Chapter 14

10 1 0
                                    

Cahil's POV

Nasa office na ako ni mrs. Ronquillo, nandito na rin sina David, Benedict at Miko. Pati isang babaeng maedad na rin, siguro isa kina David ang anak niya. Pero bakit kaya wala ang magulang ng dalwa?

"Kayo po ang mother ni?" Tanong ni mrs. Ronquillo dun sa babae.

"Mother po ako ni Miko Clemente" -mom ni miko

"Ahh sige po. Mr. Benedict Reyes, Mr. David Ramirez, and Mr. Cahil Villanueva nasan pala ang mga magulang nyo?" -mrs. Ronquillo

"Busy po sa trabaho"-David

"Akin rin po"-Benedict

"May inaasikaso po kasi yung mga magulang ko"-sabi ko kay mrs. Ronquillo

Pero sa totoo niyan, hindi ko talaga sinasabi sa magulang ko, kasi baka magalit lang sila tas mawalan pa ng kontrol, edi un mabubuking na lobo kami hayss

"Kung hindi makakarating mga magulang nyo, edi sa kuhanan na lang ng card sa first grading ko kakausapin mga magulang nyo.. kaso nandito na si mrs. Clemente, kaya mrs. Clemente pwede ko ba kayong makausap diyan sa labas?" -mrs. Ronquillo

"Sige po maam"-mrs. Clemente

"Boys, stay here" sabi ni mrs. Ronquillo saamin

At pumunta na nga sila sa labas...

Tahimik na laang ako na parang kinakabahan habang kaharap ko sina miko, sila naman ay parang may pagbabanta pang tingin..

Athena's POV

Haysss ano na kayang nangyari kay Cahil, pano kaya kapag may pangyayari doon na hindi niya magustuhan.. hala baka di siya mag alinlangang maganyong lobo, paktay..

Nu ba yan wag mo na nga athena isipin yan, wag mo na siyang alalahanin.

Pero.. kaibigan ko siya..

Cahil's POV

Maya maya pa ay umupo na si mrs. Ronquillo at si mrs. Clemente naman na mama ni Miko ay umalis na.

"Mrs. Ronquillo bat na po umalis ang mama ko?"-Miko

"May pupuntahan pa daw siya, pero nakausap ko nanaman siya tungkol doon sa nangyari kahapon"-mrs. Ronquillo

Tumango na lang si miko at bahagyang yumuko at nanahimik..

"So may isang estudyanteng nag sabi saakin tungkol sa pagbugbog nyo kay Cahil, now tell me bakit niyo naisipang bugbugin siya?" Tanong ni mrs. Ronquillo kina Miko

Hindi sila mga nagsiimikan..

"Tinatanong ko kayo bakit nyo naisipang bugbugin si Cahil? First day na first day may inaaway agad kayo. Since grade 7 lagi na lang kayo ganyan ah" -mrs. Ronquillo

Pero hindi parin talaga sila mapaimik...

"Ikaw Cahil ano pang ginawa nila sayo?" Tanong saakin ni mrs. Ronquillo

"Un lang naman po.. tapos si Timothy, nasaktan rin, pati si Athena" -ako

"Anong pati sina athena!?" -Benedict, David, Miko

"Tumahimik kayo! Kanina kayo ang tinatanong at kinakausap ko, tapos kung kailan si Cahil na ang kausap ko saka naman kayo nasabat!" Mataray na sabi ni mrs. Ronquillo

Nakita ko ang mga mukha nila, tumitingin sila ng masama saakin. At dahil doon hindi ko mapigilang manggigil, dahil sino ba namang hindi maaasar sa mga ginawa nila. Nang bugbog na nga sila, tas tinatanggi pa na hindi nila sinaktan ang mga kaibigan ko!!

"Benedict iexcuse mo sina Athena at Timothy papuntahin mo sila dito" -mrs. Ronquillo

"Papupuntahin ko po sila dito tas maiiwan na po ako don?" -Benedict

"Hindi, sasama ka pa rin sa kanila papunta dito"- mrs. Ronquillo

Umalis na si Benedict at sinundo na sina Athena at Timothy.

Athena's POV

Hindi ako mapakali dahil nga hindi ko alam kung ano nang nangyayari kay Cahil sa office..

"Mrs. Lacosta paexcuse po kina Timothy at Athena, pinapatawag lang po ni mrs. Ronquillo" -Benedict

"Sige. Athena, Timothy sama na kayo kay Benedict" -mrs Lacosta

At iyon na nga sumama na kami kay Benedict..

"Alam ko na siguro kung bakit tayo pinatawag, dahil involve tayo dun sa nangyari kahapon" bulong saakin ni Timothy habang naglalakad

"Oo nga eh, pero buti na lang talaga makakapunta tayo don"-ako

"Luh bat naman?" -Timothy

"Para alam natin kung ano nang kalagayan dun ni Cahil, malay mo may away uli na mangyari dun sa office. Alam mo na baka si Cahil maging, you know wolf" bulong ko kay Timothy

"Oo nga noh.."-Timothy

At ayun na nga nakarating na kami sa office ni mrs. Ronquillo.

At nakita ko doon si Cahil na mukhang gustong gusto niyang saktan sina Miko at David na kaharap niya.

----------------
Author's Note:

Chapter 14 done! Salamat sa mga nagbasa..

Lablotssss💖💖💖

A Great Wolfpack Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon