21- Who is numero uno?

2K 56 0
                                    

Deanna's POV

Andito kami sa dorm ngayon, mag iisang araw na ng mawala si Eya, I can't believe na sa lahat ng tao na pwedeng kidnapin si Eya talaga

Wala namang atraso yung tao sa kanila

"Deans, may tumatawag sa cellphone mo" kuhit sa akin ni Ced

I answered it

"Hello" wala kong ganang sagot

"Oh, mukhang matamlay ang manlalaro natin" sabi ng isang pamilyar na boses na nagpagising ng diwa ko

"Nasaan si Eya" sigaw ko

"D, kalma lang" sabi nila

"Oopss, galit siya, paano ba yan? You violated a rule" sabi niya

"Sino ka ba talaga ha? Ano ba ang ginawa namin sa iyo"

"Well marami" casual niyang sagot

"Ano ba ha? Sabihin mo na kung nasaan ang kaibigan ko, kahit ako nalang ang bugbugin mo o pahirapan, wag mo lang sila idamay dito" sabi ko

"Oh, what a nice deal, sige papayag ako, magpunta ka 6pm sa ******* building malapit sa *****" sabi niya

"Wag na wag lang magdadala ng kasama, kung hindi, ulo nalang ni Laure ang maibibigay ko sa iyo" sabi niya

"Deal" sabi ko

"Ay wait, ganito nalang, magpapadala ako ng tauhan diyan, at papasukin niyo, wag na wag niyo silang paputukan, o kundi, si Laure at ang pamilya mo ang madadamay Deanna Wong" sabi niya at parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko

Ang galit na nararamdaman ko napalitan ng kaba

"Ateeeee" sigaw ng kung sino at nanghina ang tuhod ko

"P-peter, Joseph"

"Deanna, wag mo siyang sundin, wag kang pupunta d-" hindi natapos ang pagsasalita ni Ate Cy dahil may narinig akong sampal

"Isa pang pahayag sa langit ang punta niyo" sabi ng isang lakaki at ang marinig ko nalang sa kabilang linya ay ang mahinang pag-iyak nila

"M-mom, dad, Ate Nics, Achi, Seph, Peter, Eya s-sorry nadamay pa kayo" sabi ko

"Oh tama na ang drama, Deanna ang kasunduan ha, isang pagkakamali ay may mapuputol na ulo" sabi niya

"Teka, anong suot ng mga tauhan mo para mapapasok namin sila" sabi ko habang pinipigilan ang pag-iyak

"Plain red shirt lang naman at pants" sabi niya

"O sige, good luck sa second round Deanna Wong" sabi niya at binaba ang tawag

"M-may plano ako" sabi ko sa kanila

"Sure ka ba diyan?" Sabi ni EJ

"Oo, magpapabili ako sa tauhan ko ng red shirt at pants, tapos mask na rin, sigurado akong naka mask sila pagdating dito, hindi tayo magpapaputok sa kanila, pero kung sakaling lalabas lahat sa van, marami akong tauhan na pwedeng mag shoot ng pampatulog na gamot sa kanila, at kayo at ang mga tauhan ko ang magpapanggap na tauhan ni Numero Uno, tapos kayo, susunod kayo sa location kasama ng pulis" sabi ko

"Bullshit, alam mo ba kung papalya ang plano mo, malalagay sa peligro ang buhay ng kapatid ko" sabi ni EJ at kinuwlyuhan ako

"Mag-isip ka nga bago magsagawa ng plano, you're so careless" sigaw niya saka ako sinuntok

"EJ/Deanna"

"Nag-iisip ako EJ, akala mo ba buhay lang ng pamilya mo an itataya ko sa planong ito ha" galit kong sabi

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon