Zephanie's POV
It's been a week simula noong nag-practice kami ni Clyde ng sayaw namin at masasabi kong maganda ang kinalabasan ng performance naming dalawa at kami ang nakakuha ng 100 points para sa PT. Grabe raw kasi ang affection namin sa isa't isa para raw kaming uhaw na uhaw sa isa't isa tsaka alam ko namang ginawa lang ni Clyde 'yun para sa grades at hindi para sa nararamdaman niya para sa akin kasi syempre may girlfriend na siya.
Naging busy na rin kami masyado sa school works namin. Nandoon pa rin sa akin 'yung part na hindi ko pa rin masyadong pinapansin si Clyde kasi syempre dama ko pa rin 'yung sakit every time na nakikita ko silang magkasama ni Kass tulad ngayon.
Nandito ako sa locker at inayos ang mga gamit ko nang makarinig ako ng ingay malapit dito sa pwesto ko.
"What? Si Ate Zeph?! Naging girlfriend mo rin siya?!" Gulat na gulat na tanong ni Kass kay Clyde.
Tumango si Clyde. "Yes, Kassandra."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Naiinis na tanong ni Kass pero nagkibit balikat na lang si Clyde.
"Argh! I hate you, Clyde Adrian!!!" Sigaw ni Kass kaya sa sobrang gulat ko ay nabagsak ko ang mga libro ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.
Lumapit sa akin si Kassandra at sinabunutan ako. "You, Bitch!"
Pinipigilan siya ni Clyde pero ayaw magpaawat ni Kass kaya tuloy pa rin. Ang sakit na ng buhok ko! Feeling ko matatanggal na 'yung anit ko.
Naiiyak na ako sa sobrang hapdi. "Tigilan mo ako." Pagmamakaawa ko kay Kass. Inawat ulit siya ni Clyde.
"Tama na, Babe." Mahinahon na sabi ni Clyde kay Kass kaya tumigil siya at sinamaan ako ng tingin.
Puta! Hanggang kailan mo ba ako sasaktan, Clyde? Ang sakit sakit na naman ng puso ko.
"Hey, Bitch! Ipapaalala ko lang sa'yo na pag-aari ko na si Clyde ha?!" Saad sa akin ni Kass sabay irap.
Parang tanga lang! Hindi ko naman aagawin sa kanya eh kahit na mahal ko pa 'yang lalaki na 'yan.
"Sa'yo na siya and fyi, wala akong balak na agawin siya sayo." Mahinahon kong sagot.
Umalis na lang ako at baka lalo lang ako masaktan. Leche! Kinalmot din pala ako ng walanghiyang 'yun! Pucha puro scratches tuloy ang braso ko!
Argh!
Nag-ayos muna ako ng sarili ko pero pucha kita pa rin 'yung gulo ng buhok ko tapos nilagyan ko na rin ng ointment 'yung mga kalmot sa akin ni Kass pero shet pulang-pula pa rin. Pumunta na lang ako sa cafeteria kung nasaan sila Kline at pagdating ko ay agad silang nagsilapitan sa akin.
"What happened?!" Galit na tanong sa akin ni Kline sabay tingin sa mga braso ko na puro kalmot ganoon din sila Josh.
"Sino may gawa nyan sa'yo, Biatch?!" Inis ding tanong sa akin ni Trisha tsaka niya inayos ulit ang buhok ko.
"Wala ka namang nakakaaway dito eh." Sabi naman ni Zachary.
"Putangina! Sino may gawa nyan?!" Galit na galit na tanong ni Lance.
"Leche! Makakatikim talaga sa akin 'yan, Zephanie Francine!" Seryosong sabi ni Josh kaya natakot ako.
Umupo muna ako tsaka uminom ng tubig. "Nanghihina ako. Ang sakit ng ulo ko. Grabe siya makasabunot." Sabi ko kaya agad nila akong binigyan ng gamot para sa sakit ng ulo at ininom ko rin agad ito.
"Who did this to you?" Seryosong tanong ni Zach kaya lalo akong kinabahan.
Paano ko sasabihin na kapatid ni Kline ang may gawa nito sa akin? Baka kung ano pang magawa ni Kline kay Kass.
"Answer my damn question, Zephanie." Galit na sabi sa akin ni Zach kaya mas lalo akong kinabahan.
"S-si..." Nauutal kong sabi na hindi ko na matuloy-tuloy.
"Who?!" Galit na tanong ni Lance.
"S-si K-kassandra." Naiiyak kong sagot sa kanila.
Agad na napatayo si Kline at padabog na hinagis 'yung upuan niya. "That girl!"
"Bro!" Sigaw ni Josh kay Kline na nagmamadaling umalis pero hinabol ko siya at pinigilan.
"Stop!" Sabi niya sa akin.
"Kline, 'wag na." Pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag sa akin.
Nakita namin sila Kass at Clyde na naghahalikan sa comfort room kaya agad na hinila ni Kline ang kapatid niya.
Pucha! Palagi na lang ba talaga ako sasaktan ni Clyde?! Putangina ayaw ko na!!!
"Kassandra! Paano mo 'to nagawa kay Zephanie?!" Galit na galit na tanong ni Kline sa kanya habang hinahawakan ng madiin si Kass kaya agad ko siyang pinigilan pero hindi talaga siya nagpatinag.
Agad namang pinigilan ni Clyde si Kass pero tinulak siya ni Kline.
Ang sakit pucha.
"Because that crazy woman is getting into my nerves!" Sigaw ni Kass habang tinuro ako.
"What did you say, Bitch?!" Galit na tanong ni Trisha at tsaka sinampal si Kass kaya nagulat kaming lahat.
"That woman is crazy!" Ulit na sabi ni Kass kaya nasampal ulit siya ni Trisha.
"How could you do this to her, Kass?!" Galit na tanong rin ni Zach.
Tumawa na lang si Kass. "Wala kayong pakialam!" Habang nagpupumiglas kay Kline.
"Sorry." Sabi ni Clyde sa amin kaya natawa sila Trisha.
"Sorry? Pagkatapos sabunutan at kalmutin ng walanghiya mong girlfriend si Zeph? Sorry? Pagkatapos niyang makita kayo na naghahalikan?! Just fuck you, Clyde!" Sigaw sa kanya ni Trisha.
"Tama na! Tama na!" Umiiyak kong sambit sa kanila.
Agad akong umalis at pumunta ng room namin tsaka ni-lock ang pinto. Uwian na naman kaya wala ng masyadong estudyante dito.
"Putanginang sakit na, Clyde!" Sigaw ko habang pinapalo ang dibdib ko.
Makita mo 'yung taong mahal mo na kahalikan 'yung bago niya? Gago ang sakit!
"Hintayin mo lang at matitignan kita na para bang hindi na ako nasasaktan." Bulong ko sa sarili ko at tsaka nagpunas ng luha.