Jaycel's POV
Andito kami sa condo ko, at kakarating lang nila Ate Bei, Ate Madz at ng iba
"Tsk dre naman may papeles pa ako sa office na naiwan, bakit mo kasi kami pinagawag?" Tanong ni Ate Bei
"Luh atat na atat ate Bei? May lakad ka ba? Oh baka meron ka ngayon noh" sabi ko
"Hindi, sabi kasi ni tito sa kanya kapag matapos niya yung mga papers within this week may 1 month leave siya" sabi ni Tots
"Kaya naman pala" sabi ko
"Langan, para may quality time with my bebe" sabi niya
"Wait kelan niyo ba balak magpakasal ni Ate Jhow?" Tanong ko
"Next year siguro, I'm planning to propose na rin eh" sagot niya
"Yun oh"
"Pero teka teka bat mo nga ba kami pinatawag ha Jaycel, wag mo sabihin kalokohan to malalagot ako kay babe" sabi ni Tots
Hmmm kalokohan pala ha? Ma prank nga sila
"Ah tungkol ito kay Deanna" sabi ko sabay yuko
"What? Anong nangyari kay Deanna? Babalil na ba siya?" Sunod sunod nilang tanong
"S-si Deanna" sabi ko habang nauutal at namutla naman sila kaya hindi ko napigilan tumawa
"Pft HAHAHA, you should have seen your face" natatawa kong sabi at tumakbo na ako kasi tinapunan nila ako ng unan
Hinabol naman nila ako tsaka dinaganan ng 3 kapre
"Hoyyyyyy mga kapre alissss" sigaw ko
"You deserve it" sabi ni Ate Madz
"Pinakaba mo kami" sabi naman ni Ate Bei
"Akala ko ano ng nangyari kay Deanna tangina mo Jayc" sabi naman ni Ate Kat
"Promise, may sasabihin ako, good news na ito, no joke kaya please alis na" pagmamakaawa ko at umalis sila
Huminga muna ako ng malalim at umupo sa harap nila
"Wait lan may tatawagan muna ako" sabi ko at titingin sana si Tots kaya sinirado ko ang laptop
"Opssss wag muna" sabi ko
I video called Deana at hininaan ko ang volume, hanggang zero
I just waved at her and she waved back
"Sino ba kasi yan ha, Jaycel, pektusan kita ngayon" sabi ni Ate Bei at nanlaki mata ni Deanna
"So guys, hindi na ito prank ha, may surprise ako sa inyo" sabi ko at tinaasan ko ang volume
"Helloooo mga tukmol" sabi ni Deanna at naglakihan ang mata nila
Hinarap ko naman ang laptop sa kanila at nakikita na nila si Deanna
"Tangina mo pre bat ka gumwapo" sabi ni EJ
Deanna's POV
Nanonood ako ng netflix dito sa condo ko ng nakita kong nag video call si Jaycel
I pause the movie that I'm watching at sinagot ang call
"Hello dre" sabi ko then wave at nag wave lang rin siya
"Sino ba kasi yan ha, Jaycel, pektusan kita ngayon" sabi ng kung sino kanila Jaycel at lumaki ang mata ko ng ma recognize ko kaninong boses yun
"So guys, hindi na ito prank ha, may surprise ako sa inyo" sabi ni Jaycel
BINABASA MO ANG
I think I'm inlove again
Fanfiction"The heart remembers, what the mind forgets" *ongoing Starting date:April 9,2020 Ending date: May 4,2020