Chapter 11

206 87 1
                                    

Lumipas ang oras ay napagpasyahan ko nang umuwi, naging mahirap ang byahe dahil malayo ang narating ko. Buti nalang at may konting snack sa kotse ko, nagutom kasi ako!

Tahimik na nang makauwi ako, halos lahat ng ilaw ay nakapatay na tanging ilaw nalang sa labas ang nakasinde. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto ko, humiga nang naka uniporme at natulog.

Szzzp. Szzzp. Szzzp

Nagising ako sa vibrate nang phone ko, kinapa ko yon at tinignan. 14 missed calls galing kay rai at venichy! Naka silent ang phone ko simula kanina dahil ayoko nang istorbo! Bat tumatawag yun?

Una kong tinawagan si rai pero hindi na siya sumasagot kaya si venichy lang ang tinawagan ko. Naka ilang ring lang at sinagot nya.

"He-llo?" Tamad na ang boses niya at halatang nagising ko..

"Sorry pero bat ka tumatawag kanina?" Humiga ako at yumakap sa unan ko.

"Ahh wala yon, gusto ko lang sabihin na gusto kani rai..." natahimik ang kabilang linya at nang tignan ko ay nakapatay na yon! Pinatayan ako nang tawag.

Pumikit ako at natulog ulit, sabado naman bukas kaya hindi ako magigising agad. Gusto ko lang magpahinga para bumalik yung lakas ko! Naiiinis parin ako kay Ms. David sa ginawa niya samen!

"Kat! Kat wake up!" Tamad akong tumingin kay manang dahil minamadali nyako. Dito naka stay si manang dahil daw kailangan, tumayo ako at tamad na pumasok sa banyo. Nagbihis ako at nag-ayos.

Bumaba kami at naghanda para sa kainan, maaga daw umalis si mamà dahil hindi nya masikmurang nandito si manang 'but why?' Sakto paglabas ko ay nakita ko nang nakaupo sila rai, venichy, aimee, miya, clyde at jake! Lahat sila nandito!

"Oww kumpleto tayo!" Tumabi ako kay venichy dahil dun lang naman ang bakanteng upuan. Si manang nasa gitna si rai sa gilid nya na nakaharap sakin, hindi ko matingnan si rai dahil sa napag-usapan namin! Hindi ko rin kayang tignan si venichy dahil sa binanggit niya! Ayy Bahala na!

"Let's eat, may pupuntahan pa tayo" agad kaming tumalima sa sinabi ni manang, pero lahat sila napahinto nang sabay akong bigyan nang pagkain ni rai at venichy! Humarap ako sakanila at ngumiti.

"I can get my own food naman, just get your own" nakangiti akong kumuha nang pagkain at kumain, tahimik kaming lahat dahil sa nangyari. Nang matapos ay pinagbihis kami nang maayos ni manang.

Nagsuot lang ako nang high wasted wide leg pants at silk tank top, itinali ko rin nang messy bun ang buhok ko dahil masyadong maiinit dito.

Bumaba ako at nadatnan ko na silang nakabihis din, si aimee ay nakaputing bestida, si miya naman ay naka skirt na itim at red na top. At ang mga lalaki naman ay nakapolo pero natutok ang paningin ko kay venichy na nakaputing longsleeve polo at nakabukas ang tatlong button nito, ang buhok niya ay magulo pero magandang tignan naka kwintas din siya ngayon at makikita ang piercing niya sa tenga.

"Kat, malulusaw si venichy sa kakatingin mo" i heard manang whispered, natawa ako at dumiretso na sa labas. Sa van kaming lahat sumakay para iisang sasakyan nalang ang dadalhin, pumapagitna ako kay venichy at rai, kaharapan naman namin si miya at aimee at sila clyde at jake naman ay sa gilid.

Ilang minuto lang ay tumigil ang sasakyan sa isang lugar na hindi pamilyar. Namangha ako sa ganda nang lugar nato puro puno at dagat ang makikita mo! Nakakarelax! Hindi napawi ang ngiti ko sa ganda nang kalikasan pero nakuha ni venichy ang mata ko nakatingin siya sa isang parte nang mga puno, sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya pero nanlaki ang mata ko nang makita si kuya dexter don!

"Kuya?" Nakangiting lumapit samin si kuya "Anong g-ginagawa mo dito?" Ngumiti lang siya at nagpatiuna saamin.

Dinala nya kami sa isang magarang bahay sa likod nang mga puno kanina. Modern ang bahay at kulay puti.

Love Will Last (UNDER MINOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon