Cahil's POV
Nagising ako mula sa pagkakatulog, nakita kong tulog sina Timothy at Bella.
Napansin kong para kaming kulang, wala si Athena, lumingon lingon ako sa paligid. Pero wala akong nakita niisang anino niya.
Lumabas ako ng bahay at nakita siyang nasa labas sa may ilog na nakaupo patalikod saakin, nilapitan ko siya, pero bago iyon may napansin akong lalaking nasa tabihan niya na nakaharap saakin. Nanlilisik ang kanyang mga mata parang kilala ko ang taong iyon. Oo kilala ko siya ay si Goryo.
Pero anong ginagawa niya dito? Dahil sa nakikita ko ngayon, hindi ako makakilos parang may kutob akong may gagawing masama siya kay athena. At iyon na nga nilabas niya ang kanyang mahahaba at matitilos na kuko sabay dakma kay athena, agad ko sana siyang susugudin ng biglang may humawak saakin iyon ay sina Timothy at Bella. Nagpumiglas akong makawala sa kanila at sumigaw ng 'huwag huwag mong saktan siyaaa!!' hanggang sa...
"Uyy Timothy gisingg" -Bella at Timothy
Bumangon ako at nakita sina Timothy at Bella na nagaalala..
"Ano bang nangyayari sayo binabangungot ka ata eh"-bella
"Oo nga kanina ka pang sumisigaw kanina"-Timothy
"Ah eh ako? Wait lang totoo na ba toh? Nasan si Athena nasan siya??" -natataranta kong tanong
"Andun sya sa kusina, natutulog di na namin ginising dahil mukang pagod"-Timothy
"Haysss epekto ata yan ng pagbugbog sayo kaya ka nababangungot"-bella
"Ano bang oras na?"tanong ko sa kanila
"2:11"-Timothy
Tumango na lang ako sa kanila, nagpaalam sila na matutulog muna uli dahil alas tres pa naman sila uuwi..
Buti naman panaginip ko lang yung kanina, grabe pati pa naman si Goryo nanggugulo sa panaginip ko..
Nagdadalawang isip ako kung tutulog na lang muna ba uli ako, kapag kasi natulog uli ako baka managinip nanaman ako ng masama.
Napagdesisyunan ko na pumunta kay Athena..
Umupo ako sa harapan niya at pinagmasdan syang matulog.
Ng biglang..
"Hmmm... Timothy.. Bella... Cahil.. dito lang kayo wag niyo akong iiwan....." Bulong niya habang tulog
Siguro nananaginip rin ito..
"Hindi ka naman namin iiwan.." bulong ko sa kanya
"Salamat"-Athena
Hala narinig ata ako neto.. ano ba to gising oh tulog?
Tsk baka ma huli ako neto..Agad na akong naglakad papunta sa sala, pero huli na..
"Oh Cahil gising ka na pala"-Athena
Humarap ako sa kanya at nagsalita
"Ahh oo kakanina lang, binangungot rin kasi ako" sabi ko sa kanya
"Ahh ganun ba buti na lang at nagisng ka"-Athena
"Hmm parne ka muna chikahan tayo dali" dagdag nya saakin
"Chikahan? Ano yun" pag tatanong ko sa kanya
"Luh di alam ang chikahan HAHAHA"-Athena
Lumapit na ako sa kanya at umupo sa kanina kong inuupuan.
Sa bagay di nya alam ang chikahan, wildwolf nga pala sya..
"A-ano alam mong lobo ako??" Tanong ko sa kanya
"Luh ba-bat mo nasabi yan?? Alam mo ang nasa isip ko noh? Nubayan, so lobo ka nga?" -Athena
"Eh ano.. oo? Oo lobo ako pero di basta lobo wildwolf ako" Pilit na sabi ko sa kanya
"Basta huwag mo na lang ipagkalat please, alam din toh nina Timothy at Bella" dagdag ko sa kanya
"Ahh ganun ba? Don't worry tutulungan ka naman namin i control yang pagiging lobo mo, pero saglit nakakabasa ka ng nasaisipan ng tao??" -Athena
Napatango na lang ako, pero nung sinabi niya na tutulungan niya ako sa pagkontrol ng pagiging lobo? Bat niya alam yung tungkol don? Bakit? Lobo ba siya? Tapos yung sa kanina yung dapat na magaanyo na akong lobo kanina.. hala oo nga baka lobo sya dahil kanina hinawakan niya yung kamay ko at tumingin sa kanya parang may mensahe siyang pinaparating saakin na huwag, huwag daw ngayon maraming tao.. so ano yun alam niya agad na lobo ako sa part na yun pero wait bat ga nga niya alam na lobo ako pano niya nalaman??
Bat ganun, hala nababaliw na ako, ano ba tong pinagiisip ko?
"Hello Cahil anyare??"- athena
"Ay oo ano nga ung tinatanong mo?"tanong ko sa kanya
"Ang tinatanong ko ay kung bat ka nakakabasa sa isip ng tao?"-Athema
"Ah eh dahil tinuruan ako ng mga magulang ko" sabi ko sa kanya
"Aytss sana oil" -Athena
"Huh? Sana oil?" Naguguluhan kong tanong sa kanya
"HAHAHA basta" -Athena
Athena's POV
Kasalukuyan kong kausap si Cahil ngayon at un na nga nagtapat na syang lobo nga siya. Pero saglit ang galing niya dahil marunong siyang magbasa ng isip ng isang tao, hayss sana ako ren. Andaya kasi nina mom and dad di ako tinuturuan..
By the way gusto ko na sanang mag sabi sa kanya na ako ay katulad niya pero parang di pa ata ito yung timing na mag sabi ako sa kanya pati kina Timothy at Bella.. buti na lang talaga madami dami yung ininom ko na potion na binigay saakin ni dad, para hindi ako maamoy ng isang kalahating lobo.. hayss anong oras na ba?? Gusto ko nang umuwi.
-------------------
Author's Note:Hi guys so ayun na nga ang chapter 9 sana magustuhan nyo heheheh
Lablotsss💖💖💖
BINABASA MO ANG
A Great Wolfpack
Novela JuvenilAthena Hanna Imperial, na kung saan siya ay isang kalhating lobo. Matagal nang tinatago ng kanyang pamilya ang sikretong ito. Sapagkat sa oras na may makaalam ng kanilang sikreto maaring manganib ang kanilang mga buhay. May mga nakilala siyang mga k...