Deanna's POV
"Jema thank you ah" sabi ko pagdating namin sa kwarto, nauna kami sa kanila nakarating
"Okay lang yun" sabi niya
"Mabait ka rin pala?" Biro ko
"Ay hala siya" sabi niya
"So? Bati na tayo?" Tanong niya
"Never tayo nag-away ah, pero sige, hindi ko rin mapapangako na hindi kita aasarin" sabi ko at hinampas niya ako
"Aduyyy" arte ko, malapit rin kasi sa sugat ko yung pinalo niya
"Hala Deans, sorry" sabi niya
T-tinawag niya ako ulit na Deans
"P-pwede ba kitang tawagin na D-Deans?" Nauutal niyang tanong mukhang kinakabahan
"Oo naman" sabi ko
Sinuri niya ulitang sugat na tinamaan niya
"Jema" tawag ko
"Joke lang, hindi mo talaga nahapak yung sugat ko" dagdag ko sabay pitik ng ilong niya at lumabas ng kwarto
Hinabol naman niya ako
"Wongggggg"
Nakita ko naman na papasok pa lang ang iba kaya
"Ate madzzzzz, si Jemaaaaa" sabi ko na parang bata tsaka nagtago sa likod niya tapos tumakbo ulit
"O anyare nanaman sa inyo?" Tanong ni Bea at humahabol pa rin sakin si Jema
"Eh pinitik niya ilong ko eh" sabi ni Jema
"Dahil lang doon? Ang babaw naman ng dahilan" Sabi ni Jaycel
"Tama ka diyan Jaycel" sabi ko
"Manahimik ka Jaycel" sabi ni Jema
"Hindi ba kayo titigil?" Sabi ni Ate Madz tapos napatigil kami
Tiningnan ko naman si Jema tapos pinitik ulit ang ilong niya saka tumakbo
"Isa!" Sigaw ng kung sino pero hindi pa rin kami tumitigil
"Dalawa!" Sigaw ulit
"Tatlo!"
"Sinasagad niyo ako ha, Yumi akin na" utos ng kung sino at may humila agad sakin
Hawak ako ni Bea at Jaycel habang hawak naman ni Jho at Yumi si Jema
"Bleehhh" belat ko at susugudin niya sana ako ng may naramdaman akong malamig na bagay sa wrist ko
Shet posas
Yung posas na right sa akin, posas na left kay Jema
Pagkatapos kaming i posas ni Ate Maddie dalawa
"Ateeee ayoko kasama itong kumag na ito, papaluin niya lang ako eh" sabi ko
"Hoy hindi ako mapanakit" sabi ni Jema
"Wala naman ako sinabi eh, so inamin mo na rin" bulyaw ko naman
"Here we go again" sabi ni Jaycel
"Eh kung tumigil ka sana kakahabol sa akin hindi ako nakaposas kasama mo" sabi ko
"Akala ko ba bati na yang mga yan" bulong ni Ponggay
"Tsk akala mo lang yun" sagot ko
"Eh kung hindi mo lang pinitik ang ilong ko ng kadalawa ay hindi sana kita makasama sa posas na ito" sabi ni Jema
"Ayaw rin kitang makasama, anong akala mo sa akin? Gusto makasama ang tigre?" Bulyaw ko
"Eh ayaw ko rin naman makasama ang isang isip bata na college student duhh" sabi niya at nag-init ang ulo ko
BINABASA MO ANG
I think I'm inlove again
Fanfiction"The heart remembers, what the mind forgets" *ongoing Starting date:April 9,2020 Ending date: May 4,2020