Deanna's POV
"Boss D"
"Boss Mapagmahal"
Tawag ng kung sino kaya napatigil kami, nilingon namin saan galing ang boses na yun at nakita naman namin ang Laure sisters, si tots, si ced, and si
"Surpriseeeee" sabi niya
OH MY FREAKING GOD, kailan pa siya bumalik
I hugged her tight
"Ang timanggggg, bat hindi mo sinabi na babalik ka na pala?" Sabi ko sabay pout
"Hindi na surprise kung ganun, so kumusta ang Boss D namin" sabi niya
"Okay lang naman, eh san ka ba nag-aaral ngayon ha?" Tanong ko sa kanya
"Ah sa NU" sabi niya
"Aguyyyy mukhang malakas ang NU ngayon ah" pabiro ko
"Aabangan ko drop ball mo kumag" sabi niya
"Pero wait bat andito kayo?" Tanong ko
"Ahhh binigyan kami ni coach ng 1 month para makapagpahinga, and nalaman namin na andito kayo kaya sinundan namin kayo" sabi nila
"Hoyyy mga spy kayo noh" sabi ni Jaycel
"Ayyysusss andito pala si Jayyyyy" sabi ni Ced atsaka kinutusan si Jaycel
"Aduyyyy Celineeee namannn, Tots anuhin mo nga itong girlfriend mo, nanakit wala akong ginawang masama" sabi ni Jaycel
"Ahem" tikhim ng kung sino
Opsss nakalimutan namin na andito pa pala ang iba naming ka teammates
"Ahhh so guys, sila pala ang dati naming teammates maliban dito kay Roma, she's our best friend nung highschool kami ni Jayc" sabi ko
Pinakilala ko naman sila isa isa at sinabi kung saang school sila nanggaling
"At ito Si Roma Mae Doromal, aka Kumag, nakilala ko namin siya ni Jayc sa bar noon, and yun nagkamabutihan at naging magkaibigan, nawalan nga lang ng connection nung pinagpatuloy niya ang highschool year niya sa US pero bumalil na pala ang kumag" sabi ko
"Maka kumag ka naman" maktol niya
Kumain na kami kasama sila tots
"Bat hindi niyo pinagpatuloy mag Ateneo sa college years niyo?" Takang tanong ni Ponggay
"Mga taksil sila eh" sabi ko at nabatukan ako ni EJ
"Ah girls sorry to interrupt pero hindi daw matutuloy ang training camp natin ng one week dito sa Okayama kaya your free na mag laag laag" sabi ni Coach at nag celebrate naman kami
"So Boss D? Paano ba yan? Catch up muna?" Tanong ni EJ
"Sige ba" sabi ko
"Ano Jems, Ate Kat, Jayc, Game?"
"Game" sagot nilang dalawa maliban kay Jema, nakita ko namang lumabas si Jema
'Let's talk sa pool bilis, ngayon na' nakita kong text ni Jema
Huhu bb anong nagawa ko
"Oh Boss D, bat parang nakakita ka ng multo diyan?" Tanong ni Roma
"Patay ka" bulong ni Ate Kat
"Bilis puntahan mo na doon, ingat ka need pa namin ng setter sa UAAP ha" bulong ni Jaycel
"Keep them entertained may gagawin lang ako" bulong ko kay Roma at kahit naguguluhan sya ay tumango na lamang siya bilang pagsangayon
Pumunta naman ako sa pool
Huhu bb naman, kinakabahan ako
"Bb" tawag ko
Shet sobrang seryoso niya
"Sino yun?" Tanong niya
"Ah eh former teammates natin" nauutal kon sagot
"Hindi yung isa, at nung highschool tayo kailan ka pa natutong mag bar" sabi niya at napangiti ako
"Hayss, nagseselos ang bb, siya kasi yung nakilala namin sa bar nung aksedente kaming napadaan doon ni Jayc at broken hearted siya kaya naman tinulungan nalang namin" sabi ko
"Sorry b, I'm just jealous" sabi niya
"You know what, paano kaya kung sabihin natin sa kanila na nililigawan na kita para mapanatag ka, and malaman nila na ikaw at ikaw lang ang mahaaallllll ni Boss mapagmahal" sabi ko
"Cute mo naman Boss Batman" sabi niya
"Sa dinami dami kong nickname na D, Deans, Boss D, Boss mapagmahal, yung Boss batman pinakagusto ko" sabi ko
"Bakit naman" sabi niya and she held my chin
"Kasi, ikaw lang tumatawag sa akin nun" sabi ko and I slowly kissed her
I stopped na rin nung umiinit na
"Let's go b" sabi ko at tumango siya
Pagbalik namin doon ay nakita namin na ang tahimik nila
"Guys we have something to say" sabi ko
And makikita mo sa mata nila ang confusion
"Well I'm courting her" dagdag ko
"Yunnnnn, kaya naman palaaa, bumalik na si Boss Mapagmahal" sabi ni Tots
"Wushuuuuu gawong 2.0" sigaw ni Eya
"Ayunnn ohhhh another love storyyyyyy napudd" sabi ni EJ
At marami pang nag react
Kumain lang kami ng kumain at nagtambay muna kami dito sa parang fun zone ng hotel
Nakapabilog kami
"So? Kailan pa?" Tanong ni Roma na nakangisi
"Ah eh nung isang araw" nahihiya kong sabi
"Oiii wala kang pasabi D, alam mo na number 1 fan niyo ako simula nung pumatok ang Gawong sa social media" maktol ni Roma
Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan
"Ouy naalala niyo yung time na imbis mag training tayo ng volleyball, ang ginawa natin kay nag basketball" natatawang sabi ni Ced
"Tapos nahuli tayo ni coach, then panay palusot naman itong si EJ" sabi ni Eya
"Ouy grabe kayo, eh naalala niyo ba yung time na nagtakas itong si Eya pati Jayc sa dorm in the middle of the night para lang magbili ng pagkain sa drive thru" sabi ni EJ
"Oo tapos naalala ko pa yun mga mukha ng kumag pagbalik nila, andun kasi si capt nakaupo sa couch inaantay sila" sabi ko habang hindi pa rin tumitigil sa kakatawa
"Tapos yung time na pagbalik namin ni Eya at Jayc sa dorm karga karga na ni Jayc si Eya kasi nadulas sa harap ng dorm" sabi naman ni Jema
Nag kwentuhan lang kami ng kwentuhan at hindi mawala ang pagiging sweet namin ni Jema sa isa't isa pa rin si Eya kay Jaycel
Well they are highschool sweethearts, pero for them it's just a typical puppy love
They have been together dati pero nung wala na sila ay friends pa rin naman kasi puppy love lang daw keme keme
Masaya ang kwentuhan namin ng may naghampas ng table
Nagulat naman kami dahil ngayon lang namin nakita na ganun siya kagalit
-----------------------------------------
BINABASA MO ANG
I think I'm inlove again
Fanfiction"The heart remembers, what the mind forgets" *ongoing Starting date:April 9,2020 Ending date: May 4,2020