Bea's POV
Napansin ko lang na kakaunti nalang ang oras na magbabangayan si Deanna at Jema pero mukhang nagbago si Deanna, mas naging tahimik siya
Saturday ngayon at meron kaming tune up sa Creamline mamayang 2 pm, kaya kailangan namin gawin ang morning practice namin after eating
"Gisingin mo na si Deanna, siya muna magluluto ng agahan ngayon" sabi ni Maddie
"Alam niyo mga Ate ang ingay nung dalawa kagabi" sabi ni Jaja at nagulat kami
Yieee, baka may ginawa na sila
"Woi hindi yung ingay na iniisip niyo, green minded niyo naman athindi yung mangyayari noh kasi una, hate nila ang isa't isa, pangalawa may girlfriend na si Ate Deans" sabi ni Vannie
"Eh kasi hindi kami nakatulog ni Vannie kagabi kasi nagbabangayan yung dalawa, mukhang nagtatalo sinong mauunang mag cr" sabi ni Jaja
"Oo narinig rin namin ni Bea yun" sabi ni Jho
"Hay nako talaga, lahat tayo andito na sa sala, ako nalang muna magluluto ang tagal nung dalawa" sabi ni Ponggay
"Bea puntahan mo na doon baka may mabasag ulit" sabi ni Maddie
Pagpasok ko ay nakita ko na dumudugo ang kamao ni Deanna at basag yung salamin
"Nasaan si Jema" galit kong tanong
"Andito ako sa cr Bei, bakit?" sagot ni Jema
"Ilang oras ka na diyan?" Tanong ko
"Mga 15 mins pa lang ate" sabi niya
Tiningnan ko naman si Deanna, pinipigilan niyang magdugo ang kamao niya
"Wala ka bang narinig na nabasag o kung ano?" Tanong ko ulit
"Wala naman ate, eh kanina pa umaagas itong tubig eh kaya hindi ko masyado marinig ang nangyayari sa labas? Bakit ate may nangyari ba?" Tanong ni Jema
"Oo meron, at Deanna, bumaba ka at pag-usapan natin yang nangyari diyan, Jema bilisan mong maligo" sabi ko
"Opo" sigaw ni Jema
"Ikaw bumaba ka at gamutin natin yan" utos ko kay Deanna at sumunod siya
"Oh ate nasaan s-"
"Ate Deans anyare" sigaw ni Jaja
"Kuhain niyo ang first aid kit bilis" sabi ko
Umupo si Deanna at ginamot ko siya
"Aray Bei, dahan dahan" sabi ni Deanna
Nagamot ko na yung sugat at natanggal na rin yung mga glass sa kamay niya
"Bea 'bat basag nanaman yung salamin sa kwarto?" Tanong ni Jema
"Jema umupo ka sa tabi ni Deanna" sabi ko
Nakaupo sila dalawa habag lahat kami ay nasa harapan nila
"Jema bago ka pumasok ng cr may dugo na ba ang kamay ni Deanna?" Tanong ko, nagulat siya pero umiling din
"Deanna, nung nasa banyo si Jema anong nangyari at bakit mo sinuntok ang salamin" galit na tanong ko
Hindi siya umimik at yumuko lang, tiningnan naman siya ni Jema at nakita ko sa mata nito ang-
Pag-aalala, hindi ko naman in-expect na nag-aalala rin pala itong si Jema kay Deanna
"Ulitin ko, bakit mo sinuntok ang salamin, wag kang mag palusot na aksidente yun kasi basag na basag ang salamin" sabi ko
"W-wala"
"Anong wala?" Sabi ko
"W-wala, n-nasagi lang siya" sagot niya
"Deanna alam mo ba na meron tayong tune up mamaya, ikaw ang main setter ng team, responsibilidad mong alagan yang mga kamay mo tapos susuntukin mo lang ang salamin ng walang dahilan, aba imposible, tatanggapin ko sana kung may dahilan pero wala, kaya magsabi ka ng totoo, bakit mo sinuntok ang salamin?" Ulit na tanong ni Maddie
