TFG Chapter 10

11 0 0
                                    

Zephanie's POV




Nabibingi ako sa sobrang tahimik namin ni Clyde. So, ano wala siyang balak magsalita? Baka nahihiya? Aba'y dapat lang no!

"Uhm." Panimula ko kaya tumingin siya sa akin.

Tinitigan niya ako at syempre hindi ako nagpatalo. Ngayon ko na lang ulit natignan ng ganito ang mga mata niya. Na-miss ko siya. Na-miss ko lahat sa kanya pero syempre hindi niya ako miss hehe.

"Anong balak mo sa sayaw natin?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Ay oo nga pala, we are both dancers kaya siguradong magiging maayos naman ang magiging sayaw naming dalawa.

"Uhm. Naisip ko 'yung Almost na kanta ni Ariana Grande then iisipan na lang natin ng steps." Suggestion niya kaya tumango na lang ako.

"Kailan natin balak mag-practice?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Are you free tomorrow?" Pabalik na tanong niya sa akin.

"Yes." Tipid kong sagot kaya ngumiti na lang siya.

Awkward and I hate it.

"So, I'll pick you up tomorrow lunch." Sambit niya kaya tumango na lang.

Wews. Tanda niya pa rin bahay namin.

"So, How's your life?" Tanong niya sa akin habang umiwas siya ng tingin.

"I'm fine. Really." Pero hindi talaga dahil nakita na naman kita.

"Good for you." Tatango-tango niyang sagot.

Gusto ko siyang tanungin kung kamusta ba ang naging buhay niya sa Paris kaso wala akong lakas ng loob. I don't know.

Tumango na lang ako kay Clyde tsaka tumayo na. "I'll go ahead, Clyde."

"Aalis ka na agad?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Wala kang pakialam. Bakit ikaw ba pinakialaman ko noong umalis ka?" Naiinis kong saad sa kanya kaya napanganga siya.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yun. Masakit pa rin kasi eh. Damang-dama ko pa rin 'yung sakit.

"Oh, I'm sorry. Sige! You can go ahead." Nahihiya niyang sagot sa akin.

Agad akong lumabas ng room at dumiretso ng uwi. Nagpahinga muna ako at tsaka natulog.

Hays...

---

Kline's POV

It's Saturday morning at gagawin ko na ang every weekends routine ko which is mag-workout.

Habang nasa gym ako ng bahay namin ay biglang sumulpot si Kass kaya napatigil ako. "What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya. "Bawal na ba ako rito?" Balik niyang tanong sa akin.

Taray talaga nitong kapatid ko kaya kahit ganyan 'yan ay mahal na mahal ko 'yan.

"Look, I'm busy doing my workout." Sabi ko sa kanya tsaka pinagpatuloy ang pag-eehersisyo ko.

"Kuya, niyaya kong mag-date si Clyde pero tumanggi siya." Saad ni Kass habang nakasimangot.

"Bakit ka naman niya tatanggihan?" Tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng pawis.

"Tinanong ko nga siya eh basta ang sabi niya ay may gagawin daw siya." Sagot sa akin ni Kass kaya nag-pout na lang siya.

Tinapik ko ang balikat ni Kass. "It's alright, Baby Sis!"

Taken For Granted Where stories live. Discover now