Zephanie's POV
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kline sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. "Ssh, don't cry." Ani Kline.
Umiiyak pala ulit ako! Hindi ko na kasi namalayan eh.
"Can you go with me?" Seryosong tanong ni Kline kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Where?"
"Kung saan pwede mong isigaw lahat ng nararamdaman mo." Sagot niya sa akin. "And promise me," Dagdag niya pa.
"Promise you what?" Tanong ko sa kanya.
"Promise me na after mong masigaw lahat ng nararamdaman mo ay magiging okay ka na at kakalimutan mo na 'yang nararamdaman mo para kay Clyde kasi ayaw kitang mas lalo pang masaktan." Saad ni Kline kaya napangiti ako.
"Oo naman no! Let's go!" Sigaw ko sa kanya kaya agad kaming sumakay sa kotse niya.
Mahaba ang naging byahe naming dalawa at nandito na nga pala kami sa isang lugar kung saan may dagat. Umupo kaming dalawa ni Kline sa bato doon at tinignan ang kapaligiran.
"Starting from now, I will forget my fucking love for you, Clyde." Seryosong sambit ko. "Sobrang sakit na kasi eh." Dagdag ko pa sabay tumulo ang mga luha ko.
"Tama na 'yung mga pinagdaanan kong sakit sa'yo." Umiiyak kong sabi. "Thank you for all the sad and happy memories that we shared. I will move on but you still have a special place in my heart." Ani ko.
"I will always be here for you, Zeph." Nakangiting sabi ni Kline at tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Thank you, Kline for being with me." Pagpapasalamat ko sa kanya.
Hinalikan niya ako sa noo. "Ayaw na ayaw kitang nasasaktan, Zeph. Ni hindi nga kita masaktan dati eh."
Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"
"I'm Kline Von." Simpleng sabi niya.
Shit! Siya si Von?!
"You mean? Ikaw 'yung childhood bestfriend ko?" Gulat kong tanong sa kanya at tumango naman siya.
"Yes, Nie."
"Kaya pala! Matagal na kitang napapansin eh." Ani ko sa kanya.
"Anong napapansin mo?" Tanong niya sa akin.
"Matagal na kitang napapansin na para bang kakaiba ang ikinikilos mo sa akin." Sagot ko sa kanya.
"And I have something to tell you." Seryosong ani Kline.
"What is it?" Tanong ko sa kanya.
"I love you ever since we were young." Diretso niyang sabi kaya napanganga ako.
"Seriously, Kline?"
"Pero tinago ko lang sa sarili ko kasi ayaw kong masira ang friendship natin." Sabi niya sabay pilit na ngumiti. "Hindi ko dapat ngayon sasabihin sa'yo kasi ang dami mong pinagdadaanan ngayon pero I love you, Zephanie. I really love you. I'm just looking at you from a far." Dagdag niya pa.
"Sorry, Kline but I need to heal my broken heart before I open it to another man." Malungkot kong sagot sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "I understand."
"But thank you for loving me." Nakangiti kong saad sa kanya kaya niyakap niya ako.
"I will always love you. I just fucking hate Clyde for hurting my love." Sagot niya.
Bumitaw ako sa yakap niya at tinignan siya. "It's alright. Everything happens for a reason."
"And I think that we are destined to be with each other." Nakangiti niyang sambit kaya hinampas ko siya.
"Pagkatapos mo lang umamin dyan ay babanat ka na ng ganyan." Natatawa kong sagot kaya natawa rin siya.
"But I'm dead serious that I will wait for you until you heal your heart."
Awws. Nakaka-touch naman!
"Thank you, Kline."
"I love you, Zephanie and I will always do." Nakangiti niyang saad at tsaka ako hinalikan sa noo sabay yakap.
Kailangan lang muna humilom nitong puso ko bago ako magpapasok ulit ng lalaki sa buhay ko. Sobrang sakit kasi ng nangyari sa akin.
Hahayaan ko na sila Clyde at Kassandra pero hindi ko hahayaan na saktan ulit ako ni Kassandra dahil lalaban na ako. Kung dati ay tahimik lang ako habang sinasaktan niya ako pero ngayon ay hindi na ako papayag na makadampi pa ang mga kamay niya sa akin.
I learned my lesson.
Mabait ako pero kapag sumobra na ay hindi na ako papayag lalo na ngayon na sinaktan ako ng sobra ni Clyde. I have my reasons to fight back.
Pagkatapos ng buong gabi ay umuwi na rin kami ni Kline at nagpahinga.