30- This is goodbye

2.3K 71 4
                                    

Jaycel's POV

Dumating na ang doctor, he explained na bumalik raw ulit yung pagiging psychopath niya and she needs a therapy to control it naman, baka hindi daw sapat ang one year noon kaya bumalik

Kaya nagulat kami sa sudden decision ni Deanna nung nalaman niya ito, pati rin sila tito and tita hindi inakala na mag decision siya ng ganito

"I think we all need a break from this" sabi ni Deanna at nagulat kami

"Nagiging pabigat nanaman ako sainyo for the second time and I think you need to rest, I think it's time na hayaan niyo muna ako mag-isa na magresolba ang sariling problema ko" sabi ni Deanna at umiyak ako ng nakuha ko ang gusto niyan iparating

"D-deans, wag naman ganyan, wag mo kaming iwan dre" sabi ko at niyakap siya

"Jayc I think this is for the best, halos lahat ng problema ko ikaw ang sumasalo, kaya you need to live your life, wag niyo akong problemahin" sabi niya

"P-pero b" naiiyak na sabi ni Jema

"Shhh I don't want anyone to cry, and b, always remember na ikaw pa rin, wala ng iba, kahit saan man ako mapunta my heart is always your ha" sabi ni Deanna at humagulgol na si Jema sa balikat niya

"Sachi, we can work this out, tutulungan ka namin para ma over come ito, d-diba we are a family, hindi sinasarili ang problema, alam mo yan" sabi ni Tita Judin na umiiyak na ngayon

"Mom, I don't want anyone to worry about me, I just wanted all of you to know na the day after ko lumabas ng hospital, magpapagaling ako, babalik ako sa inyo ng fully healed na ako at para wala ng pabigat sa inyo" sabi niya at umiiyak na ang lahat

"D-deans, paano yung pangarap natin na makuha ang championship together, yung pangako mo kay Ate Ly, wag naman ganyan" sabi ni Ate Madz

"I'm really sorry Ate Madz, pero I think this is the best way, and I'm sorry kung hindi ko mabibigay sa inyo yung pangarap niyong championship, ako pa naman ang play maker ng team tapos ako ang unang susuko, ang weak ko na sobra" naiiyak niyang sabi

"Jaja, pag wala na ako, take care of the team, practice all the plays na magawa nila, win the championship for me, sorry kasi naging pressured ka dahil sa problema ko, pero please ibigay mo sa kanila ang championship na deserve nila, yung championship na hindi ko nabigay these past few year of my stay in Ateneo" sabi ni Deanna

"A-ate naman, wag kang ganyan, wag kang umalis ate, kailangan ka ng team please" umiiyak na sabi ni Jaja

"I can't control myself, kaya it's better na lumayo muna ako sa inyo, I need to find a cure sa sakit ko na ito, I think I need to explore more of myself para malaman kung bakit ito nangyayari" sabi ni Deanna

"Mom Dad, I'm have decided na after kong maglabas ng hospital ay lumayo muna ako sa inyo, don't worry about me, may savings na ako sa account ko, and mom, dad, promise me one thing" sabi ni Deanna at sumeryoso ito

"Anything anak" sabi ni tito

"Please take care of Jema when I'm gone" sabi niya at tumango kami

"Jema, ayaw ko na makipagrelasyon ka sa may sakit, kaya when I'm away okay lang kung mahanap mo na yung the one mo, kung babalik man ako sa inyo at wala na akong babalikan, okay lang atleast masaya kayo, please lang kung umalis ako,be happy I don't want anyone to be sad, and Jema, bb pursue your dream, dapat one day malaman ko na isa ka na sa richest business woman sa mundo, and kahit hindi mo pa yun nakakamit I'm so proud of you tandaan mo yan" sabi ni Deanna at umiiyak lalo si Jema

"Ate Madz, tandaan niyo, kahit wala ako physically, I'm supporting you from afar, manonood ako ng games niyo sa tv, mag cheer ako kahit wala ako doon live, and please sana sa decision ko na ito walang magbabago sa team, sana walang magpapa apekto, gusto ko na just live normal, train normal and play normal, pero give your best"

"Jaycel, dre ilang years na tayo magkaibigan, at ilang times mo na ako sinalo sa mga problema ko, and I'm thankful to have a friend like you, nung nakilala kita para akong nakakita ng isang tao na sobrang rare, sobrang bait mo dre kahit noon hindi ako mabait sayo napagtiisan niyo ako nila Tots, and I'm thankful, kaya please wag na wag mong sisisihin ulit ang sarili mo bakit nangyayari ito ha, kasi problema ko toh dre, sobrang rami na ng problema ko ang pinoproblema mo at kung ikaw ang may problema hindi kita matulungan and I hate it, sobrang wala kong kwentang kaibigan kaya dre dapat pag bumalik ako may championship title na ang Ateneo ha and sana wag mo na ulit sisisihin ang sarili mo" sabi niya at umiyak na ako

"G-guys kaya natin toh ha, we are an Atenean, and One big fight diba, kaya Deans please fight, kahit wala kami sa tabi mo kayanin mo at we respect your decision, but promise me one thing, never give up, dapat kapag bumalik ka na sa amin bumalik na yung masayahing Baby Deans namin, bumalik na yung Royal Flash ng team ha? We are counting on you" sabi ni Ate Madz

----------------------------------
This day is full of sadness, I hate seeing Deanna like this pero I respect her decision, nalaman namin na ngayon na siya makakalabas ng hospital kasi hindi malalim yung sugat sa tagirilan niya

I hope na hindi siya ngayon makakalabas para may time pa na makasama namin siya pero sadyang mapaglaro ang mundo

You really don't know kung kailan mangyayari ang isang bagay kaya cherish it, ngayong araw nawala ang isang kaibigan ko, we don't know kung saan siya pupunta, malaking siyang kawalan sa team at malaki siyang kawalan sa buhay ko

Wala na akong Deanna na mababatukan, wala na akong Deanna na masusungitan, mawawala na yung times na maririnig ko sila Jema na magbabangayan, sana lang bumalik ang oras na yun, para may magawa ako kahit maaga pa pero it's too late kaya andito kami ngayon sa room ng hospital niya umiiyak

"Deans so you really have to do this" umiiyak na sabi ni Jema

"Yes b, and I'm so sorry for hurting you, thank you for the 4 months 1 day and 11 hours, it was the best time" sabi niya sabay halik sa noo ni Jema

"Dre ikaw na bahala kay Jema, inaasahan kita, wala dapat mananakit sa kanya, humanda siya sa akin pagbalik ko" natatawang sabi ni Deanna para mapagaan ang mood

"Maahasahan mo ako diyan dre" sabi niya at nag fist bump kami

And yun na yung last time na nakita namin siya kasi kahit ang mga magulang niya hindi alam kung saan siya pumunta, ang alam lang namin ay may dala siyang mga gamit niya, yung credit card niya and passport

Last na balita namin ay nagpakalayo siya dito sa bansa, she will find a cure sa sakit niya para hindi na siya makadisgrasya ng tao

-------------------------------------------------

Guys honestly naiyak ako habang tina-type ang chapter na ito, jusko dinama ko talaga

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon