Deanna's POV
"Guys we have to celebrate" sabi ko at inakbayan ko si Marge
"Don't you say n---"
"Ohhhhh yesssss" sabay naming sabi ni Marge at naglaki ang mata nila
"Tara treat ko bilissss" sabi ko at kahit gulat pa rin ang mukha nila ay sumunod sila nalang sila
Nag ask ako sa manager ng resort kung pwede buffet ang ihanda at nag yes naman sila
Nandito kami sa sand nakapabilog habang may beer cans
Ang position ay ako-Marge-Jaycel Yumi-Jho-Bea-Tots-Ced-Ate Madz-Jema-Ponggay- Ate Kat-Kaye-EJ-Eya-Roma
"Guyssss cheerssss" sabi ko and I raised my beer
"Cheerssss congratulations" sabi naman nila sabay inom ng beer
"Ah Jema sino nga pala yung tinawag mong baby kanina?" Biglang tanong ni Yumi napaubo ako bigla at humigpit hawak ko sa beer can
Hinagod naman ni Marge ang likod ko
"Napaghahalataan D, hinay hinay" nakangisi niyang bulong
"Lunurin kaya kita gusto mo?" Banta ko kaya ngumiti lang siya
"Psh, baby? Ang baduy ng endearment nila, mas okay pa yung tawagan namin na b" Bulong ko
"Oh? Nagseselos, make a move na kasi ano ba, naunahan ka tuloy" bulong pa niya
"Eh kung ihampas ko sa mukha mo yung taong gusto mo na may boyfriend na" bulong ko na may halong pang-aasar sa boses at kinurot niya ako
"Psh" sabi ko at kumuha na ng pulutan
"Ah si Jessy, anak ni Ate Jovs, umuwi na daw galing Canada from their vacation eh" sabi pa ni Jema at mas nasamid ako bigla
Kumuha agad ako ng beer para matanggal yung peanut na na-stuck
"All these time nagseselos ako sa pamangkin niya?" Inis kong bulong
"At least single siya" ngisi naman ni Marge
"Ikaw tumigil ka o ipapatapon kita pabalik Singapore" banta ko naman
"Eh kung ikaw itapon ko sa condo ni-"
"Eh kung lunurin kita Deanna" banta niya kaya napatawa ako
"Ahhhhh okay kala ko sino na" sabi naman ni Roma
"Bakit?" Takang tanong ni Jema
"Akala namin may secret boyfriend or girlfriend ka eh" sabi pa ni Ced
"Psh wala ah" sabi naman ni Jema
"So dude sayo naman" baling sa akin ni Jaycel at na sa akin lahat ng atensyon nila
"Oh, ask anything" sabi ko at uminom na ako ng beer
"Kelan kasal?" Tanong ni Jaycel sa akin at literal na lumabas sa ilong ko ang iniinom kong beer
Nagtawanan naman sila
"Ha?" Ulit kong tanong, baka mali pagkarinig ko eh
"Eh akala ko ba ikakasal kayo ni Marge, diba yung call niyo kanina? Tapos nagluhod ka pa sa sand habang nag celebrate tapos yung hug kanina tapos yung call sa tatay niya tapos yung tinawag ka pa ng tatay niya na anak" sunod sunod na sabi ni Jaycel at napatawa lang kami ni Marge
"Hoy anong nakakatawa?" Sabi naman ni Ced at binato ako ng beer
"Kasi---- pft HAHAHAHAHA"
"Hoy ano nga" sigaw pa nila
BINABASA MO ANG
I think I'm inlove again
Fanfiction"The heart remembers, what the mind forgets" *ongoing Starting date:April 9,2020 Ending date: May 4,2020