Athena's POV
"Sure ka ba talagang makikipagrace kaasaamin?" Tanong ni Cal sakin
"Oo naman HAHAHAHA tsaka ngayon ko na balak sabihin na katulad niyo rin ako" -ako
"Nga naman. Ano diyan na natin simulan ang race?" -Cal
Tumango ako at lumapit kina Bell
"Best dito natin simulan ang race?" Tanong ko kay Bella
"Sige ba" nakangiti niyang sabi saakin
Napansin kong matamlay si Timoths anyare kaya dine?
Kakausapin ko sana si Timoths kaso..
"Uyy tara Tina, Bell, Timoths simulan na ang race!" Sigaw ni Cal saamin na nakakuha ng atensiyon ko..
"Doon sa may pinakamataas na puno magtatapos ang karera" sabi ni Cal habang nakaturo sa may pinaka mataas na puno sa may dulo
Woah anlayo non ah!
"Tara na?" Pagyaya ni Timoths saamin ni Bell
"Sige..." Naiilang kong sabi sakanya
Agad na kaming pumwesto, nasa gitna kami ni Timoths katabi ko sa kaliwa si Cal. At katabi naman ni Timoths sa kanan si Bell.
"Ano game na?"tanong ni Timoths habang nakatingin kay Cal na parang nagyayabang
Hmm magkagalit ba ireng dalawa? Grave ah..
"Ghe game" -Cal
"Game na best?" Nakabaling na tingin ko kay Bell
"Game best" nakangiti niyang sambit
"Okay in 1...2...3...GO!"-ako
At agad na kaming tumakbo..
HAHAHA bilis palang tumakbo nitong si Cal ah.. Wait wait nahuhuli ata ako!?
Tumigil ako at naganyong lobo. As in wolf talaga magugulat na lang sila nawala na si Tina! HAHAHA
Sinimulan ko nang tumakbo naunahan ko sila. Omaygadd nakakatawa ang reaksiyon nila habang nalalampasan ko sila.
At yun na nga nakarating na kami sa kaduluduluhan ng karera..
Kasunod ko sa likod si Cal sunod si Bell at Timoths
"Wait nasan si best uyy sino yang lobong yan!? Naku naman nasan si best!?" Tanong ni Bell kina Timoths at Cal na natataranta
"Saglit eh baka naman yang lobong yan ang may dahil kung bakit nawawala si Tina.. saglit babalik ako sa pinagsimulan ng race baka nandun siya" dalidaling sabi ni Timoths habang tumakbo papalayo saamin.
Dapat na sanang pipigilan ni Cal si Timoths pero huli na.. nakatakbo na siya papalayo saamin
"Uyy Cal si best!?" Taranta paring tanong ni Bell kay Cal
Tumawa na lang si Cal
Nu ba yan di ba nila ako napapansin?? kanina pa ako dito sa likod nila na anyong lobo parin eh HAHAHHA
"Ano bang tinatawa tawa mo?" Tanong ni Bell kay Cal
"Huwag mong sabihing.. s-si Tina ya-yang lobong y-yan!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bell
"Oo si Tina yan" nakangiting sabi ni Cal habang dahang dahang lumapit saakin
"Wehh??" Di makapaniwalang tanong ni Bell
"Oo nga, saglit ito ang proof" tiningnan ako ni Cal sa mata..
Take note lobo pa itsura ko diyan ha..
At yun na nga bumalik na ako sa pagiging tao..
"Hi best" nakangiti kong sabi kay Bell
"Best owemgiii katulad mo kamiiii yehuuuuuu!!" sabi ni Bell habang talon ng talon sa tuwa..
---Fastforward---
(Habang naglalakad)
"Nasan na ba yang si Timothy kanina pang hindi bumabalik ah" -Bell
"Oo nga noh" sabi ko sa kanya
"Yaan nyo maya maya makakasalubong din natin yun"-Cal
"Siguro nga"-ako
Mamaya pa ay..
"Oh si Timoths nandiyan na" sabi ko kina Bell at Cal
"Tina" sabi ni Timoths na biglang yakap saakin
"L-luh bat mo ginawa to" Naguguluhan kong tanong sa kanya
Maygad bat siya bigla na lang nangyayakap, ampochii nakakahiya kina Bell at Cal jusmiyo tong lalaking to ah
"Kasama mo na pala sila, hinanap kita eh" sabi ni Timoths sakin habang hindi pa siya naalis sa pagkakayakap sakin
"Ehem" parinig saamin ni Cal
At kumalas na si Timoths saakin.
"Best kailangan ko ng umalis sorry" dali daling paalam ni Bell
at agad na siyang umalisPero napansin ko yung mga mata nya.. umiiyak ba sya? Hala anyare dun? Kailangan ko syang sundan. Baka kung ano nang problema nun..
"Hmm susundan ko si Bell, tska 4:00 na kelangan ko na rin umuwi. Bye bukas na lang" pagmamadali kong sabi kina Cal at Timoths
At agad na akong kumaripas ng takbo para maabutan si Bell
"Bell saglit!" Sigaw ko sa kanya
At tumigil naman siya sa paglalakad..
"Bat best? Uuwi na sana ako eh" sabi ni Bell saakin, habang patagong nagpupunas ng luha.. haluhh
"Best kung may problema ka nandito ako makikinig ako.. diba besties tayo?" -ako
"Eh kasi best.." naiiyak na sabi ni Bell
"Ano yun?" -ako
"Best.."-bell
---------------
Author's Note:Hello sa inyo salamat sa pagbabasa..
Lablotsss💖💖💖
BINABASA MO ANG
A Great Wolfpack
Teen FictionAthena Hanna Imperial, na kung saan siya ay isang kalhating lobo. Matagal nang tinatago ng kanyang pamilya ang sikretong ito. Sapagkat sa oras na may makaalam ng kanilang sikreto maaring manganib ang kanilang mga buhay. May mga nakilala siyang mga k...