice to see you here.", sagot ni Axle bago ito kumapit sa braso ko.
Nangungusap ang matang tumingin ito sa akin.
"Ah pare, kung hindi naman nakaka-bastos pero kakain pa kasi kami.", mahinahong sabi ko kay Ken.
Tumango ito sa akin saka tumalikod.
Sumunod ang tingin ko rito, bumalik ito sa mesa kung nasaan ang pinsan nito.Sa hindi malamang dahilan ay masama ang tingin na ipinukol ni Draek sa akin;
"Axle? Swimmer ka ba?", puno ng kuryosidad na tanong ko dito.
"Yup. Bakit? Ikaw ha, stalker ka?", pagkumpirma nito bago ako nanunuksong nginitian.
Mukhang magkaka-problema ako dito ah.
Naging instant close friend ako ng ex ng isa sa kasamahan ko sa kwarto, gulo 'to panigurado.
BINABASA MO ANG
You Don't Own Me (YQS1: Accoysa Yu)
RomanceThe eldest among Yu Quadruplets, Acoyssa Yu lives her life to the fullest. She's a partygoer and known university theater actress. One night after clubbing, she met Nighali as he rushed inside the elevator where she's in. Mula noon ay napukaw na...