Kline's POV
Nandito ulit kami sa aming tambayan, sa cafeteria. Nagku-kwentuhan lang kami tungkol sa nangyari kahapon. Alam naming lahat na hindi komportable si Zeph kapag katabi niya si Clyde and take note two hours niyang makakatabi si Clyde sa subject nilang PE kaya siguradong mahihirapan siyang mag-focus nyan.
Bakit kasi biglaan ang pagdating mo, Clyde? Bakit ngayon pa kung kailan unti-unti ng nagiging masaya ulit si Zeph?
Hindi ako satisfied sa sagot na pumunta lang siyang Paris para mag-aral at makasama si Sarah. I know may mas malalim na dahilan pa kung bakit siya pumuntang ibang bansa at balang araw malalaman at malalaman din namin 'yan.
Tumitig lang ako sa napaka-anghel na mukha ni Zeph tsaka ngumiti. Hays, nakaka-inlove ka talaga, Zephanie!
"Huyyy, Kline! Bakit titig na titig ka kay Zeph?" Natatawang tanong ni Trisha kaya tumingin silang lahat sa akin.
Binigyan nila ako ng nang-aasar na mukha. "H-ha? H-hindi!" Nauutal kong sagot sabay iwas ng tingin sa kanila.
"Sus! Ikaw ha! Aminin mo na!" Panggagatong ni Josh sa sinabi ni Trisha kaya mas lalo silang nagtawanan kaya napatingin ako kay Zeph na namumula na.
"W-wala akong aaminin kasi wala naman akong gusto kay Zeph." Naiinis kong sagot sa kanila.
Kung pwede lang sabihin ko na sa kanya 'tong matagal ko ng nararamdaman para sa kanya eh kaso hindi pa pwede sa ngayon.
"Defensive mo naman, Tol!" Natatawang sabi ni Josh kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Napaghahalataan ka na, Kline." Natatawang sambit ni Lance.
Bwisit talaga 'to!
"May gusto ka ba sa akin, Kline?" Tanong ni Zeph kaya napanganga ako.
Seryoso ba siya sa tanong niya?
"Ayun!!!" Sigaw nila Josh sabay tawa.
"Umamin ka na kasi." Dagdag pa ni Lance.
"Ako? Magkakagusto sa'yo?" Pabalik kong tanong kay Zeph habang nakataas ang kilay.
Tumango si Zeph. "Ano? May gusto ka ba?"
Natawa ako sa sinabi niya. "Syempre hindi no! Wala akong gusto sa'yo no! Assuming mo naman." Sagot ko sa kanya.
"Talaga ba?" Sabi ni Lance kaya nagtawanan ulit sila.
"Aba't!" Sabi ni Zeph habang hinampas ako sa braso. "Epal ka." Dagdag niya pa.
"Ano ba? 'Wag ka namang manakit." Natatawa kong sabi sa kanya kaya inirapan niya na lang ako.
"Whatever."
Nagtawanan na lang kami tapos maya-maya rin ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil may susunod pa kaming klase.
"See you." Sabi ni Zeph sabay ngiti sa akin.
"Sure. Mami-miss ko pagiging pikon mo." Sabi ko sabay tawa kaya inirapan niya ulit ako tsaka sila umalis na.
---
Zephanie's POV
Umupo na agad ako sa upuan ko at hindi na lang pinansin si Clyde na diretsong nakatingin sa akin. Napatingin naman ako kala Josh na nag-aalala kaya nginitian ko sila at nag-sign ako na okay lang.
Dumating na si Mrs. Joy at nag-discuss lang sandali tapos ay may in-announce siya sa amin. "Class, mayroon akong performance task para sa inyo at overall total nito ay 100 points kaya you should give your best to achieve this points, okay?" Nakangiti niyang sabi kaya tumango kaming lahat. "This performance task ay by partner." Dagdag niya pa kaya napatango-tango ako.
Sana naman ay maayos-ayos ang ka-partner ko sa PT na 'to.
"So, ang PT niyo ay magsasayaw kayo ng partner niyo and take note, sa sayaw na 'yun ay dapat kong makita ang affection niyo sa isa't isa basta ang genre ay about love, did you all get it?" Mahabang saad ni Mrs. Joy sa amin kaya tumango kami.
"When I say your name and your partner's name, you should stand up at magtabi kayo." Sabi niya.
"Gwyneth Anoñuevo and Blaster Lastimosa." Banggit ng Prof namin.
"Gosh! Bakit si Blaster pa?" Nagrereklamong tanong ni Gwy kaya tinignan na siya ng masama ni Mrs. Joy kaya padabog siyang pumunta sa kaaway niyang si Blaster.
"Roxanne Guerrero and Hans Baler."
"Joyce Roguel and Xander Sy."
"Yannah Villanueva and Josh Wilson." Agad namang nagtabi ang dalawa at take note, may gusto si Josh kay Yannah at nahihiya lang siyang umamin dito.
For sure, magiging maganda ang resulta ng sayaw nila. Sana may gusto rin sa kanya si Yannah para mas maganda.
"Trisha Maximo and Zachary Ford." Naglapit naman ang dalawa at umapir si Trisha kay Zach and as you all know guys, may gusto naman 'tong si Trisha kay Zach pero ang alam ko ay walang natitipuhan ngayon ang bestfriend namin kaya makaka-da moves 'tong si Trisha. Char!
Ayaw lang umamin ni Trisha kasi syempre magkaibigan sila. Ayaw niyang masira ang friendship nila sa isa't isa pero dadating ang araw at aamin din 'yan.
"Samantha Reyes and Lance Francisco." Agad din silang naglapit at nginitian naman nitong si Lance si Sam kaya kinilig si ghorl.
Kilig ka, Ghorl?
Blah. Blah. Blah. Maraming binanggit ang Prof namin na mag-partner.
"And lastly." Sabi niya. "Zephanie Mendoza and Clyde Lopez." Dagdag niya.
Halos atakihin ako sa narinig ko pero sabagay inaasahan ko na naman kasi kaming dalawa lang ni Clyde ang natira sa mag-partner.
Lumapit siya sa akin pero hindi kami nagpansinan. Pucha! Parang maaga ata akong mamamatay ngayon ah.
Bakit kailangang si Clyde pa ang maging partner ko?
"So, please have a good time with your partners and goodbye." Tsaka siya umalis na.
Nagsilabasan sila at ako naman ay umupo muna sa upuan ko kasi para akong nanghihina na ewan.
Nagpaalam sa akin ang mga kaibigan ko kasi magpa-practice na sila ng sayaw pero syempre tinanong muna nila ako kung ayos lang ako kaya tumango na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko eh sa partner ko na si Clyde.
Kami na lang ni Clyde ang natira sa room para kamong may dumaan na anghel kasi sobrang tahimik naming dalawa at idagdag niyo pa na nakasara ang pintuan kasi bawal 'tong iwan na naka-bukas kasi may aircon.
Wala ata akong balak magsalita eh para kasing nilamon ako ng kahihiyan pero bakit ako mahihiya diba? Hindi naman ako 'yung nang-iwan kaya dapat si Clyde ang mahiya.
Chill ka lang dyan, Zephanie! Kaya mo 'yan!