42- Official or not

2.9K 87 2
                                    

Deanna's POV

Nagising ako ng 4:00 am para i check ang designs

"Oh maaga lagi nagising" sabi ng kung sino

Nilingon ko ito at nakita ko si Kaye

"Ah oo, I need to check the designs para sa bagong project" sabi ko

"Focus na focus" tukso niya

"Para sa future namin ni Jema eh" sabi ko

"Yun oh, so? Ano na Deans? Liligawan mo na ba?" Tanong niya

"Oo pero in a secret way muna" sabi ko sabay kindat

"Mga paandar ni Wong" natatawa niyang sabi

____________________________________

"Oh guys lipat na tayo ng resort" sabi pa ni Jema

"Sige doon tayo sa resort mo" sabi ni Ate Kat

"Tara para maraming magawa may inflatable play ground sa dagat dun" sabi ni Jema sabay ngiti

Shit ang ganda talaga ni Mrs. Wong

'Ay advance mag-isip'

Oo eh, babakudan ko na yan

"Hoy Wong gusto mo maiwan" sigaw naman ni Ate Madz kaya napapasok agad ako ng van

Uupo sana ako sa bakanteng seat sa 2nd row pero tinulak ako ni Ate Madz sa pinakadulo

"Shit nakakahiya" bulong ko

"Marunong ka pala mahiya?" Bulong ng katabi ko

Nilingon ko naman siya
Shitttttt bat si Jema katabi ko

'Pakipot ka pa gusto mo rin naman'

May point ka pero nakakahiya pa rin

Pero nakakakilig yieeeee kasi kami lang dalawa dito sa pinakalikod kasi ang katabi namin puro bagahe na

"Oh guys kompleto na?" Tanong ni Jaycel na driver namin

"Oo sige na magsimula ka ng magmaneho driver" sabi pa ni Pongs na ikinatawa namin

"Gusto mo iiwan kita Pongs" pagbabanta ni Jaycel

"Ito naman joke lang" sagot naman ni Pongs at nag simula na mag drive si Jaycel

"Ah guys dalawang oras pa bago makarating doon, bawal mag chansing diyan ah" sabi ni Jaycel sabay kindat sa akin sa rear view mirror kaya inirapan ko lang siya at nagtawanan naman sila

I just opened my social media account at nag scroll ng scroll ng may naramdaman akong may humawak sa bewang ko at ulo sa shoulders ko

Nilingon ko naman ito at nakita ko si Jema na nakangiti

"Patulog muna ha" sabi niya sabay pikit ng mata

Tangina kinikilig ako, wahhhhhh

"Wong wag papahalata na kinikilig" sabi pa ni Marge

"Itatakwil na talaga kita ba" sabi ko

Naramdaman ko na mas humigpit ang hawak ni Jema sa bewang ko kaya mas lalo akong napangiti

"Jaycel?" Tawag ko

"Oh?"

"Sure ka dalawang oras lang ang papunta doon?" Tanong ko

"Oo naman"

"Pwedeng pakihinaan ng takbo mas gusto ko na ata dito matulog magdamag sa van eh" biro ko naman at kinurot ako ng katabi ko

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon