Athena's POV
"Ano ba!? Are you blind!?" sigaw saken nung kaikli-ikli ng palda.
Ay wait kaklase ko toh ah.. si Lara..
Natapon ko kasi yung dala niyang juice. Eh siya naman ang may dahil alam na kasalubong kami sa hagdan, tawanan pa sila ng tawanan ayan na tapon tuloy. Umiwas na nga ako pero parang sinasadya nya talagang bungguin ako tsk! Wala sa ayos!
"Ay hindi kita mo namang mulat na mulat ang mata ko diba" pamimilosopo ko sa kanya, rinig ko naman ang tawa nina Bel
" You are so stupid you know" sabi ni Thyra saakin ng harapan. Mukang clown naman dahil sa make up. Pucha ang kapal ng lipstick!
"Tsk, baka kayo ang stupid alam niyo ng maraming nagsisidaanan dito sa hagdan nagawa niyo pang magtawan at magharutan! Yan nakarma tuloy kayo" sabi ni Bella
" Wag ka ngang makisabat!" Sigaw naman ni Amie kay Best. Aba at pinagtataasan niya yung kaibigan ko!
Jusko ang suot ni Amie. Hindi ba nakabili ang magulang niya ng makapal kapal na blouse? Grabe ah, konting tapon lang ng tubig sa kanya bakat na bakat na ang bra! Baka nga hindi pa natatapunan sobrang bakat na kita pa ang puson! Hindi pa niya sinusuot yung pa jacket style na uniform grabe talaga
"Hoy wag mong pagtataasan ng boses ang kaibigan ko! Bakit si Thyra nakisabat din naman siya kanina ah baka nga pati ikaw!" Panenermon ko sa kanya.
" Ahh ganon" mayabang na sagot ni Amie sabay..
" Ahhhhhh bitawan mo ko impakta ka!" Sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan ako, syempre di ako papatalo sinabunutan ko din siya!
Buti nalang nasa 1st floor na kami dinatnan kung sa hagdan mismo paniguradong may nahulog na saaming lima.
Ramdam ko na ang pag awat nina Cal at Timoths pero hindi ko na sila pinansin kahit na nilalayo na ako ni Cal hindi ko parin inaalis ang paghawak sa buhok ng impakta! Wait si bella?
"Best pasali ako ha ng mabawian ko tong amie na to!" Pagpapaalam ni Bella sakin, at bigla na rin siyang naki sali saamin. Sinabunutan niya si Amie at ang dalwang impakta na kaibigan netong Amie Impakta nakisali rin.
Edi ayon nahirapan na sina Cal na awatin kaming lima!
"Ma'am eto po sila oh!" Sigaw ng isa sa mga student dito sa BCTA habang nakaturo saamin.
Agad naman kaming natigilan ng mapansin namin yung student na nagsumbong sa isa sa mga teacher..
"Grade 10 students right?" Tanong saamin ng teacher na hindi ko kilala
Tumango naman kami. Buti naman at itong tatlong impakta ay natahimik.
"Papalampasin ko itong nangyari ngayon, pero sana naman huwag ng maulit. Hindi iyan ang ugali ng isang matinong estyudante" mahinahong sabi saamin nung teacher..
Buti na lang mabaet. Pero bat ganun nga? Ni hindi man lang kami pinadala sa office.
"Sorry po.." nakatungong sabi ng mga... Impakta?
Luhh nasaniban ata ng mabuting espirito!
"Sorry din po" nakatungong sabi ni bella
Bigla namang tumingin saakin yung teacher na di ko kilala.. kelangan ko ata magsorry? Pero..
"Ah-eh sila naman po kasi ang may dahil sila ang may pakana kaya kami nagkagulo eh" sabi ko sabay turo sa mga impakta.
Hindi na ako nakatiis sa titig nung teacher na di ko kilala kaya napilitan akong..
"S-sorry po" sabi ko sa teacher na di ko kilala
"Okay kung san man kayo pupunta pumunta na kayo. Except kina Lara, Amie at Thyra" sabi nung teacher saamin kaya yun umalis na kami at kita ko naman ang matalim na tingin nina Amie.
Tusukin ko mata ng mga to eh!
Buti nga sa kanila sila ang naiwan don HAHAHAHA
"Pst best kaya pala naiwan don sina amie dahil nanay ni lara yung teacher na mabaet" sabi ni Bella na ikinakunot ng noo ko
" Hanu? Nanay ni lara yung teacher? Parang di naman ata, kabaet kasi tas yung anak niya malaimpakta ang ugali" sabi ko sa kanya
"Uyy wag mo sabihin yan baka may makakinig" singit ni Timoths samin.
" Ay hehe sorreh" -ako
" Pero pano mo naman nalaman? "Tanong ko kay bell
" Narinig ko kanina sa mga ibang student habang naglalakad tayo hihihi" -bella
Nya'y may pagka tsismosa din pala tong kaibigan ko HAHAHA
"Oyy di ako tsismosa best!" Nakapout niyang sabi
Luh! Bat niya nasabi yon!? Ay jusko po ay alam ko na marunong din pala siya katulad ni Cal siguro pati si timoths alam haysss sana oil!
"Oo marunong best ako pati nga si timoths. Wait ikaw hindi??" Sabi ni Bell na ikina tigil sa paglalakad namin pati na rin sina Timoths at Cal..
" Ah-eh oo" sabi ko sa kanila
"Bakit hindi mo alam??" Takang tanong ni Timothy
"Ewan.. yang tara na dun sa pila oh baka maubusan tayo... " Sabi ko at agad na naglakad papunta sa pila sa canteen
Ramdam ko ang hindi pagsunod nila mula sa likudan ko..
Magulang na mismo ang nagsasabi..
Magulang na mismo nagsasabi..
Magulang na mismo ang nagsasabi..
Yan nanaman naaalala ko nanaman, eh kasi naman bakit ganun? sila alam nila kung pano dahil sa mga magulang nila. Eh ako.. hindi ko alam kahit may mga magulang ako, bat ganun? Baka naman hindi ako tunay na.. ala ala wag mong isipin yan athenaaa!
Itatanung ko na lang siguro kina mom at dad.. ay hindi wag na.. bahala na.. pero bat talaga ganun?
"Best tinatanung ka na nung tindera kung ano bibilhin mo" biglang salita ng nasa likod ko
Ayy si best pala.. kanina pa siguro to nasa likod ko
"Ahmm yang ano po isa pong piatos yung red tas po tubig"sabi ko sa tindera
Pagkatapos namin bumili dideretso sana kami sa room pero sa kalagitnaan ng paglalakad namin naka pansin kami ng abandonadong classroom sa likod ng building.. At pinili naman namin iyong tambayan.
Bella Smith 'bell'
•♡Vote, Comment and Share♡•
BINABASA MO ANG
A Great Wolfpack
Teen FictionAthena Hanna Imperial, na kung saan siya ay isang kalhating lobo. Matagal nang tinatago ng kanyang pamilya ang sikretong ito. Sapagkat sa oras na may makaalam ng kanilang sikreto maaring manganib ang kanilang mga buhay. May mga nakilala siyang mga k...