Zephanie's POV
Habang nagmumuni-muni ako dito sa park na katabi ng aming bahay ay napatingin ako sa pusang bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Meow."
Kaninong pusa ba ito? Baka ligaw na pusa lang 'to pero ang ganda naman ng lahi niya.
Kinuha ko 'yung pusa at hinaplos ko siya. "Ang cute mo naman." Ani ko.
"Meow."
"Gray! Where are you?!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki.
Hala baka alaga 'to nung lalaki at paghinalaan niya akong kinuha ko 'tong cute na pusa niya.
Habang tulala ako bigla na lang ako nagulat sa boses ng lalaking nasa harap ko na ngayon. "There you are, my Gray." Ani nung lalaki habang kinuha sa akin ang pusa niya.
"Sorry, nagulat kasi ako sa pusa mo bigla na lang sumulpot." Pagpapaumanhin ko sa lalaking nasa harap ko.
Ngumiti naman siya. "No worries. Thank you!"
Para naman hindi nakakahiya ay ngumiti na lang din ako sa kanya. "I'll go ahead! Hinihintay na ako ng kaibigan ko sa bahay nila eh." Nahihiyang sambit niya habang hinihimas ang batok niya.
"Sure." Nakangiting sagot ko tsaka siya nagmamadaling umalis.
Sino kaya siya? Infairness, ang gwapo niya. Let me describe him. 'Yung lalaki kanina ay matangkad, matangos ang ilong, mabango 'yung tipong nakakamatay yung pabango niya tsaka ang ganda ng kanyang mga mata. Hays.
Kring kring kring
Napatingin ako sa cellphone ko nang may tumatawag dito. Agad ko itong sinagot dahil si Trisha pala ito na bestfriend ko since highschool kami.
[Hello?] Ani ko.
[Hey, wanna join us?] Sabi ni Trisha.
[Ano meron, Biatch?] Tanong ko sa kabilang linya.
[You know, marelax ka naman kasi puro si Clyde ang iniisip mo dyan eh tingin mo naman babalikan ka pa 'nun.] Sagot niya.
Aba! Walang hiya talaga 'tong kaibigan kong 'to.
[Wow ha!] Ani ko sa sobrang inis.
[Ano? Punta ka dito?]
[Oo na! Oo na!]
End Call
Hays, nang dahil kay Trisha naalala ko na naman si Clyde na ex-boyfriend ko na ngayon. We broke up last year at ang masaklap limang taon naging kami kaya sobrang sakit para sa akin 'yung nangyari kahit hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap. Siya kasi ang unang lalaki na umabot ng taon ang pagsasama namin.
Si Clyde? First boyfriend ko at first heart break ko din. Siya 'yung first kiss at first hug ko sa lalaki as in siya lahat except na lang 'dun sa virginity ko at yep, isa sa reasons kung bakit mahal na mahal ko si Clyde ay dahil nirerespeto niya ako.
To be honest kaya ako nandito sa park ay dahil kahit sa sandaling oras lang ay makalimutan ko muna si Clyde kaso biglang tumawag si Trisha at pinaalala na naman 'yung ex ko.
Si Clyde kasi 'yung tipo ng boyfriend na napaka-ideal as in sobrang sweet, caring, gentleman at higit sa lahat mahal na mahal niya ako. Everyday niyang pinaparamdam sakin na sobrang mahal niya ako.
"Miss, ito panyo." Sambit ng lalaking nasa tabi ko na ngayon.
Umiiyak pala ako hindi ko kasi namalayan. Tinanggap ko na lang yung panyo at ngumiti ako sa kanya. "Salamat."