Chapter 20

5 0 0
                                    

Athena's POV

Good morning self!

Agad na akong naligo at sinuot ang aking uniform, bumababa na ako at nadatnan muli sina mom and dad na nasa kusina. Agad na akong kumain habang kausap sina mom, sinabi nila na kailangan kong umuwi ng maaga pati na rin si dad dahil full moon mamaya. Dapat mga 4pm ay nandito na ako, pupunta pa kasi kami sa gubat na dinadaanan namin papuntang school. Kasi malapit dun ang pinaka den namin. Doon kami nagpapalipas ng pagaanyong lobo sa araw ng full moon.

Maya maya pa ay natapos na kaming kumain at nagpaalam na ako kay mom.

----SCHOOL----

"Bye dad! Luv you po" Nakangiti kong sabi

"Love you nak, aral mabuti ha. Tsaka uwi ng maaga okay. Maaga akong magsasara ng Cafè"-dad

"Sige po dad" nakangiti kong sabi at agad na akong nagtungo sa may room ko

Timothy's POV

Yan nandiyan na pala si Athena! Bat ang ganda nya!? Simple lang..Kaya ako nafafall lalo eh.

But wait.. si Bella..

Oo maganda si Bella, mabait siya, mabuti siyang kaibigan. Kung tutuusin naging crush ko siya noon, pero noon lang yun. Noong mga bata pa kami.. Hayssss ewan ko ba, sa totoo niyan gusto ko na noong magtapat. Pero hindi na natuloy dahil nagaalinlangan pa ako sa nararamdaman ko eh syempre bata pa. Tapos nung nagtapat na siya na may gusto siya saakin natigilan ako sa time na yun, kaya yun nasabi ko na hanggang friends lang kami. Tas dumating si Athena, kahapon ako nakaramdam ng selos. Ewan ko kung bakit..

Tapos nung kinausap ako ni Cal 'cahil' tungkol kay Bella, hindi ko mapigilang maisip si Bella tuwing naiisip ko si Athena.

Sa totoo niyan nagaalala ako kay Bell.. mahal ko siya, siguro hanggang kaibigan lang? Ewan? Basta.

Hayss si bella kanina pa akong di pinapansin.. kakausapin ko pala toh mamaya..

Athena's POV

Nakapasok na ako sa room at nakita ang ilan sa mga kaklase ko. Napansin ko si Timoths na masyado atang malalim ang iniisip.

"Cal!" Tawag ko kay Cahil

Agad naman siyang lumapit at sinabing

"Bakit?"-cal

"Tara sa garden"-pagyaya ko sa kanya

Wala kasi akong magawa eh kaaga aga pa naman tsaka gusto ko ring makipag huntahan kay Cal. Pati kina Bel sana kaso parang ayaw pang mag pa istorbo, si Timoths naman kanina pang nakatulala. Lutang lang ang peg, lalim siguro ng iniisip.

"Hmm sige ba, isama natin sina Timoths at Bell?"-cal

"Yang pede tayo na lang muna? Kasi parang wala sa mood si Bell ayaw ko na munang guluhin naka ubob pati tas si Timoths kanina parang may malalim na iniisip eh"-ako

"Ahh ganun ba sige"-cal

Dumaan kami sa tapat nina Timoths at Bell..

"Athena san kayo pupunta?" Sabi ni Timoths na agad ko namang ikinatigil sa paglalakad.

"Sa garden sana.."-ako

"Sama a--" natigilang sabi ni Timoths, bigla kasi siyang napatingin kay bell na nakaubob

"Sige" tuloy ni Timoths

"Yernzz ayaw niyang iwanan si bell" panunukso ko sa kaya

"Shh natutulog eh.. wala naman din kasi siyang kasama"

" Ahh okayyy" nakangiting parang nanunukso kong tugon sa kanya

Ayaw pa ako diretsuhin, ayaw niya lang na iwan si bell magisa.

"Bye" sabi ko sakanya at ngumiti

Sinuklian niya din naman ako ng pilit na ngiti

Ayy anyare?

----GARDEN----

"Baka ma late tayo ha"-Cal

"Hindi 6:10am pa naman"

"Ano pala paguusapan natin?"tanong ni Cal habang umupo sa isang bench sa garden.

"Marami.. wala rin kasi akong magawa kanina kaya yun naisipan kong kausapin ka."

"Eto kasi yun, pwede mo ba akong tulungan?"

"Saan?"-Cal

"Gusto ko sanang hikayatin yung iba nating mga kaklase na subukang pumunta sa cafè diyan sa labas ng school, yung Imperial's Cafè"

"Ahh yun ba, oo naman"-Cal

"Yey thanks"

"Teka naghahanap din ba kayo ng mga empliyado? Para na rin may dagdag baon ako sa sarili ko tsaka para may mabigay ako kina nanay at tatay"-Cal

"Oo naman sakto nga eh, dahil kailangang kailangan ni dad ng employees. Kaso diba alam mo na kapag nalaman ni dad na isa kang wildwolf"sabi ko sakanya tumango siya nang marahan at ang muka niya'y malungkot

"But wait, alam ko na"

Kinuha ko sa bulsa ko yung potion na binigay saakin nina mom noon. Yung potion na para hindi ka maamoy ng isang kalhating lobo na lobo ka. Buti nalang at marami kaming ganito, mga ilang balde chourr. Mga ilang bote pa, tsaka sina mom narin mismo ang nagawa ng potion na ito. May binubulong sila sa tubig tas may nilalagay na kung ano ano, turo daw sa kanila yun ni lolo.

"Yan ba yung iniinom mo?" -Cal

"Yup, bibigay ko na lang Yan sayo"

"Eh pano ka?"-Cal

"Ghe ayus lang marami pa naman kaming ganiyan. Pero saglit wala ba kayong ganito?"

"Meron dati, pero ngayon tinigil na. Hindi na rin kasi alam nina nanay ang paggawa niyan"-Cal

Cahil Mike Villanueva 'Cal'


•♡Vote, Comment, and Share♡•

A Great Wolfpack Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon