Zephanie's POV
"Ano ba? Hindi mo ba talaga ako titigilan ha?" Naiinis kong tanong kay Kline na hanggang ngayon ay natawa pa rin.
Sobrang saya naman nito!
"Ang cute mo kasi mapikon." Natatawa niyang sagot kaya namula ako sa sinabi niya na mas lalo niyang kinatawa. "Huyyy! Namula siya! Kinilig ka no?" Dagdag niyang pang-aasar sa akin.
"For your information, ganoon talaga ako kapag naiinis." Pagsisinungaling ko.
Bwisit talaga 'tong Kline na 'to! Makakatikim na talaga 'to sa akin.
"Weh? Grabe naman 'yung pagkapula." Natatawa niyang ani.
"Pwede ba? Lumayo-layo ka nga sa akin at baka hindi ko matantya ay masapak na kita." Naiinis kong sabi sa kanya tsaka siya inirapan.
"Awws, sasaktan mo na naman ang puso kong nagmamahal sa'yo!" Sagot niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa braso. "Napaka-amazona mo talaga!" Dagdag niya pa kaya sa sobrang inis ko ay napakamot na ako sa ulo ko.
Argh, kailan ba ako titigilan ng Kline na 'to? Bwisit talaga eh.
"Wow! LQ ang dalawa!" Pang-aasar ni Lancelot kaya nagtawanan sila Josh.
Nagkatinginan kami ni Kline. Siya naman ay nag-aktong parang nasusuka at ako naman ay napanganga sa sobrang inis.
"Anong LQ?!" Galit kong tanong kay Lancelot na ito.
"Kayo? Lovers Quarrel? Ganun?" Sagot sa akin ni Lance kaya hinampas ko rin siya sa braso.
"Oo, alam ko! Paano naging LQ eh wala ngang kami?!" Naiinis kong sambit sa kanya.
"Woah!" Sigaw nilang lahat maliban kay Kline na nag-aktong parang nasaktan at si Zachary na seryoso pa rin hanggang ngayon.
"Aray naman, Babe!" Sabi sa akin ni Kline. "Sinaktan mo 'tong heart ko." Sabay turo sa may dibdib niya.
"So what?" Sabay crossed arm.
"Napakasama mo talaga sa akin." Kunwaring naiiyak niyang sabi kaya nagtawanan sila Lance.
Argh!!! Sasabog na talaga ako maya-maya ng dahil kay Kline!
"Argh! Umalis ka na nga rito!" Pagpapaalis ko sa kanya habang tinutulak-tulak ko siya pero hindi siya nagpatinag.
"Bakit mo papaalisin ang future boyfriend mo?" Tanong niya habang tumataas taas ang kilay niya.
"Ayun naman pala! Future boyfriend!" Sigaw ni Trisha kaya nagtawanan na naman sila.
"Hoy! A-anong boyfriend ka dyan?" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Alam mo ikaw 'tong atat eh ang sabi ko lang naman future boyfriend." Nakangiti niyang sagot pero nakakaloko ang ngiti na iyon.
"Gosh, edi future boyfriend!" Naiinis kong sabi kaya nagsigawan sila.
Anong meron at nagsigawan sila?
"Ayun! Umamin ding gusto akong maging boyfriend!" Sigaw ni Kline kaya nagtinginan sa amin ang ibang estudyante kaya nahampas ko ulit siya.
Ay kaya naman pala!
"Leche ka." Inis kong sabi kay Kline.
"Hep! Tama na 'yan! Masyado niyong ine-enjoy ang pagiging aso't pusa niyo." Sambit ni Josh.
"Kdot."
Nasusura talaga ako sa kanila ngayon. Masyado nila akong inasar ngayon. Mga lecheng kaibigan 'to! Ako 'yung kaibigan nila pero mas pinapaboran nila si Kline! Leche talaga!
Nagulat naman ako ng may magandang babae ang sumulpot sa tabi ni Kline habang nakataas ang kilay.
"Oh hey, Kassandra." Bati ni Zachary.
Wow as in wow! Si Zachary Ford ba 'yan? Parang ngayon na lang ulit siya nagsalita mula kanina ah? Nang dahil lang sa magandang babae na ito ay biglang bumuka ang bibig niyang kanina pa hindi nagsasalita?
"Hi." Tipid na sagot noong Kassandra kuno raw.
Lumapit sila Josh, Lance at Trisha tsaka ito niyakap at nakipag-beso sa kanya.
Wews.
"Sino siya?" Tanong ko kay Trisha.
Magsasalita na sana si Trisha pero naunahan siya noong Kassandra. "Hala? Ate Zephanie? Ikaw na ba 'yan? Oh my gosh! I missed you so much! Ang tagal na nating hindi nagkita." Nakangiting sabi ni Kassandra sa akin kaya napakunot ako ng noo.
What does she mean?
"Do I know you?" Tanong ko sa kanya kaya napanganga siya sa sinabi ko.
"Yes, of course." Nakangiti niyang sagot.
"Guys, hahatid ko na muna 'tong makulit kong kapatid." Paalam ni Kline tsaka hinila si Kassandra na kumaway pa sa akin.
"Wait? Siya ang girlfriend ni Clyde ngayon?!" Gulat kong tanong sa kanila.
Tumango-tango si Zach. "Yes, Clyde's girlfriend." Simpleng sagot ni Zach.
"Oh shit! Hindi ko alam na nasa harapan ko na pala ang bagong girlfriend ng taong mahal ko." Malungkot kong sabi sa kanila.
"Sshh, it's okay, Zephanie." Pang-aalo sa akin ni Lance.
Kassandra pala ang pangalan ng girlfriend ni Clyde. I faked a laugh.
---
Kline's POV
Tumigil kami sa paglalakad ni Kass at tsaka siya nagpamewang. "Pinagod mo ako sa paglalakad ah." Mataray niyang sabi.
"Bakit ka ba kasi pumunta doon?" Naiinis kong tanong sa kanya kaya napataas ang kanyang kilay.
"So, bawal pala ako pumunta sa cafeteria?" Mataray niya pa ring tanong sa akin.
"Hindi naman."
"Tsaka bakit mo ba ako hinila ha, Kuya?" Naiinis niyang tanong sa akin habang naka-crossed arm.
"Kasi wala pa siyang alam." Tipid kong sagot sa kanya kaya napakunot ang noo niya.
"Ibig sabihin hindi niya pa rin alam?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
Tumango ako. "Yes. Malalaman din naman niya sa tamang panahon." Sagot ko at tsaka hinila ko ulit siya papuntang kotse ko.
Argh! This day is too much!