Deanna's POV
"Na sa itaas ang mag decorate ng wedding cake natin love, pinapatanong kung anong prefer na flavors natin kaya mag cake test tayo mamaya" sabi ni Yumi
"Ayunnn may libreng cake" sabi ni Tots at binatukan siya ni Yumi
"Ang tatakaw niyo talaga" sabi ni Yumi
Tinitingnan ko lang sila, wala pa rin talagang pinagbago, sila pa rin yung mga kaibigan ko na may pagka abno
"Huy Deanna anong nginingiti ngiti mo diyan ha" suway sa akin ni Ate Madz
"Na miss ko lang kayo" sabi ko sabay ngiti ng malawak
"Aysus nagdrama nanaman ang bebe" sabi ni Ate Kat at nagtawanan lang kami
*ding
Nakarating na rin kami sa floor ng condo ni Jaycel
Kamusta na kaya siya noh
"Huy, tulala ka diyan wong" sabi ni Jaycel sabay pitik ng noo ko
"Guys ako mauuna pumasok ha, I will distract Jema tapos ipasok niyo si Deanna sa kwarto mo love" sabi ni Yumi at tumango lang kami
Pumasok na si Yumi si loob at maya maya lang ay nag text na siya kay Jaycel na ipasok na raw ako
Pft para silang mga kidnapers kung gumalaw, mga timang talaga
Nakita ko naman na nakatalikod si Jema
Shit ang ganda niya pa rin
Hindi ko alam na kanina ko pa siya tinitingnan at napako na ako sa kinatatayuan ko
Kinaladkad naman ako ni Jaycel papasok ng kwarto at nag sunudan ang iba
"Huy ikaw ha, wag pahalata na inlove na inlove kay Jema" tukso ni Ate Madz
"Shut up"
"Yieeeee namumula"
"Huy shut up na baka maranig ni Jema sa labas ma hot seat kayo" sabi ko
"Sound proof ang room D, kaya walang problema" sabi ni Jaycel
"Oh sige labas na kami ha, dalhan lang kita ng makakain, you can watch TV tapos andyan lang din sa gilid ng computer ko ang password ng wifi" sabi ni Jaycel at lumabas na sila
Jaycel's POV
"Oh andito na pala kayo Jayc" sabi ni Jema
"Ah oo, baka hindi mo lang napansin kasi kinakausap ka ni Yumi, may nahalata ka ba?" sabi ko, umiling naman siya at siniko ako ni Ate Madz
"Mahahalata ka sa sinabi mo ugok"
"Ah so? Jayc may best man ka na ba?" Tanong ni Jema kaya napangiti ako at tumango
"Bakit? Ine-expect mo na si Deanna ka partner mo?" Tukso ko at namula siya
Si Jema kasi ang Maid of honor ni Yumi at si Deanna naman ang best man ko, perfect pairings noh
"Ouy, hindi ah, concern lang ako na baka wala kang best man" palusot niya
"Meron na, pinsan ko yun, lalaki reto kita gusto mo?" Sabi ko sabay taas baba ng kilay
"Luh bahala ka diyan, andyan nanaman mga paandar niyong magkakaibigan" sabi ni Jema at napatawa lang kami
Aish kung nakikita lang ito ni Deanna sigurado akong kinikilig na ito
Tinitingnan ko ang pinto ko at nakita ko na nakabukas yun ng kaunti kaya hindi ko napigilang tumawa
Nagtinginan lahat sa akin at nag raise pa ng middle finger si Deanna bago sinara ang door
Nakita naman yun nila Ate Kat kaya nagtawanan kami maliban kay Jema
"Psh idiots" sabi ni Jema ng nakita niyang tunatawa kami
"Bagay talaga kayo" sabi ni Bea at tumigil ang tawanan
"Sinong kayo?" Takang tanong ni Jema
Tiningnan namin ng masama si Bea
"Ah eh, si Jaycel at Yumi, bagay sila kasi ang bully" palusot ni Bea at nakahinga kami ng malalim
Muntikan na yun ah
Tinikman naman namin ang cake flavors na available at napagpasyahan namin na red velvet nalang
