5- Catch up

3.3K 85 0
                                    

Jaycel's POV

"Jaycel and Ate Kat can we talk to you for a second, yung private sana" sabi ni Deanna at tumango kami

Tulog at sabog na yung iba naming ka teammates, ako, si Deanna, Jema, Yumi and Ate Kat nalang ang matino

Nakainom na yung iba eh kaya kahit saan natulog

Inalalayan naman niya tumayo si Jema

Wow ha, aminin ko, miss ko yung ganyang momments nila

"Jaycel" tawag sa akin ni Yumi

"Ah D, una na kayo sa balcony, susunod lang ako" sabi ko at nauna na sila at napaupo ako

Ngumiti naman ako, hayyy, nakakamiss yung panahong bati pa sila

Yung kapag may kalokohan magsabwatan pa sila, tapos dynamic duo sila sa court

Yung panahong hindi pa sila nagbabangayan yung panahong, nagliligo pa kami magkateam sa Cebu tapos

"Jaycel" sigaw naman sakin ng kung sino at nagulat ako

"Ano?" Irita kong tanong

"Bakit ka nakangiti na parang baliw diyan, may tanong kasi ako sayo" sabi ni Yumi

"Ahh wala may naalala lang" sabi ko

"Oh ano yun aber?" Nakataas kilay niyang tanong

"Sadista mo naman Yums" sabi ni Ate Kat at nag-apir kami

Ka teammate rin namin ni Jema at Deanna yang si Ate Kat nung highschool pa kami kaya alam niya lahat, Ateneo Junior highschool kasi kami nag graduate

"Tss, mag-ayos ka nga kasi may tanong ako" sabi niya

"Ano nga?"

"Wag kang magsisinungaling?" Sabi niya at tinaas ang kanang kamay

Tss para naman akong bata neto

"Opo" sabi ko tapos nakataas ang aking kanang kamay

"Sigurado ka ba na yung date na June 24, 2015 ay death date ng kaibigan nila?" Tanong ni Yumi at tinaas ang kilay

Tiningnan ko naman si Ate Kat at mukhang kinakabahan siya

"A-ah eh oo naman" nauutal kong tanong habang naka cross fingers sa isa kong kamayna nakatago

"Sureee?" sabi niya at tumango ako

Hay nako hindi talaga ako titigilan ni Yumi nito pustahan

"I know big deal sa friendship ni Jema and Deanna ang nangyari sa kaibigan nila, pero bat noong nagkalaban ang team natin parang okay pa sila, tapos ang date nun July 18, 2015" sabi ni Yumi at napatingin kami ni Ate Kat sa isa't isa

Sa La Salle Junior Highschool si Yumi nag graduate and naaalala ko yung date na yun kasi nag friendly game ang Ateneo and La Salle

"Sure ka? Baka mali ang date-"

"Sure ako, eh yun yung date nung naging magkaibigan tayo, ugok" sabi niya tapos pinektusan ako

"Ah eh hehehe" sabi ko

"Wait magkakilala kayo dati pa?" Tanong ni Ate Kat

"Opo"

"Eh siya kasi yung nakatama sakin ng bola pag spike, maalala mo yung babae na medyo maliit nun" sabi ni Yumi at napaisip si Ate Kat

"Ah oo, ay Yums, baka magantay sila Jema duon una na kami ah" sabi niya

At pumunta na kami sa balcony

Nakita naman namin na magkatabi ang dalawa habang ang jacket ni Deanna ay nakapatong sa balikat ni Jema na tulog na

Napangiti naman kami ni Ate Kat

"Ouy ouy, anong ngiti yan" sabi ni Deanna

"Ah wala" natatawa naming sabi at umupo

"Malamig kasi, kaya yun, wag issue jusko" sabi niya

"Wala naman kaming sinabi ah, tsaka bawal ba ngumiti" sabi ni Ate Kat

"Bat kayo natagalan nakatulog tuloy itong isa" sabi ni Deanna

"Ah tinanong pa ako ni Yumi kung totoo ba daw yung dahilan bakit kayo sensitive sa date na Jun-"

"Wag mo ng ituloy, sin-" hindi ko rin siya pinatapos

"Hindi"

"Umub-"

"Oo" sabi namin ni Ate Kat

"I really owe you two a lot, ilang beses niyo na akong niligtas, I mean kami ni Jema niligtas mas lalo ka na Jaycel" sabi ni Deanna

"Alam mo Deans, to be honest na miss ko yung ganyang momment niyo ni Jema, yung hindi pa kayo nagbabangayan" sabi ko

"Oo tapos, naalala mo yung time na ginising tayo ng dalawa sa dorm gamit ng speaker tapos full volume pa" sabi ni Ate Kat

"Naalala ko pa yung sinabi ni Captain" natatawa kong sabi

"Sinong hindi magigising eh, tunog ng baril at granada marinig namin" sabay naming sabi

"Hayy, I miss those days" sabi ko

"Kamusta na kaya yung tree house na yun sa Cebu" pagparnig ni Kat

"Hindi ko nga rin alam kung buhay pa yun eh, it's been years simula nung nakabisita ako sa bahay namin" sabi ni Deans

"Miss ko na maligo sa pool niyo doon Deans" natatawa kong sabi

"Na miss ko na rin yung time na na slide ka sa gilid ng pool" sabi naman ni Ate Kat at natawa sila

"Ouyyy masakit baya yun" sabi ko

"Makatawa gud ako sa mukha ni Jaycel nun" sabi ni Deans

"Ay D, alam mo ba na magkakilala na si Jaycel at Yumi dati pa" sabi ni Kat

"Wehhh, paano?" Sabi ni Deans

"Siya pala yung natamaan ni Jaycel ng bola pag spike nung friendly game natin against La Salle" natatawang sabi ni Ate Kat

"Halaa, siya yung sabi mo na crush mo-"

"Wahh, Deanssss secret dibaaaa" sabi ko

"Sowwwwyyy" parang bata na sabi ni Deans

"Alele, ikaw Jaycel ahhhhh" sabi ni Ate Kat

"So? Siya pa rin noh" sabi ni Deanna at napangiti ako

"Siguro?"

"Ayieeeee" sabi nila

"Hayyy, manahimik na kayo"

"Tara doon nalang tayo sa room ko matulog" sabi ni Deans

"Uhm tulungan niyo ako buhatin si Jema, nakaposas baya ako" pahabol ni Deanna

-------------------------------

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon