TFG Chapter 8

9 1 0
                                    

Zephanie's POV





It's been a week simula noong mga pang-aasar niya sa akin at mas lalo kaming napalapit sa isa't isa ni Kline. Mas naging showy at clingy siya sa akin pero alam ko namang as a friend lang 'yun. Sa sobrang close na namin ay nababatukan ko na siya ng todo at syempre nakakatawa na ako tulad ng dati.

Feeling ko nga bumalik 'yung dating ako na masiyahin 'yung tipong walang iniindang sakit na nararamdaman sa puso not physically ah. Nang dahil kay Kline naging masaya ulit ako kaya sana 'wag na akong lamunin ng kakaisip kay Clyde para hindi na ako malungkot ng tuluyan. Oo, bumalik 'yung dating ako na masiyahin pero nandoon pa rin 'yung fact na walang nagbago sa nararamdaman ko para kay Clyde.

I still love you, Clyde Adrian.

"Biatch, balita ko may bago tayong kaklase." Ani Trisha sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"Sino naman kaya?" Tanong ko pero napakibit-balikat na lang siya.

At oo nga pala, magka-kaklase kami nila Trisha, Zachary, Lance at Josh dahil same course kaming magka-kaibigan.

Natigil na lang ang usapan namin ni Trisha ng dumating ang Professor namin.

"Good morning." Bati ng Professor namin sa PE.

Tumayo naman kaming lahat at binati rin siya. "Okay, so today ay may bago kayong kaklase na lalaki so please be good to him." Nakangiti niyang sabi sa amin kaya nagbulungan ang mga kaklase namin.

"Sa pagkakaalam ko ay gwapo at sikat daw 'yan!" Sigaw ng kaklase naming si Gwyneth.

Nag-iritan naman ang mga babae naming kaklase. "Quiet." Utos ng Professor namin kaya nagtahimikan sila.

"Sino kaya siya?" Bulong ni Trisha pero hindi ko na lang siya pinansin.

Napatingin ako kay Josh kasi parang kinakabahan siya na ewan. Ang lamig dito sa room namin kasi may aircon pero pinagpapawisan pa rin siya. Ano kayang nangyari sa kanya?

"You may come in." Saad ng Professor namin kaya pumasok ang kaklase raw naming lalaki.

Oh fuck!

Habang naglalakad siya ay para namang tumigil ang mundo ko kumbaga siya lang ang nakikita ko. Nangangatal ako na ewan hindi ako mapakali. Sobrang bigat ng puso ko.

Bakit ngayon pa kung kailan hindi na kita masyadong iniisip? Bakit ngayon pa, Clyde?

"Hi." Bati niya kaya nagtilian ang mga babae naming kaklase. "I am Clyde Adrian Lopez."

"Hi, Clyde!"

"Gosh, napakasikat na niya ngayon."

"Ang gwapo mo talaga!"

'Yun lang ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Nanghihina ako na parang ewan.

"You may sit beside Ms. Mendoza." Sambit 'nung Professor namin kaya mas lalo akong kinabahan.

Umupo siya sa tabi ko. "Okay ka lang?" Bulong sa akin ni Trisha kaya napatingin ako sa kanila.

Tumango naman ako para naman hindi na sila mag-alala pa. 'Yung mga mukha nila ay parang awang-awa sa akin na ewan eh.

"Magiging kaklase niyo lang si Mr. Lopez sa aking subject." Banggit ni Mrs. Joy kaya mga nag-pout ang mga kaklase ko.

Buong subject ay hindi ako mapakali sa upuan ko at nakikita ko sa peripheral vision ko na nasulyap sa akin si Clyde.

Parang anytime ay aatakihin ata ako sa puso eh! Hindi ko naman ine-expect na ngayon ang dating niya edi sana nakapaghanda manlang ako.

Pagkatapos ng klase ni Mrs. Joy ay agad din akong lumabas at pumuntang cafeteria kasi doon na kami madalas tumambay nila Kline. Nakita ko si Kline kaya agad akong umupo sa tabi nito at humingi ng tubig. Umupo na rin sila Trisha.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kline.

"E-ewan ko! H-hindi ko alam." Nauutal kong sagot sa kanya at tsaka ininom ang inabot niyang tubig.

Tumingin si Kline kala Josh at sumesenyas kung ano nangyari sa akin. "Pumasok na si Clyde."

Hindi na nagulat si Kline siguro ine-expect na niya na mangyayari talaga 'to. Ako rin naman eh ine-expect ko na mangyayari 'to pero ganito pa rin ang reaksyon ko.

"Everything will be alright." Sabi ni Kline sabay hagod sa likod ko pero hindi naman ako naiyak eh.

"I dont know." Sagot ko na lang sa kanya.

Pagkatapos ng buong maghapon ay agad na rin kaming umuwi. Ayaw kong tumambay sa school kasi alam kong makikita at makikita ko si Clyde kahit saan ata ako magpunta eh nandoon siya tapos kanina sa cafeteria doon siya pumwesto sa tapat ng table namin eh ang daming bakanteng table. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano eh.

Bumalik ka nga talaga, Clyde.

Taken For Granted Where stories live. Discover now