*ringggg
"Ah guys excuse me may tumatawag sagutin ko lang" sabi ni Jema at sinagot niya yun
"Sa tingin niyo si mahal pa rin ba ni Jema si Deanna?" Tanong ko
Ako yung kinakabahan para sa kaibigan ko, baka kasi maging mapaglaro nanaman ang tadhana at bigyan ulit sila ng hamon tapos susuko na sila
Gusto ko na maging masaya rin si Deanna noh, kahit ugok yun she deserves to be happy sa lahat ng napagdaanan niya
Sana lang talaga wag umepal yung Kaye na yun na nagkagusto kay Deanna, alam pa naman niya na uuwi ng Pilipinas itong si D
"Ah guys sorry ah pero may lunch pala kami mamaya with the family , una na ako ha, byee" sabi ni Jema at umalis na
After 10 minutes ay pinuntahan ko na si Deanna na naabutan kong nanonood ng Riverdale
"Huy ugok labas na, wala na si Labidabs mo, may lunch daw with fam kaya umalis ng maaga" sabi ko at nakita kong lumungkot si Deanna
"Kung makasimangot ka diyan, makikita mo rin yun sa wedding ouy" sabi ko
Plano ko rin na wag sabihin na sila ang magkapartner, nasaan ang suspence kung sasabihin ko diba
Ang talino ko talaga jusko
"So? Deanna? Kwento naman diyan" sabi ni Yumi at nagkwento na nga si Deanna
"Saan ba kasal niyo?" Tanong ni Deanna
"Ah sa Boracay, beach wedding"
"Nakssss"
*ringgggg
"Ah guys wait lang tumatawag si Mom" sabi ko at tumango lang sila at nagpatuloy sa kwentuhan
"Hello mom? Bat ka napatawag?"
"Ah Jayc, may iutos sana ako saiyo ba kung free kayo bukas"
"Ah anything po? Just name it"
"Kung pwede sunduin mo ang inaanak ng dad mo, inimbitahan kasi namin siya sa kasal niyo ni Yumi kaso hindi namin siya masundo bukas kasi may aasikasuhin kami sa venue niyo dito sa Bora, pwede pakisundo siya sa airport baby?"
"Opo mom don't worry and mommy naman I'm not a baby na baya"
"You'll always be my baby, Text ko lang saiyo bukas anong oras dating niya ha, and kilala ka na man niya by face kaya hindi na siya malilito saan pupunta, and please let her stay duyan sa condo mo with Yumi and barkada mo, alam ko naman na halos diyan na sila matulog, take care of your dad's inaanak ha, bye take care love you"
"Yes mom, love you too"
Bumalik na ako sa kanila
"Oh anong sabi ni tita?" Tanong ni Deanna
"Ah may inaanak daw si dad na inimbitahan ni mom sa kasal, uuwi daw bukas galing ibang bansa, pinapasundo sa atin, and love pwede ba daw dito muna matulog?" Tanong ko
"Hihindi ba ako, eh yang sila Tots nga parang walang sariling condo, halos araw araw andito kung walang trabaho" sabi ni Yumi kaya napatawa kami
"Mukhang ma nose bleed tayo bukas kakausap sa inaanak ng dad mo Jayc" natatawang sabi ni EJ
"HAHAHA maghanda ka na ng tissue pamunas ng dugo" gatong pa ni Eya
"Don't worry marami pa dyan" sabi ko at mas nagtawanan kami
Haysssss it feels so good na buo kami, well semi kasi wala si Jema, si Ced at si Roma
"Ay dre si Roma nasaan?" Tanong ni Deanna
"Ah andun sa Bora siya ang wedding planner namin eh"
"Ahhh kaya pala" sabi ni Deanna
-----------------------------
BINABASA MO ANG
I think I'm inlove again
Fanfiction"The heart remembers, what the mind forgets" *ongoing Starting date:April 9,2020 Ending date: May 4,2020