Athena's POV
Ng biglang...
*SCREEEEECCCHHHHHHHH!!*
Napahinto si dad sa pagdradrive dahil may muntik na kaming masagasaan. Hindi ito tao kundi isang lobo. Oo lobo isang wolf. Pero hindi sya wolf na kayang komtrolin ang pagiging lobo isa syang wild wolf, mabangis na lobo.
"Malakas ang kutob ko na kalhati din syang tao"sabi ni mom na nakatulala
"Oo isa syang kalhating lobo at tao dahil sa amoy niya" tugon naman ni dad kay mom
At bale sa pagtingin ko sa mga mata ng lobong iyon nakita ko ang kulay sariwang berde nyang mga mata na nangangahulugang siya ay kasing edad ko laang. Agad kong sinabi ito kina mom at dad.
"Mom, dad ka age ko lang ung lobong un ah bat sya napadpad dito." Sabi ko sa kanila
"At saka akala ko tayo lang ang kalhating lobo sa lugar nato, bakit parang may dumating na bago at higit sa lahat bakit ito pa ay mabangis?" Dagdag ko kina mom at dad
"Oo mukang bata pa ang lobo at bakit din sya nandito? Siguro ata'y may pakay siya oh naligaw lang." Sabi naman ni dad habang ang muka nya'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
"Hindi sya nag iisa dito may mga kasama pa sya" sabi naman ni mom
"Luh panu na yan baka manggulo sila dito"sabi ko kay mom
"Di bale na huwag na natin munang pagusapan ito" sabi ni dad saamin tumango naman kami at nagsalita si mom.
"Ronny iandar mo na ang kotse, mahuhuli na si athena sa klase." Sabi ni mom kay dad na parang kinakabahan.
-----SCHOOL-----
Hindi talaga ako makapaniwala sa nang yari kanina. Hindi ko akalaing may susulpot na mabangis na lobo. 9 years nang nakalilipas ng una akong makakita ng mabangis na lobo. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na nawala ang aking kapatid dahil sa lobong iyon.. galit na galit ako sa mababangis na lobo dahil tumatak sa isipan ko na masasama sila. Kinuha nila ang kuya ko nawala saamin si kuya dhil sa mabangis na lobong nakita ko noon.
-----FLASHBACK-----
Athena's POV
"Nak tulog na kayo ha" sabi ni mom at dad
"Okay po goodnight mom, dad we love you" sabi namin ni kuya Brandon
Hinalikan kami ni mom and dad sa may ulo namin at natulog nang biglang nagising kami sa malakas na ingay.
*BLAAAGGGGGGG!!*
"Kuya natatakot ako" sabi ko kay kuya brandon habang umiiyak
"Don't cry athena kuya is here shhhh" sabi ni kuya saamin
Nang natigil ang ingay umalis kami sa kwarto at bumaba para tingnan kung anong nangyayari. At nang pagkababa namin nakita namin sina mom at dad na walang malay.
"Mom, dadddd!!!! Gisingg!!" Sabi namin ni kuya habang naiyak.
Pero ilang segundo ang nakalilipas bigla akong kinuha ng isang tao. Pero nang tingnan ko sya sa mata hindi sa basta bastang tao isa syang lobo na mabangis..
Nagalit si kuya Brandon kaya di na nya mapigilan na maganyong lobo.. nilabanan ni kuya ang lalaking mabangis na lobo hanggang sa binitawan ako nito at pumunta sa may ilalim ng lamesa.. nakita ko si kuya na nanghihina at nang manghina si kuya kinuha sya ng lalaking lobong mabangis palayo sa aming tahanan umiyak ako ng umiyak..
Nagising ang aking mga magulang at nagimpake ng gamit para umalis sa aming tirahan nalaman nila ang nangyari kay kuya brandon. Nanlumo sila at sinubukang hanapin pero hindi na talaga sya mahanap..
-----END OF FLASHBACK-----
Kaya hanggang ngayon galit na galit ako sa mga mababangis na lobo..
Inabot na ako ng 15 years old pero hanggang ngayon hindi namin mahanap si kuya.. kaya palipat lipat na kami ng bahay...
7:06 am na paktay late na nga ako. Nagpaalam na ako kina mom at dad at hinanap ang room 08 sa 2nd floor..
-------------------------------
Author's Note:Hi guysssss so ayun na nga galit pala si athena sa mga mababangis na lobo at take note may kapatid pala sya kaso nawala haysss...
Tas nalate pa sya kuhhhh ano kayang sasabihin ng mga kaklase nya at teacher nya nang malamang late sya.. may bago kaya syang kaklase sinoo kyaa??
Thank you guys sa mag babasa ng chapter 1.. don't forget uli sa pag vovote ng story ko and support niyo po toh ha thank youu po ulii😊😊😊 GOD BLESS ALL OF YOUU LABLOTSSS💖💖💖
BINABASA MO ANG
A Great Wolfpack
Teen FictionAthena Hanna Imperial, na kung saan siya ay isang kalhating lobo. Matagal nang tinatago ng kanyang pamilya ang sikretong ito. Sapagkat sa oras na may makaalam ng kanilang sikreto maaring manganib ang kanilang mga buhay. May mga nakilala siyang mga k...