Chapter 21

3 0 0
                                    

Athena's POV

Napa 'ahh' na lang ako sa sinabi niya..

"Cal, panu mo pala nagagawa yung pagbabasa ng isip ng iba?" Tanong ko kay Cal eh kasi naman nacucurious na talaga ako. Wala kasi paying naituturo o nasasabi sina mom saakin ng mga ganun.

"Sorry Tina pero hindi ko pwedeng sabihin sayo, sabi kasi ni tatay huwag kong sabihin sa iba kung pano. Kasi mga magulang na ang mismo ang nagsasabi ng tungkol doon" sabi ni Cal na agad na nagpaulit ulit sa utak ko

Magulang na mismo ang nasasabi..

Magulang na mismo ang nagsasabi..

Magulang na mismo ang nagsasabi..

"P-pero hindi ko naman babasahin ang nasaisip mo"Cal

"Sure ka ha?"

"Oo promise" sabi niya habang nakangiti

Bat ang cute niya ngumiti!?

"S-sige" nakauutal na nakatitig kong sabi sa kanya

Bruhh Athena anyayare sayo!?

"Ahm ikaw naman ang magkwento" Cal

"Saglit ano bang ikwekwento ko?" Bulong ko sa sarili ko habang napakamot na lang sa ulo

"Sa pamilya mo pala? Ilan kayong magkakapatid?" Tanong ni Cal at bigla na lang akong natigilan naalala ko kasi so kuya Brandon..

"Athena may problema ba? A-ayus lang kung hindi mo sagutin ang tanung ko" dugtong niya

"May k-kapatid ako, kaso may kumuha sa kanya. Nagpalipat lipat na kami ng bahay para makita siya pero wala eh" malungkot kong sabi sa kanya

"Sorry" seryosong sabi niya

"No, hindi mo kailangang mag sorry" sabi ko sa kanya na pilit ang ngiting nakatingin sa kaniya

"Siya nga pala Cal, kahapon si Benedict ano yang... Lumapit sakin" naiilang kong sabi at bigla na lang ako natigilan at na realized na..

Ay hala bakit ko pa ba sinasabi sa kanya toh? Sh*t bat ba hindi matali itong bibig ko basta basta na lang nagbibitaw ng salita! Para tuloy ano kami nito ni Cal.. parang ano, basta! Bat ko nga ba kase sinabi sa kanya yung paglapit saakin ni Benedict!?

"Anong sinabi sayo? Sinaktan ka ba niya?" Tanong niya na ikinatigil ko uli..

Ay 'pafall' lang ang peg..

"Nag sorry siya saakin pero hindi ko tinanggap kasi dapat sayo siya mag sorry, Tapos.."pagpapaliwanag ko

"Tapos?"

"Nangungulit siya eh"

Ano ba yan Tina bruhhh again and again bakit ko sinabi yun!? Pero obvious naman kase nagtatanung siya.. pero kasii! Anyayare ba saken!?

Hayss nagaassume ako neto eh tsk!

"Ahh Yun lang ba?"

"O-oo"

"Huwag mo na lang siyang pansinin"

Sa bagay..

"Hmm sige" nakangiti kong sabi sa kanya

"Cal diba wildwolf ka? Kung hindi mo mamasamain, pano ka napunta dito, kayo ng pamilya mo." Tanong ko sa kanya na ikina seryoso niyang muli

Yan speaking of 'wildwolf' galit ako sa kanila, pero si Cal iba siya.. mukha naman kasi siyang mabait para maging kaaway ko.

A Great Wolfpack Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon