Simula

4 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and incidents are used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead or actual events is purely coincidental. Distributing or copying the story without the author's permission is strictly prohibited. Plagiarism is a crime.

Grammatical errors ahead.

-Shan_ney
---

"SCOTT!" Sigaw ng babae at napaupo. Humagulhol siya. Niyakap siya ng isang lalakeng matangkad, maputi at may kagwapuhan.

Iyak lamang nang iyak ang babae habang ang lalake nama'y niyayakap siya. Sinisigaw niya ang pangalan ng kaibigan niyang namatay—si Scott.

"S-sorry, hindi namin agad sinabi sa'yo." Bulong ng lalake sakaniya.

Umiling ang babae at pinagsusuntok ang lalake. Nang mapagod ay isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat nito.

"K-kaibigan ko rin siya... m-may karapatan akong malaman. B-bakit hinayaan niyo siyang... mailibing nang h-hindi ko nalalaman?!"

Hindi nakasagot ang lalake. Napatungo ito. Tumayo ang babae at tumakbo, hahabulin ko pa sana ito nang biglang magbago ang paligid.

Nasa isang kwarto ako...

Puno ng libro.. papel at kung ano pang gamit pang-eskuwela. May narinig akong humihikbi kaya't napatingin ako sa kaniyang gawi.

Naningkit ang aking mga mata... Kilala ko kung sino ito ngunit hindi ko matandaan ang kaniyang pangalan.

"K-kaya mo 'yan, self. Para sa pamilya mo." She whispered to herself.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak. Ngunit nang magtagal ay napagtanto kong umiiyak siya dahil sa pressure na binibigay sakaniya.

Maganda ang babae. Maputing kutis, mapupulang labi, matangos na ilong, mahahabang pilikmata at may makapal na kilay. Mas maganda sana siya kung hindi siya umiiyak...

Sasabihin ko sana ito sakaniya nang magbago muli ang paligid sa ikalawang pagkakataon...

Makulimlim ang langit. Nagsisimulang bumagsak ang mga butil ng ulan. May narinig akong sigawan at pagsabog kaya't hinanap ko kaagad kung saan ito nagmula.

Tumakbo ako nang tumakbo. Pinapakinggan pa rin kung saan nanggaling ang tunog. Napatigil ako nang bumungad sa 'kin ang kotseng umaapoy. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at pagkagulat.

May dalawang batang dahan-dahang gumapang palabas ng sasakyan. Umiiyak na gumagapang ang batang babae, duguan siya at puno ng sugat sa katawan. Ang lalake nama'y gumagapang na may determinasyon sa kaniyang mukha. Hindi dinaramdam ang sakit ng kaniyang katawan. Nang tuluyan silang makalabas ay dahan-dahan nilang inilabas ang katawan ng kanilang... mga magulang? Nang magtagumpay sila ay agad na umalis ang batang lalake, mukhang maghahanap ng tulong.

Happiness (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon