Zephanie's POV
Gabi na kami nakarating sa resort at ito talaga gusto namin kumbaga night swimming ganun. For sure magiging masaya ito lalo na kasama ko 'tong mga kaibigan kong loko-loko.
Pumasok kami sa room namin bale may tatlong malalaking kama dito tapos ang katabi ko ay si Trisha tapos doon naman sa isang kama ay si Zach at Lance at doon naman sa isa ay sila Kline at Josh. Ayaw pa nga noong una ni Zach na katabi niya si Lance pero wala na siyang nagawa kasi makulit itong Lancelot na ito.
"Guys, ayusin na muna natin 'yung mga gamit natin before tayo mag-enjoy." Natatawang sabi ni Kline.
Tumango naman kaming lahat at inayos na nga namin ang aming mga gamit pagkatapos ay pumunta na kami sa pool at in-enjoy namin ang buong gabi.
Uminom ako ng alak at tumingin sa ulap. Ang ganda talaga ng ulap ngayon! How I miss this. I want to enjoy this moment. I want to relieve my stress kahit sa sandaling oras lang.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na lagapak na ngayon dahil sa sobrang kalasingan at kami na lang pala ni Kline ang medyo matino-tino pa.
Ngumiti siya sakin at napatitig ako sa mga mapupungay niyang mata. "What are you looking at?" Tanong niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"N-nothing." Sagot ko na lang.
Shet! Naalala ko sa mga mata niya si Clyde. Sobrang miss na miss ko na 'yung lalaki na 'yun. I wanna hug him. I wanna kiss him. I wanna cuddle with him pero paano? Paano ko magagawa lahat ng 'yun kung wala ng kami?
"Why are you crying again, Dear?" Curious na tanong ni Clyde habang lumalapit sa akin.
Niyakap ako ni Clyde kaya hinayaan ko na lang. Ang sarap sa feeling ng may yumayakap sayo. Naalala ko na naman si Clyde kaya mas lalo akong umiyak. Naalala ko 'yung mga panahon na niyayakap niya ako habang umiiyak ako kasi niloko niya akong makikipaghiwalay na siya sa akin. Sobrang nagtampo ako sa kanya 'nun kaya ayun todo suyo siya sa akin.
Naramdaman ko na lang na mas lalo akong niyakap ni Kline at ginulo ang aking buhok. Hays! Parang matagal na kitang kilala, Kline! Bakit parang nakasalamuha na kita dati pa? Bakit parang kilalang kilala na kita?
"Do you want to sleep, Nie?" Tanong ni Kline.
Gulat akong napatingin sa kanya at siya naman ay natawa. Hala!
Hindi! Hindi siya ang childhood bestfriend ko kasi si Von lang ang tumatawag sa akin 'nun! Nagkakamali ako tsaka kung siya si Von edi sana hindi na niya tinanong pangalan ko.
"Lasing lang talaga ako." Bulong ko sa sarili ko.
Tama na nga. Nagiging OA na ako masydo ngayon.
Tama. Lasing lang ako. Lasing lang.
"Akyat na ako, Kline." Sabi ko at dahan-dahang tumayo pero na-out of balance ako at akala ko ay tatama ako sa sahig 'yun pala ay kay Kline ako lumagapak.
Si Kline ang sumalo sa akin. Si Kline ang nasaktan imbis na ako. Napatingin ako sa mga mata niya at parang pamilyar sa akin 'tong mga mata na 'to.
"Hey, get up." Ani Kline kaya dali dali akong tumayo at umakyat na sa room namin.
Bahala na sila doon! Nakakahiya 'yung nangyari. Aba hindi ko naman kasalanan kung bakit niya ako sinalo eh. Sana hinayaan niya na lang ako na lumagapak sa sahig. Hays.
Bakit ba kasi parang matagal na kitang kilala, Kline?
Hays. I'm overthinking again.
"Lasing ka lang, Zephanie."
Natulog na lang ako dahil medyo nasakit na ang ulo ko.
Kinabukasan
"Wake up!!!" Sigaw ni Lance.
Hays napakaingay talaga nito. Agang aga eh nag-iingay.
Sa sobrang inis ko ay ginulo ko ang aking buhok at nag-unat na din ako para naman ma-stretch ko 'yung katawan ko.
"So kamusta kayo kagabi?" Nakangiting tanong sa amin ni Josh.
"We're okay tsaka lagapak na nga kayo kagabi eh." Natatawang sagot ni Kline.
Napatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin at agad naman akong umiwas.
"So? Let's eat." Ani Zach habang hinihimas ang tyan kaya ayun nagtawanan kami.
Himala. Minsan lang maging ganyan kalmado si Zach ah.
Pumunta kaming cafeteria at kumain na ng breakfast namin. Nagkukwentuhan lang sila samantalang ako ay tahimik lang kasi hindi ko makalimutan 'yung nangyari kagabi.
Kline. Kline. Kline.
Ano ba naman 'tong isip ko? Kagabi si Clyde lang iniisip ko ngayon naman ay si Kline? 'Yung totoo, self?
"By the way, nag-text sa akin si Clyde na next month na ang uwi niya." Biglang sabi ni Kline kaya napatigil ako sa kinakain ko.
"I knew it! Sabi na eh malapit na siyang umuwi." Sabi ni Trisha na nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa kanilang lahat kasi naman nakatingin sila sa akin except kay Kline na walang alam tungkol sa amin.
"What's going on?" Curious niyang tanong sa amin.
Sasagot na sana si Trisha pero sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi na lang siya nagsalita. "W-wala."
"Oh okay fine." Sagot na lang ni Kline.
Paano nakilala ni Kline si Clyde? Magkaano-ano sila? Anong meron sa kanila?
Shit hindi ako mapakali sa sobrang daming tanong sa isip ko.
"Kline, I have a serious question." Seryoso kong sabi kaya napatingin siya sa akin.
Ngumiti naman siya. "Sure, ano ba?"
Sila Josh, Lance, Zach at Trisha naman ay seryosong nakatingin din sa aming dalawa ni Kline.
"Paano mo nakilala si Clyde?" Tanong ko sa kanya.
"You knew him?" Gulat niyang tanong sa akin.
"Yes." Tipid kong sagot.
"He is my younger sister's boyfriend and at the same, he's my bestfriend." Seryosong sagot ni Kline.
Napanganga ako sa sinabi niya tsaka sila Josh. All this time ay may girlfriend na siya?!
"Bakit hindi namin alam?" Sabay sabay na tanong nila Lance kay Kline.
Napakibit balikat na lang si Kline. "I don't know."
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko pero bakit ang sakit? Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Sobrang nasaktan ako sa nalaman ko.
Nag-expect akong mahal pa ako ni Clyde pero hindi na pala. May mahal na pala siyang iba. Sabagay siya naman kasi ang nakipaghiwalay eh kaya anong magagawa ko kung hindi na siya bumalik sa akin?
Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na naman ng puso ko.
"Sorry, I need to refresh my mind." Paalam ko sa kanila at hindi ko na sila hinintay pang magsalita at dali dali na akong umalis.
I hate you, Clyde for doing this to me. I fucking hate it.