Athena's POV
"Oh nandiyan na pala sina Athena." Sabi ni mrs. Ronquillo na ikinabaling naman ni Cahil saamin.
Umupo na kami ni Timothy sa tabihan ni Cahil.
"Athena and Timothy nabanggit kayo ni Cahil na nasaktan kayo sa nangyaring pangbubogbog sa kanya, tutal hindi naman nagsasalita sina David, Benedict at Miko. Pwede bang kayo na lang ang magsalaysay kung ano ba talaga ang pinagmulan ng away?" -mrs. Ronquillo
Tumingin ako ng bahagya kina Miko, at nakita kong ang mga mukha nila ay galit na galit saamin..
"Timothy, pede bang ikaw muna magsimula magsalita?" bulong ko kay Timothy, na agad naman siyang tumango.
"Ito po kasi yun maam, nung nag papakilala po si cahil bigla pong sumabat si Miko, dapat po sasabihin ni Cahil kung saan siya nakatira. Eh sabi naman po ni Miko ay sa gubat daw, kaya po iyon nagalit po si Cahil dapat po masasaktan na ni Cahil si Miko perl napigilan ko naman po." -Timothy
Tumingin saakin si Timothy na ibig sabihin ay ako na ang sunod na magsalita..
"Tapos po nung labasan na inabangan nila si Cahil, at binugbog. Napasali po kami dahil inalalayo na namin si Cahil, pero hindi namin magawa agad yun dahil kahit anong salita at gawa namin. Hindi nila tinitigil ang pagbugbog kay cahil." Tumingin ako kina miko at diniinan ang pagkakasabi na 'pagbugbog kay cahil'
"Ayun naman pala wala naman dapat na rason para gawin niyo iyon kay Cahil ah.. Because of that 3 days of suspension kayong tatlo. Pupunta kayo sa library at magiimis, maging sa buong campus in 3 days. Tutulungan niyo ang mga Janitor na magimis, pero bago iyon kailangan niyong humingi ng tawad kina Athena lalo na kay Cahil!" -mrs. Ronquillo
"Nu ba yan nasuspend na nga magsosorry pa sa mga yan eh si Cahil din naman ang may kagagawan kung hindi niya aktong susuntukin si Miko di sana siya mabubogbog" -David
Nakita ko ang mga kamay ni Cahil na nag kakaroon na ng ugat. At halatang sobrang galit siya sa tatlo.
"Cahil easy lang inhale, exhale.. Huwag dito please.." bulong ko kay Cahil habang hawak ang braso niya
"Sorry, hindi ko mapigilan.." sabi ni Cahil saakin
"Mrs. Ronquillo saglit lang po" at agad na siyang umalis
"Mrs. Ronquillo saglit din po susundan ko lang po si Cahil.. Timothy ikaw muna bahala dito lam mo na si Cahil.." sabi ko sa kanila at biglang sinundan si Cahil sa may school garden.. hayss buti walang katao tao dito
"Cahil!" Sigaw ko sa kanya, na kanya namang ikinatigil sa pagtakbo
Agad na akong lumapit sa kanya.
"Akina kamay mo dali.."
Nilabas niya ang kamay niya mula sa mga bulsa niya..
Hinawakan ko iyon at Tiningnan ang kanyang mga mata.. Sh*t ang mga mata niya nag beberde na, ang mga pangil niya. nako anong gagawin ko!?
"Okay Cahil inhale, exhale.. huwag ngayon.."sabi ko sakanya habang ang mga kamay ko'y madiin ang pagkakahawak sa kanya
Tiningnan ko siya sa mga mata, ipinakita ko ang mga mata ko na nagberde rin, at dahil doon ang mga pangil niya'y nawala ang mga ugat nawala, pati ang mata niyang berde ay nawala din..
"Salamat" -Cahil
"Wala yun basta please kapag galit ka itry mong kontrolin ha. mapapahamak ka kasi.. pati narin mga magulang mo" -ako
Tumango siya at naglakad na muli kami papuntang office..
Habang naglalakad
"A-Athena, ka-katulad kita?" Nauutal niyang tanong saakin
"Oo, hindi mo naman sasabihin saiba diba? Pwera na lang kina Timothy at Bella"-ako
"Oo naman" nakangiti niyang sagot saakin
"Nandiyan na pala kayo ano bang nangyari at bigla kang umalis Cahil?" -mrs. Ronquillo
"Wala p--"-cahil
"May pinaluto po siya sa canteen tas 9:55 daw po kunin, eh hindi pa daw luto kaya bumalik na muna po kami" -ako
"Sari sari ka na Athena HAHAHA" bulong saakin ni Timothy
"HAHAAHA yaan mo na basta may palusot" -ako
"Kung ganon, humingi kayo ng tawad sa kanila"-mrs. Ronquillo
"Sorry sa mga nagawa namin" sabi nilang tatlo ng walang emosyon
Tumango na lang kaming tatlo sa kanila.
"David, Benedict at Miko go to your classroom. Bukas ang start ng suspension niyo" -mrs. Ronquillo
Umalis na silang tatlo at naiwan kami sa office
"Mr. Villanueva, Mr. Dela Cuesta and ms. Imperial pasensiya na sa nangyari kahapon."-mrs. Ronquillo
"Ayus lang po yun mrs. Ronquillo pasensiya na rin po dahil may kaguluhan pa pong nangyari dito sa BCTA"-Cahil
At pinapunta na kami ni mrs. Ronquillo sa aming Room.
----------------
Author's Note:Thank you for reading...
Lablotss💖💖💖
BINABASA MO ANG
A Great Wolfpack
Teen FictionAthena Hanna Imperial, na kung saan siya ay isang kalhating lobo. Matagal nang tinatago ng kanyang pamilya ang sikretong ito. Sapagkat sa oras na may makaalam ng kanilang sikreto maaring manganib ang kanilang mga buhay. May mga nakilala siyang mga k...