Chapter 3

28 2 0
                                    

Cahil's POV

Pinatayo na ako ni mrs. Lacosta sa unahan para magpakilala.

"Ako si Cahil Mike Villanueva, nakatira sa---"

Natigil ang pagpapakilala ko ng biglang magsalita si Miko

"Nakatira sa Gubat" sigaw ni miko

At nagtawanan silang lahat maliban kina Athena, Timothy at Bella..

Agad akong pumunta sa upuan ni Miko at aktong hahampasin at kagatin ng bigla akong pigilan ni Timothy..

Pinakalma nya ako at tiningnan sa mga mata nag kulay berde ito at nabigla ako sa kanyang naipakita..

Isa syang lobo katulad ko, napaisip ako na alam kaya ito ng mga kaklase namin? Siguro may magiging kakampi na ako sa wakas..

Lumapit si mrs. Lacosta at pinagsabihan si Miko..

"Miko mali ang ginawa mong pagsabat sa pagsasalita ni Cahil.. kung pede sana ay dahan dahanin mo ang mga lumalabas sa bunganga mo." Pagsesermon ni mrs. Lacosta kay Miko

"At ikaw naman Cahil pede pa naman nating idaan ito sa maayos na usapan at hindi sa basta basta ka na lang aatake kay Miko." Pagsasabi sakin ni mrs. Lacosta

"Sorry po maam." Paghingi ko ng paumanhin kay mrs. Lacosta

Agad na akong umupo at di na natuloy ang pag papakilala sa mga kaklase ko.. matapos ang pang yayaring iyon, pinagtsismisan na kami ng buong klase.

"Okay class, sana naman huwag na maulit ang kaninang nangyari, Remember na 'pamilya tayong lahat at dapat hindi kayo nag sasakitan at nagaaway' okay?"sabi ni mrs. Lacosta saamin habang lahat ay natahimik

"Ok mrs. Lacosta" sabi ng buong klase bilang tugon sa sinabi ni mrs. Lacosta

Pinagkopya na lang kami ni mrs. Lacosta sa board ng mga schedules ng subjects.

Habang ako'y nagkokopya pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina.. Ang pangyayari na inawat ako ni Timothy..

Nakita ko ang kanyang mga mata na nag kulay berde na nangangahulugang siya'y isang lobo.. Buti na lang at hindi ako nagiisa dito.. At least may kakampi ako pagdating dito sa school.. Pero parang hindi lang siya ang kalahating lobo dito parang marami pa.. Hindi ko lang maamoy ng ayus kung sino sino pa sila.

Hmmm iniisip ko kaibiganin kaya ako ni Timothy sa oras na malaman niyang 'wildwolf ako'??

Athena's POV

So ayun na nga nagalit si Cahil sa sinabi ni Miko tskk are kasing si Miko naeksena pa.. Pasalamat na lang sya at hindi natuloy ang pag atake nitong si Cahil..

Ayy oo 'INATAKE' bat ganun naman gumanti si Cahil parang sa ikinilos niya kanina mangangagat na sya eh.. Para syang?? Para syang lobo kung amakto.. at base sa pang amoy ko sa kanya mukang hindi siya taga rito.

Tas dun sa kanina bigla siyang aatake kay miko. Kung lobo sya na katulad namin ni mom and dad hindi siya basta basta aatake ng ganun ganun na lang, parang hindi siya marunong sa pagkontrol sa sarili nya.. Haysss

*KKKRRRRIIINNNNNGGGGGG!!*

Nag ring na ang bell na ibig sabihin ay reses na yeyyy mayy peyyyboritttt HAHAHA

Napatingin ako kay Cahil at nang narinig niya ang ring ng bell para siyang nanibago tas natingin tingin siya sa taas at hinahanao ang tunog ng bell ng biglang lumingon si Bella kay Cahil.. agad kong hinawi ang buhok ko sa may likod ng tenga para mabilis marinig ang sinasabi ni Bella..

"Cahil anong hinahanap mo? Parang weird mo ata ah nakarinig ka lang ng bell hahaha" sabi ni Bella kay Cahil

Sa halip na sagutin ni Cahil ang tanung ni Bella inirapan na lang ni Cahil si Bella.. 

"Okay class pede na kayong mag reses balik kayo ng 9:00" sabi ni mrs. Lacosta saamin

------------------------
Author's Note:

Henlooo guyss sana magustuhan nyo ung chapter 3... Salamat sa inyong pagbabasa💖

Btw ito pala ang seating arrangement nila
👇👇👇

Mrs. Lacosta

Benedict & Athena.        *&*.             Bella & Timothy
       Amie & Thyra    Lara & David.   Miko & Cahil
                *&*.                       *&*.                       *&*
  
Ung mga naka (*) mga estudyante rin hindi ko na lang nilagay mga names hihihi

Thabk you againnn💖💖💖

A Great Wolfpack Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon