TFG Chapter 5

12 0 0
                                    

Zephanie's POV




It's been a week simula noong sinabi ni Kline na may bago ng girlfriend si Clyde. Hindi ko alam pero kahit papaano namin ay nag-enjoy ako noong nasa resort kami kahit na puro masasakit na balita ang narinig ko about sa ex ko. Medyo okay na rin ako pero syempre nandoon pa rin sa akin 'yung part na mahal ko pa rin si Clyde at walang nagbago doon.

Balita ko rin na next next week ay pauwi na si Clyde galing Paris at syempre bilang boyfriend ng kapatid ni Kline si Clyde ay napag-alaman din namin na sa school na rin namin mag-aaral si Clyde. Hindi ko alam pero bakit ganoon? Pumunta siyang Paris para ituloy pag-aaral niya tapos uuwi siya dito sa Pinas para ituloy pa rin ang pag-aaral niya? Shocks ang gulo pero bahala siya buhay naman niya 'yun!

'Yung mga nangyayari naman dito sa school ay ganoon pa rin. Lesson tapos quiz ganoon naman lagi eh.

Nandito ako ngayon sa cafeteria at hindi ko kasama ngayon sila Zachary kasi may project daw sila kaya ako lang nandito. Nag-aaral ako ngayon para sa next quiz namin mamaya bale may mahigit isang oras din ang break ko kaya mag-aaral na lang ako kaysa naman bumagsak ako.

"Hey." Napatingin ako sa nagsalita at si Kline pala.

Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang isa sa libro ko tsaka niya ito tinignan. "Sipag ah?" Natatawa niyang banggit.

"Syempre para hindi bumagsak." Sagot ko sa kanya habang tinuloy ko ulit ang pagbabasa sa mga notes ko.

Binalik niya 'yung libro ko at tumingin sa akin. "Bakit? Bakit hindi na lang ako, Zephanie?" Seryosong tanong ni Kline sa akin kaya napatigil ako.

Sinasabi nito? Parang tanga lang eh.

"What are you talking about?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Bakit siya pa rin?" Tanong na naman niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hays, ayaw ko na muna ng ganitong usapan. Ayaw ko na munang isipin ulit si Clyde.

"Kung magtatanong ka lang ng magtatanong ay makakaalis ka na." Sagot ko sa kanya kaya pumangalumbaba siya at tinitigan ako. "Busy ako ngayon. Nakita mo namang nag-aaral ako para sa quiz namin mamaya eh kaya tsupe na!" Dagdag ko pa.

Natawa naman siya. "Joke lang! Napakaseryoso mo naman, Zeph!"

Inirapan ko siya. "Nag-aaral kasi ako tapos bigla kang magtatanong ng ganyan!"

Huminga siya ng malalim at tumayo. "Zeph, 'wag mo na lang isipin 'yung sinabi ko. Siguro nasasaktan lang ako ay mali, nasasaktan pala talaga ako." He said while he faked a laugh.

Umalis na siya at hindi na nagpaalam kaya napanganga ako.

Anong meron? Ano na namang ginawa ko sa'yo, Kline? Ilang araw pa lang kitang kilala pero bakit mukhang napakamisteryoso mo?

I don't know you or did I really know you?

Hays tama na nga! Mag-aaral na lang muna ako.

Mahiwaga ka, Kline.

---

Pagkatapos ng quiz namin ay umuwi na rin ako agad at ngayon ay nakatambay na muna ako sa park para naman malibang ko ang sarili ko kahit papaano. Wala kasing magawa sa bahay eh.

"Meow."

Ito na naman 'tong cute na pusa. Hays, ibig sabihin nandito rin si Kline.

Umupo sa tabi ko si Kline at tumingin sa mga batang naglalaro.

"Sinusundan mo ba ako? Bakit parang kung nasaan ako ay nandoon ka rin?" Naiinis kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin at kumindat. "Hep! Baka nakatadhana talaga tayong pagtagpuin." Natatawa niyang sagot kaya inirapan ko siya. "Hoy Miss Iyakin, 'wag ka ngang umirap! Ang pangit kasi eh!"

Aba! Napupuno na talaga ako dito! Pigilan niyo ako.

"Anong iyakin tsaka anong pangit?!" Naiinis kong tanong sa kanya kaya natawa siya.

"May iba pa bang iyakin dito?" Naiinis niyang tanong sa akin.

"Nakakainis ka alam mo 'yun?" Sagot ko sa kanya habang ginugulo ang buhok ko.

"Oops! 'Wag mo ng guluhin 'yang buhok mo mas magmumukha ka kasing witch." Pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba?! Umalis ka na nga rito!"

Humagalpak siya ng tawa habang nakahawak sa tyan. "Galit na galit ka na nyan?"

Tumayo ako at nagpamewang. "Abay oo! Sino ba namang hindi magagalit sa mga sinasabi mo?!"

"Ikaw!"

"Anong ako?!"

"Aminin mo na kasi na pikon ka, Zephanie Francine!" Pang-aasar pa lalo ni Kline.

Paano niya nalaman ang buong pangalan ko eh hindi ko naman sinabi niya sa kanya. Ay baka tinanong niya kala Trisha pero bakit naman niya itatanong? Itatanong lang naman niya 'yun kung interesado siya sa akin diba? Ay, napaka-assuming ko naman HAHAHA.

"Hoy, paano mo nalaman buong name ko?" Curious kong tanong sa kanya kaya napatigil siya sa pagtawa niya at sumeryoso.

"Ha? W-wala!" Nauutal niyang sagot.

"Hindi ko naman sinabi sa'yo 'yung buong name ko eh." Ani ko.

"Ssh just shut up!" Naiinis niyang sagot.

"Luh? Parang ewan tinatanong ko lang naman eh."

"I'll go ahead." Paalam niya tsaka siya umalis.

Tignan mo 'tong Kline na 'to. Parang timang talaga! Siya 'yung biglang susulpot na parang kabute tapos siya pa may ganang umalis. May aalis at aalis pa rin talaga! Drama ko naman!

"Tinatanong ko lang naman eh." Bulong ko sa sarili ko at tsaka ako nag-pout.

Misteryosong Kline mahuhuli ko rin kung ano 'yang mga pinagsasabi mo sa akin! Humanda ka!

After that scenario ay umuwi na rin ako at nagpahinga kasi pakiramdam ko ay kakailanganin ko ng lakas para bukas kasi paniguradong aasarin na naman ako ng walang hiyang Kline na 'yun.

Nye nye.

Taken For Granted Where stories live. Discover now