TFG Chapter 12

6 1 0
                                    

Zephanie's POV

Pagkatapos 'nung nangyari ay sobrang iwas na ako kay Clyde tsaka sinabihan din ako ng mga kaibigan ko na kapag lumapit si Clyde ay lumayo raw ako baka raw kasi makita kami ni Kass at magka-gera na naman.

Hindi ko naman inaano si Kass tapos bigla niya akong susugurin ng sabunot at kalmot. How cruel she is!

Pagkatapos ng buong klase ay agad nagsilabasan ang mga kaklase namin at naiwan kaming magka-kaibigan tsaka si Clyde sa room.

"Lets go?" Tanong ko sa kanila kaya agad silang tumango at tsaka kami lumabas na.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Lance.

Tumango at ngumiti ako. "Yes."

Hinatid nila ako sa bahay at hindi na rin sila nagtagal kasi may mga gagawin pa sila.

Bukas nga pala ay intrams na namin pero hindi ko alam kung mae-excite ba ako o ano eh. Bale ang magkaka-team pa rin sa basketball ay sila Josh, Zachary, Lance, Lucas, Hans at iba pa pero sa pagkakaalam ko ay nagpalista na rin si Kline at Clyde sa team nila Josh at iniba na ang Captain kundi si Clyde na.

Ano kayang mangyayari bukas sa intrams? Sana maging maayos.

---

Maaga kaming pumasok nila Trisha para na rin i-support sila Kline kasi maaga rin ang simula ng laro nila. Bale may kalaban silang ibang school at sana palarin ulit na manalo sila Josh kasi nag-back to back champion sila eh kaya sana maulit.

Nandito na kami sa gym ng school at ang aga pa lang pero grabe na 'yung ingay ng mga estudyante. Pwede rito ang outsiders kaya mas lalong dumami ang tao rito.

"Go, Baby Kline!!!"

"I love you, Clyde!!!"

"Go! Go! Go!"

"We love y'all!"

"Support here, Baby Josh!"

"Ang astig mo, Zachary!"

Blah. Blah. Blah. Dami talagang mga supporters nitong mga kupal na 'to.

Maya-maya rin ay nagsimula na silang maglaro at na kay Kline ang bola kaya ayun na-shoot niya ito na mas lalong ikinasigaw namin.

"Go, Kline!!!" Sigaw namin ni Trisha.

Napatingin sa pwesto namin si Kline at ngumiti sabay tango.

Na kay Clyde naman ang bola na ngayon ay hinaharangan ng kalaban pero na-shoot niya ito at nag-three points kaya nagsigawan sila lalo na si Kass na nasa likod lang pala namin.

"I love you, Baby!" Sigaw ni Kass kaya napatingin ako sa kanya at tsaka niya ako inirapan.

Luh? Hindi naman inaano eh!

Baby, baby baby! Baby your face! Sabay nag-make face ako. Pweee! Kadiri!

Hanggang sa natapos ang laro at sila Kline ang nag-champion kaya ayun nagsilabasan ang mga estudyante kasi manonood naman sila ng soccer doon sa isang field namin.

Ang team nila Kline at kami na lang nila Trisha tsaka Kass ang natira rito. Agad namang lumapit si Kass kay Clyde at tsaka pinunasan ang pawis kaya napatingin sa akin si Clyde kaya agad din akong umiwas at lumapit na lang kala Josh.

Inapiran ko silang lahat pwera kay Clyde na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.  "Congratulations!" Masayang bati ko sa kanilang lahat.

"Thanks, Zeph!" Pagpapasalamat sa akin ni Hans sabay ngiti.

"Thank you!" Sigaw nila maliban lang kay Clyde.

Aba, kailangan dito pa sila maglalampungan ng girlfriend niya? Mahiya naman sila! Hindi ako bitter pero matuto naman silang mahiya sa amin. Gosh!

"Guys, mag-celebrate kaya tayo sa bahay nila Clyde?" Maarteng tanong ni Kass.

Napailing naman ako sa kaartehan nito. Leche!

"Sure! Sure!" Masayang sabi nila Hans pwera kala Zach na seryoso pa rin.

"Kayo, Josh?" Tanong ni Kass.

Tinignan ako nila Josh at nakangiting tumango lang ako sa kanila. "Sige, punta na lang kami mamaya." Sagot ni Josh kaya napalakpak si Kass.

"Biatch, sasama ka ba?" Tanong sa akin ni Trisha kaya tumango ako.

"Oo naman! Pupunta ako doon para i-celebrate pagkapanalo ng mga kaibigan natin no!" Masayang sagot ko sa kanya kaya ngumiti na lang din siya.

"So, paano ba 'yan? Kita kits na lang?" Saad ni Lucas kaya napatango na lang kami at tsaka sila umalis na.

"Tara na rin ba?" Tanong ko sa mga kaibigan ko at tumango naman sila.

"Una na kami, Kass." Paalam ni Kline sa kapatid niya.

"Go." Mataray niyang sagot.

Leche.

Umalis na rin kami at tumambay muna sa StarBucks malapit sa school namin at um-order ng pagkain namin.

"Okay lang ba talaga sayo na pumunta ka doon, Zeph?" Tanong ni Lance habang hinihiwa ang pagkain niya.

Tumango ako. "Okay lang. Nandoon ako para i-celebrate pagkapanalo niyo."

"How sweet of you." Malambing na sabi ni Trisha.

"Ang inaalala kasi namin ay baka awayin ka na naman ni Kass." Sabi ni Josh.

"Nope. Kaya ko naman eh."

"Akong bahala kapag inaway ka na naman ng kapatid." Ani Kline kaya ngumiti na lang ako.

In-enjoy namin ang pagkain namin at masaya rin kaming nagkwentuhan at pagkatapos naming kumain ay agad din kaming umuwi kasi pupunta pa kami mamaya sa bahay nila Clyde.

Nag-text sa akin si Kline na susunduin niya na lang daw ako ng 7pm kaya mag-aayos na rin ako maya-maya for the celebration.


Taken For Granted Where stories live. Discover now