Flashback
Masaya kaming naglalaro nila Zephanie at Kass dito sa bahay nila. Ang saya saya ko kasi kasama ko si Zephanie. Masaya ako kasi nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya. I really love those beautiful eyes para kasing nakikipag-usap din ito sa akin.
Zephanie and I are ten years old while Kassandra is eight years old but we love playing pa rin. Simula mga baby pa kami ay magkakasama na talaga kami kasi business partners ang aming mga parents.
Bestfriend ang tingin sa akin ni Zephanie pero lingid sa kaalaman niya na matagal na akong may gusto sa kanya kahit bata pa lang kami ay lumalim na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Landi ko no?
Hindi ko ito inamin sa kanya kasi ayaw kong masira ang aming pagkakaibigan. I care for our friendship kaya nilihim ko 'to sa kanya pero gustong-gusto ko na talaga itong sabihin sa kanya pero wala akong lakas ng loob baka kasi ma-reject lang ako.
Ang bata ko pa pero grabe na 'yung pagka-matured ng isip ko.
---
"Nie, pupunta na kaming New York." Malungkot kong sabi kay Zephanie.
Ako lang ang nagbigay sa kanya ng palayaw na Nie para ako lang ang maaalala niya kapag narinig niya ito.
"But why?" Malungkot din niyang tanong sa akin habang naka-pout.
Sarap talaga pisilin ng pisngi nito!
"Aayusin lang nila Mommy at Daddy 'yung company namin doon at kailangan nila kaming isama kasi wala raw magbabantay sa amin." Sagot ko sa kanya.
"Ay ganoon ba? Sige lang."
"Pinipilit ko pa nga sila Mommy na 'wag na kaming isama ni Kass kasi mas gusto naming nandito sa tabi mo pero hindi sila pumayag." Naluluha kong sabi sa kanya.
"Hala okay lang! Go with them, Von!" Nakangiting sagot ni Nie pero alam kong deep inside ay nalulungkot din siya.
Nasanay na kasi kaming tatlo na magkakasama kaya mahihirapan kaming mahiwalay sa isa't isa.
"Babalik kami! Pangako 'yan!" Nakangiti kong sabi sa kanya ngumiti rin siya.
"Promise is meant to be fulfilled, Von." Ani Zephanie.
Niyakap ko siya. "Promise, babalik kami para sa'yo." Tsaka ko siya hinalikan sa noo.
---
"Kuya, Do you still love Ate Zeph?" Tanong sa akin ng kapatid kong si Kassandra.
"Yes, I do really love her and nothing change." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Bukas ay babalik na kami sa Pinas at nag-transfer na rin kami ni Kassandra sa school ni Zeph tsaka pinayagan na rin kaming pumasok bukas kahit ma-late man daw kami ay ayos lang.
I'm excited to see you, my Love.
---
The day na nakita ko si Zeph sa park ay mas lalo ko siyang minahal. Mas lalong lumalim 'yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
Nagpanggap akong hindi ko siya kilala kasi alam ko namang hindi niya maaalala ang aking mukha kasi syempre magbabago at magbabago pa rin ang mga itsura namin habang tumatanda pero siya ay hindi ko nakalimutan. Alam na alam ko ang kanyang mukha kasi walang nagbago rito ganoon pa rin, maganda pa rin!
Kilala niya lang akong bilang Von kasi 'yun ang sinabi ko sa kanyang pangalan ko noong mga bata pa kami kaya ang tanga tanga ko kasi hindi ko binanggit ang buong pangalan ko edi sana ngayon ay nakilala na niya ako.
Palagi lang akong nakatingin sa kanya sa malayo and speaking of kaibigan, kaibigan niya rin pala ang mga kaibigan ko kaya mas lalo akong natuwa kasi syempre mas mapapalapit ako sa kanya ng tuluyan.
"Nothing change, Zephanie." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya sa malayo.
---
Josh's POV
Wala kaming pasok ngayon kasi Sabado kaya tumambay na muna ako dito sa cafeteria malapit sa bahay namin. Dinala ko na rin ang aking laptop para gawin ang thesis ko.
Habang kumakain ako ay pasulyap-sulyap ako sa kapaligiran ko at napako ang tingin ko sa isang magandang babae.
Napakunoot ang noo ko kasi pamilyar ang kanyang mukha para talagang kilala ko siya eh.
I knew it!
Kilala ko nga talaga! Siya si Sarah, ang kapatid ni Clyde. Hindi ko kasi agad siya namukhaan. Ang laki ng pinagbago niya mas lalo siyang nag-matured tignan mas gumanda at mas lalong naging slim ang kanyang katawan.
Hindi ako nagkakamali! Siya talaga si Sarah!
"Oh shit." Bulong ko sa sarili ko.
Ibig sabihin nandito na sila sa Pinas?! Bakit parang napaaga naman?
Kinabahan agad ako sa naisip ko. Shit nandito na nga talaga sila. Kinakabahan ako para kay Zephanie. Grabe 'yung tibok ng puso ko.
Ano? Sasabihin ko ba kay Zephanie na nandito na si Clyde o 'wag na muna?
Isip. Isip. Isip.
Fuck! Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Zeph pero sasabihin ko naman 'to kala Lance para maging aware rin sila.
Tignan niyo ah? Kung sasabihin ko ito kay Zeph, alam kong matutuwa siya kasi nakabalik na si Clyde sa Pinas kasi naghihintay siya pero at the same time masasaktan din siya kasi 'yung fact na may girlfriend na si Clyde tapos nasabi rin samin ni Zachary na doon papasok sila Clyde sa school namin so it means magkikita at magkikita sila.
Tapos kung hindi ko naman sasabihin ay sa akin naman siya magagalit. Alam kong magtatampo 'yun sa akin kapag nilihim ko ito sa kanya.
Sasabog na ata ako ah! Hindi ko alam gagawin ko eh.
Tahimik lang naman akong kumakain dito sa cafeteria tapos magugulat na lang ako sa nakita ko. Naggagawa lang din naman ako ng thesis tapos sasabog ang utak ko sa kakaisip kala Clyde.
Parang hindi sumakit ang ulo ko sa thesis eh kundi sa nakita ko!
"He came back." Bulong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo.