28- Other Deanna

2.2K 67 3
                                    

Deanna's POV

Inaantay ng lahat ang sagot ni Jema, pinagpapawisan ako at bumibilis ang tibok ng puso ko

"C-cy, hindi na ikaw kaibigan na kilala ko" sabi ni Jema at lumapit sa pwesto ko

Kinuha ni Jema yung baril ni Cy na nakatutok sa akin at tinutok niya yun sa ulo niya, ang resulta kami dalawa an natutukan ng baril

"Mahal na mahal ko si Deanna at hindi ako pumapayag sa sinasabi mo, kung hindi mo yun matanggap at papatayin mo si Deanna, isama mo nalang rin ako" sabi ni Jema at humalaklak sa tawa si Cy

I didn't thought na pipiliin ako ni Jema at kung totoong baril ang hawak ng mga kumag na ito, tinaya niya rin ang buhay niya

"Ganyan pala ang mangyari kung magmahal ka ng isang Deanna Wong, psh alam mo Jema kinakain na niya ang buong sistema mo, hindi ka naman ganyan nung unang kita natin" natatawang sabi ni Cy

Jaycel's POV

Ewan ko kung anong plano ni Deanna ngayon pero I trust her

Pero kahit na, jusko nakakaba tangina, sinong hindi kabahan eh ang dalawa mong best friend tinututukan ng baril

"Same to you, hindi ikaw ang Cy na nakilala ko nung una, nagiba ka na" sabi ni Jema at napatawa naman si Cy  at biglang nagseryoso ng hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Jema

"Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo" sabi ni Cy

"Bitawan mo sya" malamig na sabi ni Deanna

"C-cy bitawan mo si Jema, maawa ka, baka may masamang mangyari sayo" sabi ko at nagtaka lang sila Ate Madz sa pinangsasabi ko

"Psh, ano rin ang gagawin ni Deanna aber" nakangisi niyang sabi at nginuso ang baril niya

"Tangina Malonjao, kung ayaw mong maniwala suit yourself then" sabi ni Ate Kat

Kami palang ni Ate Kat ang nakasaksi kung paano 100% magalit si Deanna at ito yung time na may nagbastos kay Ate Nicole, yung kapatid niya

Binastos kasi ng dalawang lalaki si Ate tapos sa harap pa talaga ni Deanna, kaya ayun sinuntok ni Deanna yung dalawag lalaki, ang resulta, may 8 broken bones ang isang lalaki at 7 yung isa at na coma sila ng lang months, nagtaka kami kasi 2nd year highschool palang si Deanna pero, Gago pre malapit ng makapatay si Deanna nun and after that incident 2 months siyang nagkulong sa kwarto niya

Nagpadala na rin ng psychologist si Tita Judin noon pero ayaw magpatingin ni Deanna and after nun ay hindi muna pinapasok ni tita si Deanna sa school, kaya noong second year highschool kami home schooled si Deanna at bumalik lang siya dito sa Ateneo noon 3rd year

Na warningan kami ni tita na mangyayari ulit ang nangyari noong sa lalaki na nambastos kay Ate kung, kakaiba na si Deanna at hindi na siya yung Deanna na kilala namin

"Bitawan mo siya o may palalagyan ka" sabi ni Deanna at umiiba na ang  boses niya

Tangina wala akong pake kung barilin nila ako kailangan kong pigilan si Deanna

Agad ko siya nilapitan at hinawakan pero pumipiglas pa rin siya

"Ate Katttttt, Caloyy" tawag ko at lumapit na rin sila

"Katt, Jaycelllll, Totsss tangina mag suicide ba kayo" sigaw nila pero tangina wala akong pake, baka makapatay kaibigan ko

"Cy utang na loob bitawan mo si Jema" sabi ni Ate Kat pero wala pa rin

"Wala akong pake kung mamatay ka Malonjao, at peke rin yang baril mo tanga" sigaw ni Deanna at namutla ang mag-ama, nagulat naman kami

Whole this time peke ang baril, tangina pinakaba mo kami

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon