Flashback
Kasama ko si Clyde ngayon sa kwarto ko. Yes, we're legal sa both sides kaya sobrang saya ko kasi sino ba namang babae ang hindi sasaya kapag ni-legal ka ng taong mahal mo diba? We can do anything we want.
Sobrang saya ko when I'm with Clyde. 'Yung iba nga sinasabi na sobrang swerte ko daw kay Clyde at totoo 'yun. Ako kasi 'yung first girlfriend niya at siya naman ang first boyfriend ko. Sobrang masaya ang aming relationship.
"Baby? Wanna hug me?" Malambing na tanong sa akin ni Clyde at syempre tumango ako kaya niyakap niya ako ng mahigpit.
Feeling ko safe ako kapag kasama ko si Clyde. Feeling ko safe ako kapag nasa mga bisig niya ako. Sobrang sarap sa feeling mga besh!
'Yung dating pangarap ko lang ay nagkatotoo na ngayon. This is what I want. This is the type of relationship that I want.
Ngumiti sa akin si Clyde at hinalikan ako sa noo kaya napangiti ako ng todo. "I love you so much, Baby." Ani Clyde sabay kindat kaya natawa ako.
"I love you too, my soon to be Engineer!" Sagot ko sa kanya.
-----
Zephanie's POV
Napabangon ako ng mapanaginipan ko na naman si Clyde. Hays! Hanggang kailan ka ba nasa panaginip ko? As in everyday ko siyang napapanaginipan.
"Damn!" Naiinis kong sigaw sabay gulo sa buhok ko.
Tumayo na lang ako at naligo na kasi male-late na naman ako sa school nito. Kumain muna ako at tsaka nagpaalam kay Kuya Dane na busy sa pagkain niya.
"Kuya, I'll go ahead!" Paalam ko sa kanya.
Tumango siya at binigyan ako ng halik sa noo. "Enjoy, Baby!"
Umalis na 'ko at nagdrive papuntang school at everyday routine sa school syempre magle-lesson tapos may quiz na papasagutan.
Pumunta kami nila Trisha, Josh, Zach at Lance sa tambayan namin. Paborito naming tambayan ang rooftop ng school namin kasi sila Zach ang may ari nito. Bawal talaga ang mga estudyante dito pero dahil sa anak si Zach nila Tita Marie kaya ayun pwede kami dito.
Kitang kita namin ang view ng building tsaka kitang kita namin ang mga estudyanteng naglalakad.
"Ang sarap talaga dito sa rooftop! Ang hangin tulad mo, Lance!" Tumatawang sabi ni Trisha kaya sinamaan siya ng tingin ni Lance.
"Shut up! Kahihiya naman sa'yo!" Naiinis na sagot ni Lance.
"Hoy, ikaw nga 'yung mahangin sa ating magkakaibigan!" Angil naman ni Trisha sabay irap.
At ayun nga po nagbangayan sila na parang aso't pusa. Sa aming magkakaibigan, silang dalawa ang palaging magkaaway kaya minsan naiinis na si Zach.
"You two! Enough with that!" Inis na sambit ni Zach.
"Ito kasing Trisha! Siya naman nagsimula eh." Sagot ni Lance sabay sinamaan ng tingin si Trisha.
"Bleh."
Pagkatapos ng pagkukwentuhan namin ay umalis na din kami agad kasi may susunod pa kaming klase. Pagkatapos ng buong klase ay nagmamadali akong nag-ayos ng gamit dahil naiihi na ako. Hindi ko na kaya!
Argh!
Sasabog na!
Dumiretso agad ako sa cr at ayun nailabas ko din HAHAHA. Nag-ayos muna ako ng mukha bago lumabas at tsaka umalis na habang naglalakad ako ay napatigil ako kasi may biglang tumawag sa akin.
"Zephanie!" Sigaw ng isang lalaki kaya dahan-dahan akong humarap at si Kline pala iyon.
Kumaway ako sa kanya at ngumiti. "Oh? Dito ka pala napasok?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, ngayon nga lang kita nakita eh halos nasa kalahati na 'yung school year." Sagot naman niya.
Umupo muna kami sa isang bench at nagkwentuhan muna kami habang tumitingin sa mga estudyanteng nag-uuwian na.
Ngayon ko lang nakita si Kline dito sa school eh halos magkatapat lang ang building namin eh pero bakit hindi ko siya nakikita? Siguro kaya hindi nagtatagpo ang landas namin ay dahil sa atat din akong umuwi minsan kasi pagkatapos ng klase ay diretso uwi na agad ako.
Magkaiba kami ng course ni Kline. Malamang, magkaiba kami ng building eh!
Ay oo nga pala! 'Yung panyo niya!
"Kline, nasa bahay pa 'yung panyo mo." Nahihiya kong sambit.
Tinaas naman niya yung parehong kamay niya. "It's okay. Don't bother."
Habang nag-uusap kami ay biglang nag-text sa akin si Lance at tinatanong kung nasaan ako kaya sumagot naman ako.
"So how's your day going?" Tanong ni Kline.
Ngumiti ako. "Okay lang naman. Masaya."
"Good to hear that." Sagot niya.
"Babe!" Napatingin ako sa sumigaw at syempre si Lance iyon.
Tumayo ako tapos sila naman ay lumapit kay Kline tsaka nakipag-fist bump.
So anong meron?
"Magkakakilala kayo?" Gulat kong tanong sa kanila.
Tumango si Josh. "Yes, we're highschool friends."
Ay seryoso? Bakit hindi ko alam?
"Magkakilala din kayo?" Tanong naman ni Trisha.
"Oo, nagkakilala lang kami sa park." Sabay na sagot namin ni Kline kaya nagsigawan sila.
"Kayo ha!" Pang-aasar ni Josh kaya inirapan ko siya.
Eh ano naman kung magsabay ng pananalita? Napaka-big deal naman.
"May hindi kayo sinasabi samin ha." Sabi naman ni Trisha.
"We're just friends." Sagot ni Kline.
So ayun nga, napag-alaman kong highschool friends sila at doon ko nakita kung gaano nila na-miss ang isa't isa. Hindi rin kasi sila nagkikita kasi sobrang busy nga naman sa mga school works kaya ayun pero ngayon nagbabalak pa silang magplano ng swimming sa resort nila Zach.
"Ano? G kayo?" Excited na tanong ni Lance sa amin.
"Oo naman tsaka sembreak na naman natin eh." Sagot naman ni Kline kaya ayun nagsigawan ulit sila.
"OMG, I'm so excited!" Masayang sabi ni Trisha.
"Yown! So text ko na lang sa inyo kung saan yung address! See you all there!" Nakangiting sabi ni Lance.
Umuwi na kami at nag-ayos ng gamit para sa swimming namin na magaganap sa resort nila Zachary.