25- A new friend?

2K 62 2
                                    

Deanna's POV

"Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang, bakit mas pinili niya yung Cy na yun" naiiyak kong sabi

"Tahan na Deans" sabi ni Tots

"Pangalawang beses ko ng makita kang nasaktan dahil sa pag-ibig Deanna, kinaya mo nga nung una, ibig sabihin kaya mo rin ngayon" sabi ni Jaycel

"Wait, wait, pangalawang beses na umiyak si Deans dahil sa pag-ibig? Eh ang pagkakaalam ko si Mich at si Jema lang ang gf nito, tapos hindi niya naman din sineryoso si Mich? Bat naging dalawa?" Takang tanong ni Bea

"Wala ako sa lugar para sabihin yan" sabi ni Jaycel

Ilang oras na rin akong umiiyak dahil sa nakita ko, shit ang sakit, bakit kasi hindi niya muna inalam ang nakita niya

Tumayo nalang ako at umalis sa condo

"Deanna magpahinga ka nalang lasing ka na" tawag nila ma may halong pag-aalala ang boses

"Don't worry magpapahangin lang ako" malamig ko na sabi at wala sila nagawa kundi tumango nalang

"Be safe and magbalik ha, alas tres na ng umaga Deans" sabi ni Ate Madz at tumango lang ako

Pumunta ako sa rooftop ng condo ko at umupo lang doon, pero hindi sa edge talaga, baka mahulog ako, medyo tipsy pa naman ako

"Mind if I join you?" Sabi ng kung sino at umupo siya sa tabi ko, hindi ko masyado maaninag ang mukha niya kasi madilim dito sa rooftop

"So? Anong problema?" Tanong niya pero I just stayed quiet

"Spill the beans Deanna Wong" sabi niya

"How did you know my name" tanong ko

"Sino bang hindi makakakilala sayo, best setter last season, the successor of Jia Morado, the Royal Flash and the Deannamazing" sabi niya

"Sino ka ba?" Tanong ko

"Tsk tsk tsk, tama pala ang sabi nila, you really don't pay attention sa mga nakakalaban mo sa court" sabi niya

"Sino ka ba kasi" irita kong sabi

"Kyla Atienza" sabi niya

"Kyla, stop pestering me would you" sabi ko

"Tsk, masama ikimkim ang problema, baka mamaya magpakamatay ka, manalo na ang team namin niyan sa UAAP kasi wala ng Deannamazing play sa court" sabi niya and I just rolled my eyes

Tumayo na ako, akala ko pa naman makapag isip isip ako ng mag-isa sa rooftop, psh may gagambala pala sa akin

Bababa na sana ako papuntang floor kung nasaan ang room ko pero tangina mehn sumunod yung dwende

Ok dwende tawag ko sa kanya, ginagambala kasi ang moment ko kanina

"Ouy" sabi niya sabay poke sa akin

"Friends na tayo ha" poke

"Psst" poke

"Deanna" poke

I just ignored her and lumabas na ng lift

Sana naman wala ng gagambala sa akin ngayon

Nag doorbell ako sa room and binuksan yun ni Ced

"Deans andyan ka na-

Kyla?" Taka niyang tanong

"Tss ano ba, layuan mo nga ako" sabi ko

"Pumasok ka na Deanna, may kakausapin lang ako" sabi ni Ced

"Tsss"

Pumasok na ako

"Oh ok ka na D?" Tanong nila

"Nakabusangot ka lagi" tanong nila, kumuha lang ako ng 3 canned beer sa ref

"Deanna nakakarami ka ng nainom" sabi nila

Sinong hindi magagalit ginambala ng isang dwende ang pagpapahangin ko sa rooftop

"Naging viral sa twitter yung nangyari sa Mcdo,Deanna" sabi ni Bea and I opened a can of beer

Tinungga ko yun

"I dont care" sabi ko

"Pinapatawag kayo ni Jaycel sa office bukas" sabi ni Ate Madz

"Sa company? May problema nanaman ba?" Tanong ko

"Hindi, sa Dean's office, kakausapin tayo ni Coach sa nangyari, sinabi ko na rin na wag ng isama si Jema sa gulo" sabi ni Jaycel at tumango nalang ako

"Pst, dre si babe nasaan?" Tanong ni Tots

"Andun, kumakausap ng dwende" sabi ko

"Ha? Dwende?" Gulat niyang sabi at binuksan ang pinto ng condo

Nakita naman nila si Ced at Kyla na nag-uusap, binuksan ko naman ang pangalawang beer at tinungga ito

"Gago ka talaga Deanna, akala ko literal na dwende kausap ng uyab ko" natatawang sabi ni Tots at natawa naman ang iba

Tinaasan lang ako ng kilay ni dwende

"Hoy Wong hindi ako dwende" sigaw ni dwende

"May bagong friend ka na pala Deans" nakangising sabi ni Roma at inirapan ko lang siya

"Ginambala mo ako sa rooftop, ibig sabihin dwende ka and we are not friends " sabi ko at pumasok na si Ced sa loob

"Friends na tayo and that's final byeee" sabi niya at sinara na ni Ced ang pinto

"Buti nalang napalayas mo na ang dwende" sabi ko

"Deans may mga fans ang nagtatanong sa twitter kung may kayo ba at dahil ba kay Jema kaya mo sinuntok si Cy" sabi ni Roma

Hindi pa kami out sa public ni Jema kaya hindi nila alam

Wait, dahil ba doon kaya niya mas pinili yung Cy na yun

"Meron ring mga nabuong theory na may kayo daw tapos nagselos ka dahil sa paghalik ni Cy" sabi naman ni Tots tiningnan ko sila, lahat sila nakatutok sa cellphone maliban sa amin ni Jaycel

Tsk, sa panahon ngayon ang dali lang talaga kumalat ng balita

"Tapos nagkalat ang theory na yun, then na bash si Cy" sabi ni Bea

"Buti nga sa kanya, kalalaking tao ang landi landi" sabi ni Tots at nabatukan siya ni Ced

Binuksan ko naman ng pangatlong beer

"Shit Deanna, number 1 trending sa twitter ang #gawong is real" sabi ni Ate Madz

"Tapos number 2 ang #protect gawong at all cost" sabi ni Eya

"May leaked photos rin tungkol sa surprise kaya gina confirm ka ng gawong fans niyo" sabi ni Roma

"Tapos navideohan ka simula nung pinipigilan ka namin kaya they need confirmation, maraming nag dm sa amin tungkol doon" sabi ni EJ at naririndi na ako sa naririnig ko

"Then? May magagawa ba ako? Anong gusto niyo sabihin ko sa twitter na ' guys totoo ang gawong, tapos kanina hinalikan ni Cy si Jema kaya ako nagselos at nasuntok ko siya', ganun? Yun ba yung gusto niyo?" Malamig kong sabi at natahimik sila

"Alam niyo, let's call it a day, alas kwatro na rin ng umaga, pupunta pa kami ng Deans office bukas este mamaya pala kaya magpahinga na tayo" sabi ni Jaycel at inalalayan nila ako papuntang kwarto

"Matulog ka na Deanna" sabi ni Jaycel at tumango lang ako

------------------------------------

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon