"Baby, hug me tight." Bulong sa akin ni Clyde kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
Sobrang na-miss ko si Clyde ngayon kasi dalawang linggo kaming hindi nagkita kasi sobrang busy naming dalawa sa school works namin. Tambak 'yung mga gawain namin at itong araw na lang ang rest day namin basta kasama ko lang si Clyde ay okay na ako.
Siya ang pahinga ko sa nakakapagod na mundo. Siya lang. Ginawa ko na kasi siyang mundo ko kaya mahirap sa akin kapag nawala pa 'to at 'wag naman sana.
Nandito kami ngayon sa tuktok ng Ferris wheel. Sobrang saya lang tignan ng view sa baba. Kitang kita dito yung mga ibat' ibang kulay ng ilaw.
Masaya ako ngayon kasi kasama ko si Clyde. Pangarap ko lang dati na makasama ko 'yung taong mahal ko sa ferris wheel at ngayon ay nagkatotoo na. Wala na akong hihilingin pa kundi makasama lang si Clyde.
"Babe? May tanong ako?" Ani Clyde habang nakakunot ang noo.
"Sure, what's that?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Papayag ka bang umalis ako?" Seryosong tanong niya sa akin.
"What do you mean na aalis ka?" Tanong ko naman sa kanya.
Malay ko ba kasi dito kay Clyde.
"What I mean is, gusto kasi nila Mommy na doon ko ituloy ang pag-aaral ko sa Paris tsaka para na rin daw makasama ko si Sarah." Sagot ni Clyde kaya napanganga ako sa sinabi niya. "Papayag ka ba? Ayos lang sa'yo?" Dagdag na tanong niya.
Oh okay. Aalis nga talaga siya! Hindi ko alam pero medyo nalungkot ako sa nalaman ko pero hindi ko dapat ipahalata sa kanya baka ako pa ang maging dahilan para hindi siya tumuloy sa Paris.
"Oo naman, Babe! Ayos lang sa akin tsaka it's for the sake of your studies naman eh so why not diba?" Nakangiti kong sabi sa kanya kahit na deep inside nalulungkot ako.
Hindi lang kasi talaga ako sanay na hindi siya kasama. Nasanay kasi akong nandyan siya palagi sa tabi ko. Lagi siyang nakaagapay sa akin kaya mahihirapan ako kung magiging long distance relationship kami pero dapat kong kayanin. Dapat naming kayanin.
"You sure, Babe?" Naninigurado niyang tanong sa akin habang tinataas-taas ang kilay niya.
"Yes, Babe." Sagot ko pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Lumapit siya lalo sa akin at hinalikan ako sa noo. "Baby? Alam kong kakayanin natin diba? Strong tayo eh." Nakangiti niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Tsaka hindi ako maghahanap ng iba kaya 'wag kang mag-alala dyan." Natatawa niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"May tiwala naman ako sayo eh sadyang hindi ko lang kaya na wala ka sa tabi ko." Sagot ko naman sa kanya.
Kinindatan niya ako tsaka siya ngumiti. "I love you so much."
"I love you too."
---
Zephanie's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto namin at syempre nagda-drama ako dito mag-isa. Nalulungkot lang ako sa nalaman ko. Apektado lahat sa akin lalo na ang puso ko. Sobrang mahal ko pa rin pala si Clyde at hindi na ata mababago 'yun.
Naalala ko 'yung mga panahon na magkasama kami. 'Yung mga panahon na magkahawak kamay kami. 'Yung mga panahon na masaya kami. 'Yung mga panahon na matatag pa 'yung relasyon namin.
Sakit bes!
"Ang tanga tanga mo na, Zephanie!" Naiinis kong sabi sa sarili ko habang ginulo ko ang buhok ko.
Sige lang, iiyak mo lang 'yan, Zeph!
Diba ang loka ko din? Kinomfort ko mag-isa ang sarili ko hays.
"Napapagod na akong mahalin ka, Clyde pero ayaw pa ring sumuko ng nasasaktan kong puso. Ganoon kita kamahal, Clyde. Bakit ang tatag pa rin ng pagmamahal ko sa'yo? Buti ka pa nakahanap ka na ng iba eh samantalang ako naghihintay pa rin sayo." Bulong ko sa sarili ko habang umiiyak.
Sobrang sakit na eh. Sobra!
---
Lance's POV
Pagkatapos umalis ni Zephanie ay bigla kaming nagtahimikan as in sobrang tahimik namin. Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si Kline pero pinigilan siya ni Josh.
"Stay." Tipid na sabi ni Kline pero seryoso siya kaya napatingin sa kanya si Kline at tumaas ang kilay.
"Why? Hindi niyo ba nakita na halatang nasasaktan siya? I'm going to comfort her." Madiin na sagot ni Kline.
"Just fucking stay, Dude." Naiinis na ani Zachary.
"Kilala namin siya, Kline. Gusto niya munang mapag-isa kapag ganyan siya. Gusto muna niyang makapag-unwind na siya lang mismo 'yung walang kasamang ibang tao." Seryosong sabi ni Josh kaya napabalik si Kline sa pwesto niya.
Habang nag-uusap sila ay nagpaalam muna akong pupunta ng rest room kasi sasabog na ang pantog ko at ayun na nga nailabas ko na. Nagulat naman ako ng biglang mag-ring anh cellphone ko at nakita kong tumatawag ang isa sa babaeng pinaglalaruan ko lang naman.
[Hey, Babe.]
[What?] Naiinis kong tanong sa kabilang linya.
[Where are you?] Maarte niyang tanong.
Nababanas ako sa boses niya! Pinaglalaruan ko lang naman siya eh. Isa pa siyang uto-uto eh. Mabilis mahulog sa kamandag ko.
[You don't care.] Naiinis kong sagot.
[Babe, I want you now.]
Ang arte talaga nakakainis!
Napakamot naman ako sa ulo ko sa sobrang inis. [Wala akong panahon sa'yo.]
End call
Pinatay ko na agad ang tawag kasi naiinis ako sa kanya. Wala siyang karapatan mag-demand sa akin kasi para sa akin ay wala lang siya. Pinaglalaruan ko lang talaga siya. 'Yun na 'yun!
Bumalik ako sa cafeteria at wala na pala dito ang mga mokong kaya pumunta na lang ako ng room namin at naabutan ko si Zephanie na naiyak doon.
Just fuck you, Clyde for hurting our Princess!
Lumapit ako kay Zeph at niyakap siya tsaka hinalikan sa noo. "Just cry, Zeph."
At ayun na nga mas lalo siyang humagulgol. "Bakit ba kasi iniisip mo pa rin siya?" Naiinis kong tanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin at nasaktan ako sa nakita ko kasi sobrang mugto na ang mata niya. "Because I love him." Simpleng sagot niya pero grabe ang impact.
"Hayaan mo na siya. Masaya na siya ngayon tsaka dapat mo na talaga siyang kalimutan kasi boyfriend siya ng kapatid ni Kline." Seryosong sabi ko sa kanya. "Just. Move. On." Madiin kong sabi sa kanya.
Umayos siya ng upo at pinunasan ang mga luha niya. "Hindi ko alam kung magagawa ko 'yun." Ani Zeph.
"Hays, tama na. Mahal ka namin, Zephanie Francine." Malambing kong sabi kaya napangiti siya.
"Awws, thank you." Tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
Kaya ayaw kong nasasaktan 'tong si Zeph eh masyadong precious ang mga luha niya para lang iyakan ang gagong Clyde na 'yun.
"We love you, Zephanie."