"Deanna sabihin mo ang totoo, pasalamat ka nga at hindi malalim ang sugat mo, kung yun ang nangyari baka sa hindi ka makalaro ng first game natin sa UAAP" sabi ko
"Justin" sabi niya at napakunot ang noo ko
"Yung hired private investigator niyo?" Taka kong tanong
"He said something to me" sabi niya
"Habang naghahanap siya ng ebidensiya sa nagnanakaw ng pera sa company, nakita niya si Michh" sabi niya at naluluha na
Si Michelle Cobb (hindi ko sure kung tama spelling) yung setter ng DLSU na girlfriend ni Deanna
"She cheated on me" sabi ni Deanna at hindi napigilan na humagulgol sa balikat ni Jema
Niyakap rin ito ni Jema habang hinahagod ang buhok ni Deanna
Nagkatinginan lang kami, akala ko ba aso't pusa tong mga toh, never pa namin nakitang nagdamayan sa problema ng isa't isa
"A-at ginamit niya lang pala ako para makakuha ng pera sa company" sabi ni Deanna
"Akala ko ba hindi mo siya sineseryoso? Bat mo iniiyakan" tanong ko
"Hindi naman siya iniiyakan ko eh, dahil nanakawan ang company namin ng malaking pera at na coma si mom" sabi ni Deanna
"Shit 'bat ngayon mo lang sinabi, kaya pala parang wala ka sa sarili these past few days" sabi ni Jaycel
"Shhhh tahan na" sabi ni Jema
At mas lalo kaming napanganga
"Nananaginip ba ako? Imahinasyon lang ba ito?" Tanong ni Yumi
"OA mo naman Yumi" sabi ni Jaycel
"Tara na tama na yan, Deanna, magiging maayos si tita, don't worry" sabi ko
"Tara kain na" sabi ko
Himala magkatabi si Jema at Deanna, at may bonus pa, nakasandal ang ulo ni Deanna sa balikat ni Jema
Nagkatinginan ulit kami at sabay umiling
---------------------------------------
We are practicing dito sa gym at buti nalang at hindi masyado malalim ang sugat ni Deanna, kaya pinayagan siya ni coach na magpatuloy mag trainingAt himala ulit kasi first time namin nakitang mag partner si Deanna at Jema sa drills
"Anong nakain nung dalawa Ate?" Tanong ni Vannie
"Ewan ko nga rin eh" sabi ko
------------------------------------
Pabalik na kami sa dorm at nauna na sina Jema at Deanna, tapos may pa bonus pa, nakakapit ang kamay ni Deanna sa sports bag ni Jema
"Anyare 'bat parang isang araw nawala na yung bangayan" sabi ni Kat
"Ewan ko ng rin" sabi ni Ponggay
"Atleast wala ng nagbabangayan diba?" Sabi ni Maddie
"Oo it's good na rin" sabi ni Ponggay
"Pero ang weird eh" sabi ko
"Jaycel diba ka teammates mo yan sila dati nung highschool" sabi ko at nagulat si Jaycel
"Oo, bakit?" Sabi niya na magpagka-alinlangan
"Nagbabangayan ba yan sila dati?" Tanong ni Jho
"A-ah, sila? Minsan, hindi kasi sila ganun ka close dati" sabi ni Jaycel
"Jaycel pag ikaw nagsinungaling sinabi ko sayo-"
"Hindi naman ah" sagot agad ni Jaycel
Hmmmm? Something is not right talaga eh, I can't really put my finger sa bagay na yun
Eh baka coincidence lang na naging magka-ayos sila, atleast positive naman.
----------------------------------
BINABASA MO ANG
I think I'm inlove again
Fanfiction"The heart remembers, what the mind forgets" *ongoing Starting date:April 9,2020 Ending date: May 4,2020