The week started without my brother, mamà and mostly neneng and venichy, my brother is with his biological family while mamà? i dont know.. So now i decided to go back to spain to finish my school and come back here when im a graduated lawyer, tito Carlos returned to Spain and Manang went to California for a meeting. Naiwan ako dito sa pilipinas para maghanda ng mga papeles dahil sa españa na ako maiistay..
As I finished all the gear and things I was going to carry. I started to ready myself for the flight, I wore yellow dress and flatshoes and a black bag. Chineck ko lahat ng sulok nang bahay at sa huling pagkakataon ay pinuntahan ko ang opisina ni papà. I sat on the swivel chair and smile..
"Pà, ate guide me with this new journey and let me success with my tasks" tumayo ako at lumabas sa opisina, kinuha ko ang dalawang maleta na dadalhin ko at ibinababa na. Ibinigay ko ang susi sa care taker ng bahay..
"Kayo na po ang bahala sa mansion ingkong ha" tumango siya at ngumiti. Kahapon ay pinuntahan ko sila inda sa albay, alam na rin nilang aalis ako at babalik kapag tapos nako sa pag-aaral ko.
Lumabas ako at pumara ng taxi, isinakay ko ang mga maleta at nagpahatid na sa airport. Mabilis ang biyahe dahil hindi traffic ngayon dahil sabado naman. Nang marating ang airport ay agad akong pumasok at pumila sa check-in tickets, nang matapos ay tinignan ko ang ticket ko para malaman kung saang gate ako sasakay..
"Gate 3" umakyat ako at pumunta sa gate 3, maraming tao at puro pamilya ang nakita ko. Nang makapasok sa eroplano ay hinanap ko kaagad ang uupuan ko, tabi ako ng bintana kaya gusto ko agad umupo.
"There you are!" Umupo ako at sumandal, ikinabit ko rin ang headset at nagpatugtog...
Matapos ang ilang oras na biyahe sa eroplano ay nakatapak ulit ako sa españa kung saan ko unang nakita si venichy, nawala ang ngiti ko ng maalala ko yon. Umiling ako at pumasok na sa airport at kunin ang bagahe ko..
Naglakad ako palabas at tumawag ng taxi. Nang makasakay ay nag-open ako ng cellphone at doon ko nakita ang 12 missed calls ni manang or should i call her mommy or mom mamita? Shit! Mabilis ko siyang tinawagang pabalik..
"Hello? Katarina are you in spain?"
"Yes m-ma, kadadating ko lang dito" weird ang boses ko ng tinawag ko siyang ma..
"Susunod ako bukas diyan anak, dumiretso ka tiyo carlos mo ha" sumagot ako at pinatay na ang tawag. Sinabi ko sa driver ang address na sinend ni mama sakin. Nang marating ko yon ay mabilis akong bumaba at isa isa kong ibinaba ang mga gamit ko, iniabot ko ang bayad sa driver at nag doorbell. May lumbas na babaeng maganda na nasa 40's na, she's wearing a beautiful simple white dress and a pair of black flat shoes, nakabraid ang buong buhok niya at wala rin nakalagay na make-up or any filter on her face, just natural..
"Are you katarina?" Tumango ako at ngumiti. "You're alfonso's daughter right?" Tumango ulit ako at ngumiti. Pinapasok niya ako sa bahay nila at pina-upo, simple lang ang bahay nila..hindi masyadong kalakihan pero yayamanin, meron ding mga mamahaling display at iba pa..
"Feel at home hija, tama nga sila..maganda ka" tumawa naman ako at nagpasalamat, pero agad nakuha ng atensyon namin ang sunod-sunod na pumasok sa loob. Isang lalaki at dalawang babae..
Tumayo yung babae at pinuntahan yung tatlo, tumingin siya sakin at nagsalita. "Sila nga pala ang mga pinsan mo, anak namin ni carlos" ngumiti ako sa kanila, ngumiti naman sila pabalik.
"This is aeolus, my first born" turo niya sa lalaki. "And this is cybele, my second born" turo naman niya sa blonde ang buhok at nakaponnytail, ngumiti ako at ngumiti siya pabalik. "And last but not the least is galene, she's my last born" ngumiti ulit ako..
BINABASA MO ANG
Love Will Last (UNDER MINOR EDITING)
General Fiction(Completed) (Under Editing) When disaster paved Katalina's life, a new beginning strike to her. New face of a man, new taste of love, and new way of living. DATE STARTED: MARCH 27,2020 DATE FINISHED: MAY 15,2020