Chapter 14

182 83 0
                                    

Kitang-kita ko kung pano hinalikan ni rai si kat, hindi naman gumalaw si katarina. Naramdaman ko ang luha na pumatak mula sa mata ko, tinignan ko ulit sila pero unti-unting naghiwalay ang mga mukha nila at don nakita ko ang mga gulat na mata ni katarina habang nakatingin sakin. Mabilis akong umalis at bumalik sa mga kasamahan sa bahay, nang makita nila ako ay agad nilang tinanong si katarina pero hindi ako sumagot. Dumating si katarina na humahangos nasa likod naman niya si rai na nakaduko lang at hindi nahsasalita.

"Ven let me explain, please" tinignan ko siya at tumalikod, pinuntahan ko si neneng dahil baka marinig niya. Mahimbing ang tulog niya at kayakap pa ang unan na iniregalo ko sa kaniya.

"Ven kausapin moko!"

"Bakit kita kakausapin?" Gulat ang nasa mata niya nang sinabi ko yon, halatang hindi makapaniwala!

"V-ven?" Nauutal niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya at tumayo mula sa tabi ni neneng.

"Ano? Gagawa ka ng dahilan kasi nahuli ko kayo?! T**gina katarina!" Lumabas ako at hinahap si rai, mabilis ko lang siyang nakita. Pinuntahan ko siya at hinarap.

"Bakit rai?" Tumingin siya sakin at ngumisi.

"Masakit ba ven? Masakit ba?!" Sigaw niya pero kahit anong sakit ang nararamdaman niya ay mas masakit parin ang ginawa niya saken!

"T**inga rai?! Ano pa bang kukunin mo sakin?! Sabihin mo para makapag ready ako!" Sigaw ko pabalik sa kaniya, nakita kong lumabas si katarin mula sa bahay at mabilis na hinawakan ako pero inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Bakit mo hinalikan si katarina?" Mahinahon kong tanong. Lahat nang mga kaibigan at kasamahan namin ay may gulat sa mga mata lalo na si inda, lumapit si inda at hinawakan si katarina. "Ano pang balak mong nakawin o kunin sakin?" Lumapit siya at hinawakan ang kwelyo ko.

"Si katarina, mabibigay mo?" Maangas niyang sabi, tumawa ako at inalis ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. "Pano ko ibibigay sayo yung asawa ko?" Nakangisi kong sabi, kita sa kanila at gulat at sakit sa mata ni rai. "Ano rai? Una si maybeline tapos ngayon si katarina naman? Ano pa bang balak mong kunin?" Tumalikod ako at bumalik sa bahay ko, naghilamos ako at nagpalit nang damit. Umupo ako at tumingin sa litrato namin ni katarina na kasama si neneng.

"Ven can we talk?" Tinapik ko ang katabing upuan para maupo si katarina. Tumingin ako sa kaniya pero iniwasan kong masaktan dahil umiiyak siya, wala rin kaming relasyon kaya bakit ba ako nagagalit?

"Venichy im so sorry, hindi tulad nang iniisip mo yung nakita mo kanina, hinalikan niya ako ven pero hindi ako gumanti..huli na nung nakita kita kaya hindi ako nakagalaw agad" umiiyak siya habang nagsasalita. Inalis ko ang tingin sakaniya at tumayo, pumasok ako sa kwarto ko. Hindi ko na siya tinignan dahil puro galit, sakit at selos ang nararamdaman ko..

Katarina's POV

Mas lalo akong naiyak nang hindi niya ako pansinin, dumiretso siya sa kwarto niya at hindi nako tinignan pa. Lumabas ako at pinuntahan lahat nang kaibigan namin, nang makita sila ay agad kong pinuntahan si rai at sinampal. Gulat siya pati na ang mga kasamahan namin, hinawakan ako ni inda at manang pati narin si miya at aimee, pumagitna naman si kuya, clyde at jake saaming dalawa.

"So rai are you happy? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko sayo sa ilog? HI.ND.I KI.TA GU.STO!" Tumingin siya sakin at tumawa. Hindi makapaniwala akong tumingin sa kaniya..

"Eh ganyan naman lahat kayo! Puro si venichy yung iniisip nyo..amputcha naman kat! Mas matagal mo nakong kilala ah, bakit siya ilang buwan palang ay ganyan na kalalim yang nararamdaman mo?" Lumapit ako sakaniya at dinuro siya!

Love Will Last (UNDER MINOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon