Warning SPG!!!
Zephanie's POV
"Dapat kasi hindi ka na sumama, Zeph." Sambit ni Kline habang diretsong nakatingin kasi nagmamaneho siya.
"Hala, okay lang." Sagot ko na lang at tumingin sa bintana ng kotse niya.
"Kinausap ko na rin naman si Kass na 'wag na 'wag ka niyang gagalawin kasi kundi ako ang makakalaban niya kahit Kuya niya pa ako." Seryosong sabi ni Kline kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung matatakot o matutuwa ako sa sinabi ni Kline kasi ayaw kong mag-assume na concern siya sa akin.
"Kaya ko naman sarili ko sadyang nabigla lang ako sa ginawa niya sa akin." Sagot ko sa kanya.
"Hindi ko nga alam bakit naging ga'nun na siya. Hindi naman siya ganyan dati. Mabait naman talaga si Kass pero ng dahil sa gagong Clyde na 'yun eh naging ganyan na kapatid ko." Naiinis na sambit ni Kline.
"Hayaan mo na. Babalik din siya sa dati niyang ugali." Nakangiti kong sagot sa kanya kaya tumango na lang siya.
Agad din kaming nakarating sa bahay nila Clyde or should I say, mansyon nila. Marami na din ang mga bisita niya. Karamihan ay mga schoolmates at friends niya. Agad naming hinanap ni Kline sila Josh at nakita namin sila sa living room nila Clyde.
"Yooowww!" Masayang bati ni Lance sabay inom ng alak.
"Ang tagal niyo ah." Ani Trisha.
"Kayo ha!" Pang-aasar naman ni Josh sabay tawa.
"Para kayong tanga dyan." Natatawa kong sabi sa kanila.
Agad kaming umupo ni Kline sa tabi nila at syempre kumuha ako ng alak. Sayang naman kung hindi ako mag-eenjoy diba kahit na nandito lang sa paligid ang number one na nang-aaway sa akin.
Hinawakan ni Kline ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at tsaka binitiwan niya. "Uhm. Kaya mo ba?" Tanong niya sa akin.
Natawa ako. "Oo naman! Malakas 'to!"
"Siguraduhin mo lang ha? Ayaw ko ng ma-out of balance ka ulit." Natatawa niyang sagot kaya hinampas ko siya sa braso.
"Pwede mo naman kasing mahalin na lang ako kaysa manghampas ka ng manghampas dyan." Napapailing niyang sabi sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Aba, kapal talaga." Sagot ko.
"Mahal ka eh." Seryosong sambit niya kaya napatigil ako.
"Ano?" Seryoso ko ring tanong sa kanya.
Tumawa naman siya. "Mahal ng alak, sabi ko."
"Leche ka!" Naiinis kong sagot sa kanya.
Hindi ko na lang pinansin si Kline at uminom na lang ako ng alak. Sarap ugh!
Nandito sila Clyde at mga ka-team nila sa basketball. Late na pumunta sila Clyde dito kasi nag-asikaso daw sila ng bisita.
"Cheers! Congratulations!" Masayang sigaw ni Lance at tsaka kami nag-toast.
Napatingin ako kay Clyde ng uminom siya ng alak. Wow, first time niya atang uminom ah? Hindi kasi 'yan nainom ng alak 'nung kami pa.
Tinignan naman ako ni Clyde kaya napaiwas ako ng tingin pero 'nung nararamdaman ko ng hindi siya nakatingin ay tumingin ulit ako sa kanya sabay uminom ako ng alak at ayun ulit napatingin ulit sa akin si Clyde pero this time ay nagkatitigan na kami kaya bigla na lang hinawakan ni Kass ang mukha ni Clyde at nilapit sa mukha niya.
"Babe, anong meron sa kanya at panay tingin ka?" Nagtatakang tanong ni Kass sa kanya pero umiling na lang si Clyde.
"Wala." Seryosong sagot niya.
I missed you, Clyde pero meron ka ng bago eh kaya sobrang masakit na.
Uminom ulit ako ng alak at diretso ko itong ininom at tsaka kumuha ulit ako at nilagok ko ulit ito. Nakaka-limang baso na ako pero hindi pa rin ako masyadong nalalasing. Kaya ko pa naman. Strong 'to eh!
Kung pwede nga lang sa kada inom ko ng alak ay makalimutan ko na si Clyde pero wala eh, ayaw talaga. Gustong gusto ko ng kalimutan at mawala 'yung nararamdaman ko para kay Clyde kasi hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.
Paano ko makakalimutan 'yung nararamdaman ko para kay Clyde kung araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama?
Isa na lang, Clyde. Isa na lang na dahilan para ikasakit ko ng lubusan ay kakalimutan na kita ng tuluyan. Isa na lang... Sobrang dami mo ng ginawa na ikinasakit ng puso ko. Konti na lang at susuko na ako sa'yo. Isa na lang talaga.
Mapait akong napangiti at tsaka uminom ulit ng alak.
"Let's get it on!!!" Sigaw nila Hans sabay hinalikan ang mga babae na katabi nila.
Pucha, dito pa sila naghahalikan ah. Naging wild na ang schoolmates namin kaya napaiwas ako ng tingin pero sa dalawang tao napako ang paningin ko at sila Clyde at Kass iyon.
Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano sila mariing naghahalikan at sa harapan ko pa mismo.
"Ugh. Ugh." Ungol ni Kass.
"Kassandra!" Sigaw ni Kline at inawat awat na sila pero hindi sila nagpatinag at mas lalo pang diniin ang halikan nila.
"Mga putragis talaga 'to!" Sigaw ni Josh sabay tayo.
Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Hindi ko akalain na magagawa ni Clyde sa ibang babae 'yun. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Si Clyde! Nilalamas at hinahalikan niya ang dibdib ni Kassandra na ngayon ay tuwang tuwa.
Sobrang sakit ng dibdib ko. Sobra sobra.
Lumapit sila Trisha kala Clyde at pinigilan sila. Sinampal ni Trisha si Clyde at Kass na ngayon ay napanganga at nakahawak sa mga pisngi nila.
Sobrang sakit. Sobra na!!!
"Ang kapal ng mga mukha niyo! Dito pa kayo naggaganyan sa harap ni Zephanie! Anong gusto niyong iparating?! Mga putangina niyo!" Galit na galit na sabi ni Trisha sa kanilang dalawa.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Nanghihina ako ng sobra. Sino bang hindi masasaktan kung makita mo 'yung taong mahal mo na may ginaga'nung iba? Pucha. Sobra na talaga. Nakatulala lang ako habang tinitignan si Clyde.
"Pinagkatiwalaan ka namin, Clyde na hinding hindi mo sasaktan si Zephanie pero anong ginawa mo?! Gago ka!" Galit ding sabi ni Zach.
Anong nangyayari?!
Tumayo ako at napaupo ulit dahil sobrang nanghihina ako. Tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Pucha.
"Hindi ka na namin tinuring na kaibigan simula ng iwan mo si Zephanie!" Ani Lance sabay suntok kay Clyde kaya napahawak siya sa panga niya.
Inawat ni Kline si Lance. "Tama na!"
"Simula ngayon, hinding hindi ka na makakalapit kay Zephanie! Tandaan mo 'yang gago ka! Asahan mong hindi kami papayag na makalapit ka pa o siya sa'yo!" Galit na sabi ni Lance sa kanya.
Natauhan ako ng sampalin ulit ni Trisha si Kassandra at Clyde. "You, Bitch!" Sigaw ni Trisha kay Kass.
"Kuya!" Sigaw ni Kass na nagpapahiwatig na nahingi ng tulong pero tinignan lang siya ni Kline.
Nabalik ako sa realidad kaya pinilit kong tumayo at pinunasan ang mga luha ko. Lumapit ako kay Clyde at nakipagtitigan sa kanya.
Sinampal ko siya ng sobra kaya nagulat silang lahat lalo na si Clyde na napaigting ang panga at tinignan ako ng seryoso.
I faked a laugh. "Ito na. Huli na 'to, Clyde. Simula ngayong araw na ito ay kakalimutan na kita. Kakalimutan ko na ang lahat sa atin. Kakalimutan ko na 'yung lecheng nararamdaman ko para sa'yo. Tandaan mo, matitignan kita na ng hindi na ako nasasaktan at naapektuhan sayo." Seryoso kong sabi sa kanya kaya napaigting lalo ang panga niya. "Goodbye, Clyde! And oh, Kassandra! Punan mo lahat ng pagkukulang ko kay Clyde at ng matuto siyang makuntento." Dagdag ko pa sabay umalis sa mga harapan nila.
Lumabas ako ng bahay nila at pinunasan ulit ang lecheng luha na 'to.
---