22- Truth

2K 54 6
                                    

Deanna's POV

"Sige" sabi niya

"Sigurado ka?" Tanong ko

"O-opo, ang gusto ko lang ay ligtas ang pamilya ko" sabi niya at tumango ako

"Sige ikaw mag drive papunta doon" sabi ko

"Yes boss, Marcky nga pala ang pangalan ko boss" sabi niya

"D ingat ka" sabi ni Tota

"B, ingat ka ha, mamahalin pa kita" sabi ni Jema

"Ouy ang landi landi, pero D, text ka kung pupunta na kami kasama ang pulis" sabi ni Bea

"Ilang minuto ba papunta doon Marcky?" Tanong ko

"Mga 20 mins po"

"Sige I'll text you nalang, tara na" sabi ko at pumasok na si Marcky sa driver's seat at pumasok kaming 7 ng tauhan ko sa likod

Nakita ko na tumawag ng pulis sila para makulong ang 7 na nakatulog doon

"Boss, text mo rin sila na, may dalawang tao na nakabantay bago ka papasok ng gate, isa ang mag-inspect at isa ang na sa taas, mas mabuti kung unahin muna nila na patumbahin yun bago ang iba" sabi ni Marcky

Mabait rin pala ito siya, dahil lang siguro sa pagmanipula ni Numero Uno, kaya siya nagkaganyan

"Ay mga bossing, sabi kasi ni Numero uno, dapat nakatali yan si Deanna" sabi ni Marcky

"Sabi na ba, may iba pang plano yung ugok, wait sila Eya at mom ba, kamusta, pinapahirapan ba sila?" Tanong ko

"Hindi naman boss, pero hindi pa sila pinapakain, may oras rin na gustong gahasain ng isa sa tauhan ni numero uno sila kaso may order na wag silang galawin" sabi niya

"That bastard" sabi ko at sinabi ko sa kanya ang magiging plano namin, nalaman ko rin na makakapagkatiwalaan itong si Marcky, at meron 15 na tao sa location  kung saan nandoon sila mom

"Boss D, malapit na tayo, mga tauhan ni Boss talian niyo na siya, wag lang masyadong mahigpit para makatakas ka agad"

Ginawa naman ng mga tauhan ko ang sabi ni Marcky at huminto muna siya sa gate na pula

Tangina, puro pula ba ang gamit nitong si numero uno, baka pati buhok niya pula

Tumingin muna sa rear view mirror si Marcky at tumango, it's game time

Binaba niya ang window at may bumungad sa kanya na lalaki

"O Marcks mah boy, nasaan na si Wong?"

"Andun oh, nakatali, hindi niya nga rin alam na ganito ang kahahantungan niya" pinilit ni Marcky na maging normal ang boses niya

"Oh siya, nandoon na si boss, inaantay kayo" sabi niya at tinaas ni Marcky ang window

"Boss D, sa entrance ng abandoned building may tatlong tauhan" sabi ni Marcky at agad ko itong tinext kanila Bea na pumunta na dito

"Boss turn off your phone, iwan mo lang dito, ito lang din get away car natin, nasa akin bitaw ang susi" sabi niya

"Sige" sabi ko

Bumaba siya at hinila ako papunta sa abandoned building, syempre mag acting may mga tauhan kasi eh, tapos nakangisi pa, mga ugok kung alam niyo lang

Tangina mehn, ang gagaling mag acting ng mga tauhan ko jusko,pwede na pang showbiz

Pagpasok namin ay may nakaupo na dalawang tao sa gitna na nakamask, guys, anong trip ni numero uno? Ano toh, money heist lang ang peg, may pa mask tapos pula na shirt at jacket

I think I'm inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon